Chapter 33

1K 212 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 33

"Hinalikan kita Dacuno para wala ka ng lakas ng loob gustuhin pa ang Four na 'yon. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi Dacuno, nandyan siya nang hinalikan kita"

Argh! Bakit ba bigla-biglang pumapasok 'to sa isip ko? Hindi na nakakatuwa ha! Kainis talaga! Sarap hukayin 'tong utak ko at i-adjust kung anong sira sa loob.

Walang sense of cooperation eh.

"Boss saan ba tayo pupunta ngayon?"

"Sumunod na lang kayo"

Aist! Ginawa pa yata kaming aso dito.

"Okay ka na ba Dacuno?" Tanong sa'kin ni Sandoval, isa sa mga miyembro ng gang.

Suminghap na lang ako bilang tugon.

Nakapwesto ako ngayon sa gitna nila kasi one of the boys na raw ako. Walangya! Tas kung asarin kami kanina ni Duane akala mo talaga gustung-gusto ko 'yong halik ng lalaking 'yon eh. Babae po ako na nawalan ng first kiss ho!

"Bilisan natin mga brad," nagmamadaling aniya.

Kasa-kasama ko na naman ngayon ang Neon. Isa ito sa mga rules ng gang na once 'di ako makasama, pwede akong mapatawan ng parusa na libreng pa-lunch ng gang sa food court ng one week. The fudge! Ayoko nga, kakaunti na nga lang yong bigay ni Mama na pera eh. 'Yong mga gastusin nga sa bahay, nahihiya na lang akong tanggihan 'yong ambag ni Duane sa pagkain namin sa pang-araw-araw kasi naman siya na ang nag-iinsist na magbigay.

Kailan ba kasi uuwi sina mama? Parang napaka- importante naman 'yong pinuntahan nila.

"Mabuti loves at hindi mo'ko pinahintay," nawala ako sa iniisip ko at bumungad na lang sa akin si Cassy sa harap namin. Lumibot pa siya sa kinatatayuan ni Duane. Nag-iisa lang siya dito sa likuran ng building nang madatnan namin siya.

"Sobrang na-miss kita loves. Ilang araw din tayong hindi nagkita dahil sa babaeng 'yan," dumirekta ang tingin niya sa'kin mula kay Duane. Isang sandali pa ay tinulak niya bigla ang mga ka-gang namin na nakapalibot sa'kin.

"Sabi ngang tabi!"

Napunta ang lahat ng atensyon namin sa kanya na para ng baliw kaka-tulak sa mga ka-gang namin. Nagtaka ako kasi hinayaan lang nila ito. Napahinga na lang ako nang pagkalalim-lalim nang lingunin niya akong muli.

"Sa tingin mo maganda ka na ngayon? Anong pakiramdam na hinalikan ka ng loves ko?"

Hindi ko ugaling ngumisi basta-basta pero nagawa ko iyon dahil sa kanyang tanong.

Inisin ko kaya itong babae 'no?

"Sabik ka na ba? Wag na kaya, baka kasi ikaguho mo lang 'pag marinig mo eh," tinapunan ko siya nang mapang-asar kong ngiti.

"Huh! Talaga lang huh? For your info, mas una kong natikman ang lips niya 'no!"

What the fudge! Nabigla man ako sa sinabi ng babaeng ito pero kinalma ko kaagad ang sarili ko.

Okay. Hindi na nakapagtataka. Kung totoo man ang sinabi niya, for sure siya ang unang sumunggab sa kanilang dalawa.

Mabilisan kong inirapan si Duane sa binitaw na mga salita ni Cassy dahil sa pagpipigil niyong pagngisi. Wala yata silang balak awatin kami dito eh. Pwes, 'di ko aatrasan 'tong dini-date niyang panay pagtataray lang ang alam.

"Oh, ba't natahimik ka? Hindi ka makapaniwala? Ako kasi ang unang nakatikim sa lips niya. At matuto kang lumugar, Abakada. Hindi halata sa mukha mo ang pagiging mang-aagaw sa mukha mong 'yan!"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon