Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 16"Abakada?" Pagkuha ng pansin sa akin ni Loren nang makita niya akong nakatayo sa kanilang likuran. Nabaling din sa akin ang atensyon ng iba ko pang mga kaklase ngunit nanatili pa ring nakasandal at nakayuko si Duane sa lamesa.
"Ganyansh ba kayohhh? Fvck! Itsh---itsura lang kayo bumabas--sh---se!" Pumikit ako sa hampas niya sa mesa. Nagmumukmok na ito ngayon pero abala ang mga nasa paligid maliban sa aming magkaka-klase.
Naisip ko, sana panaginip ko na lang 'to. Nakakalungkot siyang tingnan. Ang gulo-gulo na ngayon ng buhok niya at siya lang ang nagsasalita sa kanila. Pinupukpok na nga niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng lamesa kaya lumapit na ako sa table at umupo sa bakanteng silya.
"Good you're safe Abakada. I thought di ka darating dahil anong oras na. What have you brought pala?"
Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong plastic bag. Dinala ko kasi ito bago ako tumakas sa bahay.
Ngunit sa kabila ng pagngiti ko kay Loren nang mapag-alaman niyang dalandan ang dala ko, 'di talaga ako mapakali sa paghihimutok ni Duane. Kung pwede lang patulugin lang muna siya kasi kahit ano na lang 'yong lumalabas sa bibig niya eh.
"Oy boss andito na," Pagtapik ni Denver sa kanya. Ito 'yong parang assistant ni Duane sa kanilang grupo.
"H-huh?" Medyo nagtaka itong si Duane. Gayon na lamang ang pag-angat ng ulo niya at saktong dumirekta ang tingin nito sa'kin.
OMG! Para akong kumupit sa pitaka at nahuli ako. Ganito ang nararamdaman ko ngayon nang ilaan niya sa'kin ang mga mata niyang half-opened na.
"H-huh? Andito siya? Bwahahahahahaahahahaaha!"
Nagkatinginan ang mga kaklase ko sa isa't-isa. Ako naman pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Tawa lang kasi siya ng tawa pagkakita niya sakin nang klaro kung saan nakaupo ako malapit sa harap niya. Kung hindi pa siya binatukan ng ka-gang niya eh hindi siya titigil kakatawa.
"Ku--kumainsh ka na ba? Tyeka oorsh--oorder lang ako" Aba'y real quick ang mood niya at bigla itong nagseryoso.
"Boss teka." Mabilis na pinigilan ni Denver si Duane na akmang tatayo na ito at huhugot ng wallet. Pero hinatak siya ng kanyang mga ka-gang paupo kaya nagwala ito bigla.
"So sorry talaga Abakada I forced you to come here. We can't take it na kasi. He's so noisy na earlier pa eh"
"Walang kaso sa'kin yon Loren," tugon ko na lang. Daglian ko ring naibaling ang atensyon ko kay Duane nang banggitin niya ang apelyido ko.
"Hindshi ka pa kumainsh dshiba? Guysh i-order niyo ng pagkain ako ang magbabay------"
"Duane stop it! Kumain na si Abakada okay?"
"Ayo---yoko sh--siyang nagsh--gugutom," nagsmirk pa ito at kumagat ng labi.
Ang pupula na ng mga pisngi niya. Magulo na ang buhok, hindi na maayos ang pagkakasuot ng polo at pumupungay-pungay na ang mga mata nito dulot ng kalasingan. Sa mga sandaling ito, hindi ako makapaniwalang siya ang nakikita ko ngayon.
Unang beses ko kasi siyang makitang ganito eh. At ang masakit lang doon, ako pa ang dahilan kung bakit nangyayari sa kanya 'to.
Ang sama-sama ko talagang tao. Ang sama-sama ko.
"Gushto mo uminom Dacu--cuno? Psshh. Bwahahaha bawal ka s--sha beer," parang nawawala na ito sa sarili. Sunod kong nasaksihan ang pagsandal niya ulit sa lamesa at inihilig ang katawan nito sa upuan.
"Dacuno kausapin mo na siya. Tignan mo naman oh," tulak sa'kin ng isa kong kaklase.
"Don't you ever siyang biglain duh!" Sabat ni Loren.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...