EPILOGUE

1.8K 201 9
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
EPILOGUE

Three weeks na ang nakalipas pagkatapos ng gabing iyon na kasama ko si boiffy sa kubo ng diversion. Ang daming nangyari sa loob ng tatlong linggong ito, pero lubos pa rin ang pagpapasalamat ko sa lahat ng naging parte ng gabing iyon, kung kailan nagkabalikan ulit kami ni Duane.

"Wag mo nang ipaagaw si Duane sa iba ha?" saad ni Cassy na may halong tawa habang katabi niya ang boyfriend niya na nakita ko noong gabing 'yon. "Sinabihan ko na rin si kuya na wag na kayong istorbohin pa"

Napangiti na lang ako sa kanya at napatango.

"Tara na Cass?" singit ng boyfriend niya. Sa pagkakaalam ko, parehas silang grade eleven.

Namalayan ko na lang ang paglapit samin ni Duane na may dalang plastic bag at saka sina Cassy nagpaalam sa aming dalawa.

"Anong pinag-usapan niyo ni Cassy?" usisa niya.

"Wag ka raw mambabae," natawa kong sagot. "Asan na pala yong pinapabili ko sayo?"

"Eto, isang kilo 'yan. Wag mong sabihing iiyak ka ngayon eh hindi pa nagsisimula ang graduation natin"

"Umiyak na ako kagabi boiffy para hindi na ako maiyak ngayon. Parang natatakam lang kase akong kumain nito"

"Aagawin mo na ba yong paborito ko?"

Bigla ko siyang hinalikan dahil naka-pout na ito. At bago pa man siya magsalita, inunahan ko na siya. "Pag hinalikan kita Duane, ang ibig kong sabihin nyan, oo. Kaya pareho na na'tin paborito itong dalandan"

Lumawak naman ang ngiti niya sa sinabi ko. At doon napagpasyahan na naming bumalik sa quadrangle at baka magsimula na ang programme.

Pagkarating namin sa venue na pagdadausan ng graduation namin, unang sumalubong samin ang ka-gang namin na katulad naming dalawa, nakatoga din sila. Hindi ko lang mawari na yong mga lalaking nakakasama ko na may tattoo sa braso at katawan at may suot na mask tuwing may riot, ngayon parang mas mukha pa silang mga estudyante kaysa sakin. Nakipagbiruan pa sila sa'min bago kami sabayan na makabalik sa mga silya.

Sunod na lumapit sa'min sina Loren at Mike na katulad namin ni Duane, magkahawak din ang kamay nilang dalawa.

"Ano ba 'to parang ayaw ko pang maggraduate. Basta walang lilipat ng school ha? Ikaw bro, ikaw din Abakada, dito pa rin tayo mag-aaral ng senior high!"

Penektusan naman siya ni Loren na ikinakamot na lang niya ng ulo.

"Who told you that munchie? Of course, ang friendship nating apat will not just vanish in just a snap. Right Abakada?"

"Dalandan guys gusto niyo? Mukhang maiiyak ako sa pinagsasabi niyo eh"

Nagkatawanan kaming apat. Nagulat ako nang akbayan ako ni Loren, kaya nagkaakbayan  kaming apat ng mga balikat namin. Kaming dalawa ni Loren yong nasa gitna.

Siguro, kaming dalawa ni Loren ang magpapatunay na may comeback ang isang relasyon. Parehas man kaming galing sa break up, napunta pa rin kami sa lalaking dahilan kung bakit naging taken kami.

Ang saya. Ang saya lang sa pakiramdam na kahit papaano, naayos ko yong mga relasyong minsan ko nang nasira sa tulong ng mga taong nagmalasakit sa'kin. Ang masaya pa dito, lahat kami ay nakatoga.

"Kayo na ang may love life! Kakainggit kayo!" pahayag ni Bernadette nang lumapit din si Denver at juniora sa'min.

"Andito naman ako eh," napalingon kami kay Noah at kinindatan niya si Bernadette na mukhang namula pa ang mga pisngi nito.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon