Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 17"Papaano ngang nandito ako sa hotel kasama siya?" turo sakin ni Duane habang sina Loren at ang iba kong mga kaklase nakatingin sa kanya.
"Lasing ka na kagabi Duane. Di na namin kayang umuwi at ihatid ka so we decided na maghotel nalang. Ganun lang kasimple," mahinahong paliwanag sa kanya ng isa naming kaklase na bakas sa tono ng boses nito na pinipilit niyang kontrolin ang inis.
"Pero bakit kasama ko siya? Bakit kaming dalawa lang?"
Haler? Akala niya siguro ginusto ko 'to? Tsk
"Ano bang problema dun?" tanong ng ka-gang niya na nawawalan na rin ng pasensya sa walang katapusang tanong ni Duane.
"Alam niyo namang ayoko makasama siya!"
Hay. Mag-aaway ata ang mga kaklase ko dahil sa akin. Sana di nalang ako pumunta. O di kaya umuwi ako kanina kahit hatinggabi na.
"Ayoko siyang makasama alam niyo yan Denver!"
"Ayaw mong makasama pero gusto mong makausap? Yon ba?"
"Sinabi ko ba yon?"
"Labas juniora!" na-curious ako ngunit itong baklitang 'to nagawa pang rumampa na may hawak na phone.
"I-play mo dali"
Ilang segundong tahimik ang room habang sabay-sabay naming pinakinggan ang nanggagaling sa phone na naka-volume.
Ayt.
"HAHAHAHAHA! Di daw uuwi pag di makausap ah! Yon ba yong ayaw makasama?"
"Ano pa ulit?" pang-asar ng ka-gang niya na nauwing pinagkaisahan siya.
"Di ako uuwi pag di ko makaushap shi Dacuno! Ashan ba siya?! Bakit wala siya dito?!" pag-akting ng baklitang 'to sa narinig naming audio na nirecord pala nila kagabi.
Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya natawa na rin ako dahil nagboses-lalaki yong baklita. Kawawang juniora.
"O ano? Aangal ka boss?"
"Ang gwapo ko!"
Lah! Anong connect dun?
"Ang gwapo ko kagabi!" sabay kuha niya sa polo at sapatos na nasa sulok ng room saka ito sinuot nang madalian.
"Boss uuwi ka na? Sabay na tayo boss"
Nagkatinginan nalang kami ni Loren na natatawa pa rin ito hanggang sa sandaling naiwan kaming lima.
"I thought kung ano na nangyari the two of you"
Tinawanan ako ni Loren. Grrrr
Papano, sumigaw si Duane kanina na akala mo nasunugan na. Pinangalandakan pa niyang ni-rape ko daw siya. Naku kung wala lang akong kasalanan sa kanya, totohanin ko talagang gahasain siya. Makikita niya! Grrrr
"Wateng ganap girlalo sa inyo ni Duane? I-storytell mo na judi ann"
"Walang nangyari sa'min"
"Maniwala?"
"Stop it. Are you doubting?" pagdepensa sakin ni Loren sabay pinagpapalo niya ang baklita sa pwet.
Nakakatawa ang itsura ni juniora.
"C'mon Abakada may pasok pa tayo"
Isinara ko ang pinto ng room pagkatapos naming lumabas. Itong room na 'to walang masyadong may nangyari pero dito ko nakasama si Duane nang wala akong tulog.
"Abakada! Let's go"
Bumaba na kaming lima at si Loren na ang nagbayad sa aming pagcheck in. Ang gara talaga ni Loren gumastos pa siya ng 5 thou para sa dalawang rooms sa isang gabing pagstay.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...