Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 56"Nay Ada, bakit di na po pumupunta dito si 'tay? Nag-away po ba kayo?" umupo siya sa kama kung saan ako nakahiga ngayon.
"May inaasikaso lang siya, Mish"
"Eh bakit ka po umiiyak?"
"Wala 'to Mish, wala 'to. Asan pala si Adam at bakit di lang muna kayo maglaro sa baba?"
"Nag-away po kami 'nay Ada. Si Dam po kase may kasama siyang ibang babae na crush siya sa school"
Sumimangot ito kaya lumabas ang kakyutan niya.
"Hindi naman ibig sabihin Mish na kasama niya yong babae, gusto na rin niya"
"Bakit mo po alam, 'nay? Siguro po may ibang babae si 'tay Duane 'no po?"
"Wag mong sasabihin sa 'tay mo ha?" saka ako tumayo at huminga sa bibig ko dahil sa barado kong ilong. "Kung may babae man 'yong 'tay mo, alam kong sa akin pa rin siya magkakagusto"
"Talaga po? Nay, nay! Gusto ko po sumimba tayo nila 'tay tsaka po magswimming!" kitang-kita ko sa mga mata nito ang sigla kaya nawalan ako ng rason para sumimangot pa rin.
"Sabihin mo 'yon Mish pag makita mo ulit ang 'tay mo dito. Ok ba yon?"
Niyakap niya nalang ako at ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Ok na ok po 'nay, basta wag ka na pong umiyak. Sige ka po, magagalit si 'tay sa'yo kapag umiyak ka pa po"
Nang bumitaw na kami ng yakap sa isa't-isa, tinali ko nalang ang buhok niya at medyo gulong-gulo na.
Hay. Na-miss ko tuloy ang mahaba kong buhok. Kulot yon at buhaghag pero naging parte na yon sakin mula pa nung bata pa ako.
"Punta na tayo sa baba," pag-aya ko kay Mish at sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Wala ba kayong pasok Mish?"
"Wala ate Ada," imbes na si Mish ang sumagot, si Adam ang tumugon at nilapitan kaming dalawa. "May pupuntahan daw na seminar ang teacher namin"
Nagkatapatan naman ng tingin ang dalawa.
"Laro na tayo, Mish. Hinihintay na tayo sa labas"
"Ayoko nga," pagtanggi nito at saka lumingon si Mish sakin. "Maglaro tayo ng barbie doll, 'nay Ada"
"Pero kase Mish, may pasok ang 'nay mo. Sa susunod nalang, ok ba yon?"
Natuon ang aming atensyon kay Adam nang hablutin niya ang barbie doll na hawak ni Mish.
"Akin na yan! Bakla ka siguro 'no?"
"Hindi ako bakla, Mish. Pero kaya kong maglaro nito para lang makalaro kita. Diba po, ate Ada?"
Aysus, nagpakampi pa si Adam. Ang galing ng diskarte.
"Oh Mish, handa daw si Adam makipaglaro sayo kahit barbie pa yong lalaruin niyo"
Napapayag ko naman si Mish pero ang ikinatatakot ko lang, maging bakla 'tong kapatid ko.
Susme.
Sabay na lumabas ang dalawa at mukhang sinalubong nila yong mga batang sinasabi ni Adam na naghihintay sa kanila sa labas. Ako naman ay diretsong tumungo sa kusina para kumain nang mabilisan habang nagluluto si mama ng isa pang ulam.
"Yong mga damit pala ni Duane na naiwan niya pagkaalis niya, gusto mo ako nalang ang magsasauli?" bungad na sabi ni mama na narinig ko pa ang pagpihit niya ng stove. Nilihis ko naman ang tingin ko mula sa pagkain papunta sa isang paper bag.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...