Chapter 21

1.2K 240 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 21

"Now class, find your pair for our activity"

Nagkatinginan kaagad kami ni Loren sa sinabi ni sir. Parang matik na ang ibig naming ipahiwatig sa tinginan pa lang naming dalawa. Agad akong tumayo para lapitan siya ngunit may biglang humarang.

"Pares tayo Dacuno"

Napa-rolled eyes ako at napabuntong-hininga. Ang galing niyang sumingit 'no? Ang galing!

"Pero pair na kami ni Lor----"

"That's ok. Pair na lang kami ni Angelo," pagpakumbaba ni Loren.

"Oh kita mo na? Pair tayo hehehe," nahuli ko pang kinindatan niya si Loren bago niya ako hawakan papunta sa chair kung saan siya nakaupo.

"Are you now with your pair?"

"Yes sir!"

HAY.

Magkatabi na kami ngayong naupo at 'yong seatmate niya andon sa kabilang row. Nakita kong kumuha siya ng papel at ballpen at may white out pa. Wow handang-handa lang ang lolo niyo.

"Listen class! What you will do is to describe everything about your pair in an essay. Make sure to have unity, cohesion and coherence to make your essay more effective to the readers. This is to enhance your writing a paragraph. Am I understood?"

"Yes sir!"

Uh-oh.

I-describe daw. Sana si Loren na lang naging pair ko, marami pa yata akong maisusulat nito.

"You will have thirty minutes to do your work. Your time starts now"

Nagnakaw tingin siya saglit sa'kin na huling-huli ko sa naman sa sulok ng mga mata ko. Ano kaya iniisip ng lalaking 'to sa'kin?

Binalik ko ulit ang pansin ko sa papel na bigay niya. Papano ko ba 'to sisimulan? Pabuntong-hininga na lang akong sinulat ang title ng essay ko.

"A Fragile Bully"

Ayan. Sana mabigyan ng justice 'tong title na ginawa ko. Kahit naman kasi bully siya, parang ang bilis din naman niyang masaktan. Feeling siga lang siya.

Sandali akong tumingin sa papel niya. Grabe, ang haba na ah. Iba talaga kapag ginaganahang magsulat. Ano kaya 'yong mga sinulat niya tungkol sa'kin? Kapag ako malamang kalokohan niya diyan tapos mabasa ni sir, ipapakain ko talaga sa kanya 'yong papel na 'yan. Gigil si ako eh. Syempre nag-aadvance lang akong mag-iisip.

"Syempre, mahal ko 'ata ang pwede niyang masaktan kung sakali"

What the---! Paano 'yon pumasok sa isipan ko? Erase, erase. Di ko dapat 'to iniisip sa gitna ng pagsubok ko kung papano ko maitataguyod itong essay.

"May correction tape ka Duane?"

"Saan ka nagkamali? Naku Dacuno ayusin mo yan, ah. Kailangan maganda ang pagkakadescribe mo sakin pa-konswelo mo na lang haha!"

Aba'y nagdemand pa ang loko. Para sa grades ko 'to 'no!

Ibinalik ko ulit sa bag niya 'yong correction tape. Sa wakas nasa conclusion na ako ng ginagawa kong essay. Ano kaya pwedeng pang-ending nito?

Okay. Alam ko na.

Duane, indeed, is a vulnerable inside despite of being a bully.

"Finished or unfinished, pass your papers!"

Break time. Inayos ko muna ang bag ko sa upuan. Bumalik ulit ako sa kanya at may sasabihin pala ako na muntik ko nang makalimutan.

"Ano 'yon Dacuno?"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon