Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 323 Messages Received!
Ohmy Abakada. Is it real?
From: Friend_LorenKunot-noo kong nireplyan siya pagkatapos kong kusut-kusutin ang mga mata ko. Kakamulat ko lang ng mga mata ko para basahin ang tatlong messages.
MESSAGE SENT!
Sunod kong binasa 'yong pangalawang text.
Congrats Abkda.
From: 4secondsOMG! OMG! Tinext ako ni Fou---Mike! Oo si Mike! Okay, kalma lang dapat ako. Pero bakit siya nag-conggrats? Nanalo ba ako sa pa-contest ng pagandahan? O 'di kaya pasexyhan? Eh ano 'to?
Ang tanong ngayon, rereplyan ko ba siya o hindi. Pero naisip ko, hwag na lang. Dapat ko ring pigil-pigilan ang sarili ko. May girlfriend na ang tao eh.
Bumuntong hininga ako sa huling text na babasahin ko.
Gising na Dacuno. Yong halik natin baka madala mo pa sa panaginip mo.
From: +6395020*****Walangyaaaaaaa! Alam ko kung sino 'to! Kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking 'to. Kaya nga hindi ko sini-save number niya sa phone ko eh.
Ibinalik ko ulit ang phone ko sa bedside table.
Anong halik pinagsasabi ng lalaking 'yon eh ang naalala ko lang naman kahapon nagjogging kami nong madaling araw at pagkatapos ginawa ang morning routines at saka pumasok na sa eskwelahan. Sa pagkakaalala ko pa nga nagkausap kami ni Loren eh. Nagmukmok pa doon si Duane sa chair pagpasok namin ng room. Tapos labasan din naman pagkatapos ng klase at sumabay na ako ng Neon sa hallway at nakita ko pa nga non si Mike. Wait, nakita ko nga si Mike kahapon. Ang gwapo-gwapo nga niya sa suot niyang varsity uniform eh. Alin ang halik don aber? Gumawi lang naman ng direksyon sina Mike sa amin ng gang pero naalala ko, nilapitan pala ako noon ni Duane at saka...saka ano...at saka...
...hinalikan niya ako?!
H-I-N-A-L-I-K-A-N A-K-O N-I D-U-A-N-E?!
WAAAAAAAHHH! WALANGYA KA TALAGA DUANE NINAKAW MO FIRST KISS KO HUHUHU PAPATAYIN TALAGA KITA DAMUHONG LALAKI KAAAA! ARGH!
Sa sobrang panggigigil ko, pinagpapadyak-padyak ko ang mga paa ko habang nakahilata sa kama at nakatingin sa kisame.
Okay, kalma ulit.
Pero totoo? Hinalikan ako ni Duane? 'Yon bang nagdampi ang labi naming dalawa?
Marahan kong hinawakan ang labi ko.
HUMANDA KA TALAGA SA'KIN LALAKI KAAAA! PIPILASIN KO LABI MO! RAWR!
Kumalabog yong pinto pagkalabas ko ng kwarto at padabog akong bumaba ng hagdan. Diretso akong pumaroon sa kusina at naabutan ko siyang nagluluto ng sinangag.
"Oy andito ka na pala Dacuno. Nakaamoy ka siguro ng lut----woaaaaahhh! Dacuno hwaaaaaag!"
Umilag-ilag siya sa walis tambong hawak ko na pinagpapalo ko sa kanyang braso.
"Dacuno waaa--ara--arayyyy!"
"Kulang pa 'yang manyak ka! May halik-halik ka pang nalalaman huh!"
"Ate Ada waaaaag!"
Bigla akong natigil nang umeksena si Adam at pumagitna sa aming dalawa. "Wag mong istorbohin si kuya, ate Ada. Nagluluto siya ng makakain natin eh. Pano na lang tayo mabubuhay nito ate?"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...