Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 44"Hanggang dito nalang miss"
Naiwan ako sa labas ng pintuan nang isinara ng doktor ang pinto. Sa kagustuhan kong malaman ang kalagayan niya ngayon kahit kakasugod palang niya dito sa ospital, nagpumilit akong tumingin sa glass ng pinto sa pamamagitan ng pagtiptoe ko at doon nakita ko sa loob na binuhat siya papunta sa higaan. Saksi kong pinapalibutan na siya ng iilang nurse at doktor at mukhang sisimulan na ang operasyon.
"Wag ka nang umiyak, Dacuno"
Tinanggal ko ang hood na nakatakip sa ulo ko. Inihilig ko nalang ang noo ko sa pinto at pakapa-kapang humawak ang kamay ko sa katabi nitong dingding.
"Kasalanan ko 'to," sabi ko na bakas sa boses ko ang pamamaos.
Paharap akong napaupo sa tapat ng pinto habang pinupukpok ko ang kamay ko sa pader. Gusto kong iuntog ang ulo ko na nakasandal pa rin sa pinto ngunit pinigilan ako ni Denver na siyang paulit-ulit na sinasabihan akong wag na daw akong umiyak.
"Ano ba Denver hayaan mo na ako!"
"Mas malulungkot si boss 'pag nagkakaganyan ka"
"Hayaan mo'ko! Hayaan mo'ko! Kasalanan ko 'to kung bakit nangyari yon kay Duane! Hayaan mo'ko! Kasalanan ko 'to eh"
Binitaw niya ang mga kamay ko na ngayon kaharap ko na siya.
Halos magwala na ako sa labas ng operating room nang sinubukan akong pigilan ni Denver sa pagmumukmok ko. Dinadaanan na ako ng mga pasyente kasama ang nurse nila pero hindi ako nagpatinag. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakabukaka ang dalawa kong paa na nakaupo habang nakayuko sa sahig.
"Kasalanan ko 'to..."
Kusang nagbagsakan ang luha ko sa sahig na hindi ko na kayang pigilan pa. Hinang-hina na ako sobra. Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sobra akong pinanghihinaan dahil sa nangyari. Sana bangungot ko nalang 'to at kaya ko pang labanin para lang ako magising. Sana hindi lang muna ako natulog kanina para mabantayan ko siya nang maigi. Sana inalam ko kung anong mga pinagkakaabalahan niya baka man lang magabayan ko siya.
Ang dami kong sana na dapat sana ginawa ko nalang baka sakaling hindi pa mangyari ang lahat ng 'to.
Ang sarap sisihin ang sarili ko.
"Gusto mo?"
Napaangat ang tingin ko kay Denver nang inalukan niya ako ng dalandan.
"Sa tingin mo ba may gana pa akong kumain sa nangyari?!"
"Tayo ka muna, doon tayo sa bench, may ikukwento ako sayo," utos ni Denver pero umiling lang ako.
"Ayaw mo? Ikukwento ko pa naman sayo yong alamat ni boss tungkol sa dalandan"
Biglang lumukot ang noo ko sa sinabi niya.
"Di ka pa ba tatayo Dacuno?"
"Fine," malumanay kong tugon na hindi ko na nagawang magpagpag pa ng pants ko para sundan siya.
Nang makaupo na kaming dalawa, diretso niyang binalatan ang dalandan at doon naagaw ang atensyon ko sa kamay niyang may sugat na natamo niya siguro kanina.
"Anong alamat sinasabi mo?" nanghihina kong tanong.
Halata sa boses ko na kakaiyak lang at paos na paos mula sa kakasigaw kanina sa diversion. Naiiyak talaga ako kase nag-aagaw buhay na siya kaya sigaw lang ako ng sigaw doon hanggang maisakay na siya sa kanyang motor. Hindi ko alam kung papano kami nagkasyang tatlo. Si Denver ang siyang nagdrive ng motor at nasa gitna naman si Duane habang yakap-yakap ko siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/148876375-288-k847464.jpg)
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...