Chapter 43

988 206 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 43

"Girlfreeeeee!"

Kumaway-kaway siya ng dalawang kamay niya sa harap ko habang tumatakbo ako papunta sa kanyang direksyon.

"Ano ulit girlfre yong M negative 6 ko?"

"Mapag-isa, mapagod, masaktan, mapahamak, magutom at maghanaaaaaaaapp!" bumuga ako ng hangin at sandaling yumuko para makapagpahinga.

"Pagod ka na ba girlfre?"

"Hindi pa! Kaya ko pa 'to!"

"Talaga ba? Ayos lang magpahinga, ayokong mapagod ka"

"Hindi, kaya ko pa nga 'to sabi," hinihingal kong tugon na halos kapusin na ako ng hininga.

Bwisit talaga 'tong lungs ko walang pakisama.

"Sumakay ka sa likod ko"

"Boiffy naman, may nagja-jogging bang nakapiggy back ride?"

"Ayoko ngang mapagod ka girlfre"

"Di ako sasakay bahala k-----waaahh! bo---boiffyyyyyyy waaaaaa!"

Napapulupot nalang ang mga kamay ko sa leeg niya nang sapilitan niya akong pinasakay sa kanyang likod with matching papikit-pikit pa ng mata.

"Boiffyyyyyyyyyyyyy!!!"

"Bwahahaha! Kapit ka lang sakin"

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko dahil sa paglulundag na nararamdaman ko ngayon sa ginagawang pagjogging ni Duane habang nakasakay ako sa likod niya. Juskopo ang bigat ko naman nakakahiya.

"Ok ka lang girlfre? Hindi ka ba nahihilo?"

"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan, boiffy. Ang bigat-bigat ko baka magcollapse ka nalang dyan bigla"

"Sanay na akong mapagod. Ang ayoko mangyari girlfre yong nakikita ka na pagod na pagod na pero wala man lang akong nagagawa"

Napangiti ako sa kawalan. Pakiramdam ko parang gusto kong i-slowmo 'tong moment na 'to sa kabila ng bilis ng mga paa niya na magjog. Tuloy-tuloy pa rin ang takbo niya at ginagawa ko nalang pagaanin ang sarili ko sa paraang makakaya ko para hindi siya mabigatan.

"Ayos lang sakin mapagod ako girlfre wag lang ikaw. Ako ang tatayong lungs mo at ikaw naman ang puso ko. Wala pa rin yong silbi yong paghinga ko kung wala namang magpapatibok para maibuga ko ang hanging"

Naisandal ko nalang ang panga ko sa kanyang balikat.

'Duane, parang kinakapos pa rin ako sa paghinga ngayon kase nalulunod na ako sa pagmamahal mo. Sana di ka magbago. Sana kahit di mo na magawa ang platapormang sinasabi mo, ikaw pa rin yong Duane na nakikilala ko'

Namalayan ko nalang ang sarili ko na pinupunasan na ang kanyang pawis sa batok at isinunod ko ang noo niya hanggang sa kanyang mga pisngi. Ang hot nang tingnan ng boiffy ko sa tuwing basang-basa na ang buhok niya at dahil sa butil-butil na pawis na tumatagaktak mula sa kanyang buhok.

"Boss! Ang sweet mo naman!"

"Ibang klase talaga si boss, legend kung magmahal"

"Wag mo nang pakawalan Dacuno si boss"

Marahan ko siyang tinapik sa kanyang braso bilang senyales na gusto ko nang bumaba. Dinahan-dahan naman niya akong nilapag sa lupa at nagsilapitan na sa amin ang gang.

"Kaya pa ba boss? Ako naman pasakayin mo sa likod"

"Gago!"

"Whahaha!"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon