Chapter 12

1.4K 265 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 12

It is the similarity of ending sounds existing between two words.
a. Alliteration
b. Rhyme
c. Assonance
d. Onomatopoeia

Alam ko 'to. B ang sagot dito. Pinag-aralan ko 'to eh. Ito na!

In the play, they are items that can be carried on and off the stage by action.
a. Costumes
b. Set
c. Special effects
d. Properties

Hmmmm..ano kaya 'to? Parang naguguluhan pa ako dito eh. Pwedeng costumes siya, pero pwede ring properties. 'Yong set naman medyo malayo na siya. Special effects, 'di ba music 'yon at saka mga lightings?

Ano kaya yong isasagot ko? Last item na kasi 'to sa English test at makakapasa na rin ako.

"Time's up! Please pass first the test papers and later your answer sheets. Do it quietly class"

Bumuntong-hininga ako ng malalim.

"I can't take it Abakada. Ohmyyy! I'm sure I have so many mali"

"Baka 'di ka nagreview. Ayan kaka-facebook mo"

"Eeeehhh! I forgot kasi. Ikaw, how's the test? Did it kill your mind like mine?"

"Nagpuyat ako kaka-review at halos lahat ng pinag-aralan ko andon," tuwang-tuwa kong tugon habang yakap-yakap ko ang album na project namin sa isang subject.

"Well, you really are not cheater na like you said before"

Masigla akong lumingon sa kanya, "Alam mo kasi Loren nong nasa F pa ako, hindi ko binabasa sa totoo lang ang test questions pero ngayon iniintindi ko na at ina-analyze ko pa. Kung nong una nagawa kong magkopya from 1 to 50 sa pagmemorya ng pattern ng letters, ngayon hindi na ako dumepende sa iba," hindi ko na naiwasang hindi maipagmalaki ang naging pagbabago ko.

"Wow Abakada! So what would you like to imply?"

Nakangiti akong tumugon ulit sa kanya.

"Pag may inspirasyon ka Loren, magagawa mo talaga ang mga bagay na akala mo imposible"

"I agree," agaran nitong sagot. "You know what Abakada, I remember the first time I joined the pageant. It's not in my plan actually na sumali since I have stage fright but my bf---oh sorry, my ex rather, yeah, he was the one who encouraged me. Siya ang nagsupport sa'kin last year even in my photoshoot before kahit nasa ibang school siya. Naalala ko pa ngang siya ang nag-asikaso sa mga attire ko eh"

"Napakasupportive naman niya," tangi kong nasabi. "Kaya pala tawag sa'yo ng iba prom queen kasi nanalo ka sa pageant"

"Yeah, and it will never be happened if not because of him. He means a lot kasi to me even up to now"

"So mahal mo pa rin siya?" Direct to the point kong tanong, nahihiya pang tumango ito pero um-oo rin. Pagkaraan lang ng ilang saglit napansin kong tumingin siya sa suot niyang relo.

"Gosh! I have to go na pala. Sorry Abakada hindi na kita maihahatid huh. Dad called me earlier kasi to go his office right away after class. Dala mo naman yong mountain bike mo right?"

Tumango-tango ako sa kanya at kumaway.

"Ingat Abakada!" Huli nitong sigaw bago siya lubusang nawala sa paningin ko pagkaliko nito sa kabilang hallway.

Hay. Si Loren talaga. Mahal niya pa rin pala yong Ax na 'yon pinapatagal pa. Minsan tuloy ini-imagine ko kung anong itsura ng ex niya. Ano kaya?

Nang makalabas na ako sa building ng junior high, napa-yes nalang ako bigla. First grading examination is finally done! Yey!

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon