Chapter 42

1K 214 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 42

"Swerte naman this girl, may Duane na siya"

"How come naging sila?"

"Di sila bagay. Never!"

Sari-saring bulungan ang naririnig namin ngayon sa hallway habang kasa-kasama ko ang Neon gang, lalo na ang lider na si boiffy ko.

Wala akong pake kung kami na ang pulutan ng usapan nila, kung kahawak ko ngayon ng kamay ang lalaking sobra akong mahal.

"Binilhan pala kita boiffy ng drum stick kahapon pagkatapos ng klase," pambungad kong sabi na ikinagulat niya.

"Nag-abala ka pa girlfre," tinanggap niyo ito na may ngiti sa kanyang labi. "Sa susunod wag kang pupunta kung saan-saan nang mag-isa. Ayokong uuwi tayo nang di sabay"

"Baka kase di mo ako hayaang bilhan kita ng drum stick eh kasalanan ko naman kung bakit mo yon naibato sa babaeng nanakit sakin sa field"

"Magkano ba bili mo nito?"

"Wag na boiffy, nakakuha naman ako ng discount nang malaman ng owner ng store na para sa'yo yong binibili kong drum stick. Kilala ka pala boiffy kahit sa labas ng school sa pagiging drummer mo"

"Sus, ang gusto ko maging kilala ako ng puso mo"

Wow. Kung maka-banat 'tong si Duane akala nito 'di ako kinikilig. Nagpipigil lang ako, mahirap na baka di ko kayanin.

"Yan si boss!" sumuporta pa ang ilan sa gang.

"Mauna na kayo mga brad, yong girlfre ko alam niyo na gagawin niyo," nagmamadaling wika ni Duane saka ibinigay kay Denver ang mga librong dinala-dala niya para sakin.

"Saan ka pupunta?"

"May praktis pala kami ng banda girlfre," lumayo na ito at kinawayan nalang ako ng kamay.

"Akin na Denver," paghingi ko sa hawak niyang mga libro.

"Magagalit si boss"

"Hindi naman niya malalaman eh"

"Mas mabuti na yong sigurado. Ayaw na ayaw pa naman niyang mapapagod ka"

Tsk. Parang libro lang eh. Sanay naman na akong may yakap-yakap na libro, papanong mapapagod ako?

"Ibang klase palang magmahal si boss, alagang-alaga si Dacuno," komento ni Mortel habang tuloy-tuloy pa rin ang lakad namin.

"Nagmana yan si boss sakin kaya swerte yong magiging gf ko," pahayag naman ni Noah habang naglalaro ng PSP niya.

"Sus wala kayo sakin brad. Nagpaturo yan si boss yong mga galawang ganyan," sabi ni Sandoval.

Hay. Kailan kaya matitigil ang lokohan?

"Samahan muna natin makabalik si Dacuno sa room bago tayo lumabas," paalala ni Denver sa kanila na may sari-sariling mundo ang iba.

Sigh.

Ramdam ko talagang one of the boys ako pag kasama ko ang gang na humigit-kumulang labing-limang lalaki. Mukhang magiging tumba-lata pa ata ako nito. Si Duane nalang talaga ang nagpapaalala sakin na babaeng-babae pa ako.

"You have so many bodyguards naman Abakada," pansin niya nang makaupo na ako sa silya ko at gaya ng nakaugalian niya, tinabihan niya ako dahil nasa labas pa ata si Bernadeth.

"Nakakailang nga eh. Mukhang makakasama ko na talaga sila kahit saan ata ako magpunta lalo na pag nasa labas ng bahay"

"How sweet is Duane sayo, Abakada. He will make sure you're always protected. You know what, I have something to tell you. I hope hindi ako nagkakamali," saka ko siya nilingon dahil sa sinabi ni Loren na nagpapukaw sakin ng kuryosidad.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon