Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 51"Handa ka na ba girlfre mamaya?" tanong ni Duane sakin nang ilagay niya sa uniporme kong pang-girl scout yong neckerchief at chain na hugis kalabaw.
Tumingin naman ako sa kanyang kabuuan na nakasuot na rin ng boy scout uniform.
"Ang gwapo mo ngayon boiffy sa suot mo"
"Kahit naman maghubad ako ngayon, gwapo pa rin naman talaga ako. Hindi nakakagwapo ang suot, girlfre. Yan ang tunay na gwapo"
Aba't kinindatan pa ako ng loko.
"May low pressure ba ngayon boiffy?" tumawa nalang siya nang ma-gets niya kaagad ang gusto kong iparating.
Isang oras nang nandito pa rin kaming dalawa sa loob ng kwarto. Habang hinahanda na ni boiffy ang dalawang bag pack namin para sa scouting mamaya, tumingin lang muna ako sa salamin bago ko maisuot ang girl's scout cap.
"Tapos ka na ba dyan boiffy?"
Niyakap niya ako bigla sa likod kaya nginitian ko siya sa salamin.
"Nakahanda na girlfre. Tara na?"
"Teka, sandali," humarap ako sa kanya at kinuha ko yong phone niya sa kanyang bulsa.
"Anong gagawin mo? Wala naman akong ka-text na iba"
"Magpipicture tayong dalawa. Ayusin mo," iniharap ko ang touch screen sa amin at nakailang click ako sa paiba-iba naming pose at wacky.
"Ipapa-develop ko yan boiffy next time. Pupunuin natin 'tong bulletin"
"Ang laki nga ng space, girlfre. Pupunuin talaga natin yan"
Hinawakan na niya ang kamay ko at ang isa niyang kamay ay hawak ang bag pack ko. Hindi kaya mabigatan siya nito ay may sakbit pa siyang bag pack sa likod?
"Ako na, mapapagod ka lang"
"Pero boiffy gusto kitang tulungan"
"Matutulungan mo ako girlfre sa ganitong paraan," napaatras ako ng kaunti dahil akala ko hahalikan niya ako pero hindi pala.
"Matutulungan mo ako girlfre kung hahayaan mo akong pagsilbihan kita," pang-aakit niyang bulong sa tenga ko.
Nagpipigil ako ng ngiting tumingin sa kanyang mga mata.
"Are you ready my girlfre scout?"
"Yes, my boiffy scout"
Nauna siyang bumaba dahil sa bigat na dala niya at sumunod naman ako. Naghihintay na pala ang dalawa sa labas nang umangkas na ako sa motor ni Duane habang yakap ko ang isang bag pack.
"Kailan ang balik nyo 'nay Ada?"
"Babalik din kami ng 'tay niyo. Sa ngayon, dun lang muna sa inyo si Adam kase wala siyang kasama. Ok ba yon 'nak?"
"Sabi nga ni mom sakin 'nay na sa amin lang muna titira si Dam habang wala pa kayo ni 'tay"
Napangiti nalang kaming dalawa ni Duane at nakaramdam ng seguridad sa sinabi ni Mish.
"Tonight, we welcome all delegates from different schools on this 3-day Regional Scouting right here in Guinso High!"
Nagpalakpakan ang audience na naririto sa quadrangle. Samantalang kami ni Duane magkatabi lang na nakatayo sa likuran ng mga nakapilang scouts.
"First time mong sumali ng ganito girlfre?"
Napunta ang tingin ko sa kanya mula sa stage.
"Hindi naman ako mahilig sa school activities magmula Grade 7 palang kase binubully lang naman ako nun"
![](https://img.wattpad.com/cover/148876375-288-k847464.jpg)
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...