Chapter 57

837 195 0
                                    

Not Your Type of Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 57

Nagising ako nang may biglang umangat ng ulo ko sa unan kaya bumalikwas ako ng higa at sa unang pagdilat ko, nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ko.

"Magpahinga ka lang muna, Ada," hinimas niya ang buhok ko kahit naka-army cut ito.

Pinilit ko pa ring idilat ang mga mata ko kahit medyo mahapdi pa.

"Pero 'ma, kailangan kong pumasok"

Iaangat ko palang ang kamay ko para hawakan siya ngunit napagtanto kong may benda na ito.

Omg. Nasaksak pala ang kamay ko kagabi nang sinalo ko yong kutsilyo na akmang didiretso na sa dibdib ko.

"Wag ka lang kaya munang pumasok, Ada. Tingnan mo yong kamay mo susmaryusip. Laking pasasalamat ko talaga kay Duane at hinatid ka dito kahit ala una ng umaga. Saan ka ba kasi nagpunta Ada? Pinag-aalala mo kami ng papa mo"

Eto na, ihahanda ko na ang sarili kase bungangaan na ako ngayon ni mama.

"Ang importante po 'ma, ligtas ako at nandito na ako"

"Anong ligtas? Papano kung wala si Duane eh saan ka nalang pupulutin?! Naku Ada ulitin mo pa 'yang pinaggagawa mo kahit disoras na ng gabi nagawa mo pa ring lumabas!"

Hay.

Itinikom ko na lang ang bunganga ko kaysa mag-away pa kami ngayon ni mama. Kasalanan ko naman talaga eh, imbes matulog na ako sa kwarto ko kagabi, nagawa ko pa ring lumabas nang maalala ko yong sinabi ni Denver sa akin nung kumakain kami sa food court kahapon.

Kasalanan pa rin ba kung hindi ako mapakali 'pag alam kong may riot ang gang at maaalala ko si Duane na baka mangyari ulit yong gabing nasaksak siya?

Siguro nga kasalanan ko dahil una sa lahat, wala nang kami. Hindi ko rin alam kung itinuturing na rin ako ni Duane na hindi na kasali sa gang kaya bakit pa ako biglang susulpot dun?

"Mapilit ka talagang bata ka, sabi nang magpahinga ka lang muna eh"

"Ma, kamay ko lang naman po 'to. Kaya ko pa namang magpadyak eh," pagdadahilan ko nang palakarin ko ang bike palabas ng gate.

"Wala namang akong nagagawa kasi andyan ka na. Sige 'nak, mag-iingat ka. Wag mong kakalimutang magpasalamat kay Duane sa ginawa niya sayo. Hindi na yan nakatulog kanina kasi ginamot niya ang kamay mo"

Nagawa kong yakapin si mama habang nakaupo na ako sa bike ko at binalanse ko pa ang tayo ng bike sa pamamagitan ng dalawa kong paang dumiin sa lupa. Saka ako nagpadyak na naka-one hand hanggang makarating ako sa eskwelahan.

Tsk. Here we go again.

Maraming mata na naman ang dumapo sa akin pagkapasok ko ng gate ngunit diniretso ko lang ang tingin ko sa unahan na ikinalaki ng kanilang mga bulungan para marinig ko. Mas lalo lang silang nainis nang bilisan ko ang paglalakad hanggang matagpuan ko ang sarili ko sa daang kakaunti nalang ang tao.

Pag-usapan ba naman ako ng kung anu-ano.

"Totoo ngang break na sila," dinig kong sabi ng isang estudyanteng nakatingin sa bulletin habang dire-diretso lang ang aking lakad.

Napabalik ulit ako sa kuryusidad na kumatok sa isipan ko kaya sandali akong sumilip sa bulletin board.

Napaawang ang bibig ko sa apat na nakadikit na mga litrato.

Si Loren. Si Mike. Si Duane. At ako.

Tinaas ko ang aking paningin para basahin ang headline.

'Two Famous Love Teams' Break Up'

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon