Chapter 11

1.5K 273 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 11

Kaiyak! Ang tanga ko talaga! Ang tanga-tanga ko talaga sobra!

Monday na naman. Lumipas ang weekend pero ito pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon-- ang nangyari sa voice booth nang nagkausap kami ni Four slash Mike nabitin ako. Wala man lang nagdalawang minuto 'yon. Ang unfair!

"Sabi ko sa'yo Ada iba ako kung magsorpresa eh. Hahaha! Nagulat ka ba? Pero hayaan mo na ano ka ba, at least nakausap mo na yong Four mo," natatawang hinaing ni Abe nang magkita kami nong Linggo pagkatapos ng simba.

Paano ba naman 'yong plano niya, 'di ko ineexpect na pipiringan pala ako at ipapasok sa booth nang patulak. Akala ko nga nakidnap na ako o 'di kaya napunta sa ibang booth eh.

Ang galing mong Abe ka! Sobrang galing mo! Oo nasorpresa ako don! Huhuhu

"...Mali yata ako ng pasok. Lagot talaga sa'kin 'yon. By the way, Axel pala. Pero tawagin mo na lang akong Mike"

Ito 'yon eh! Pilit ko pa ring binabalik-balikan ngayon ang huling linyang binanggit niya bago ako lumabas non sa room kung saan ako ipinasok. Sayang nga at 'di ko na siya nakita sa kabila, baka siguro umalis kaagad at mukhang na-disappoint.

Medyo masculine ang boses na pinaghalong bata kaya ang cute-cute pakinggan. Kaya lang hindi ko akalaing si Four na pala ang nasa kabilang room non. But I like his tone. Kung never pa akong nakakita sa kanya, siguro ma-aadik ako ng sobra sa boses niya.

Waaaaahhh! May gamot ba sa pagiging tanga? Award-winning tangaer na ata ako ng bayan eh.

Si Four na 'yon eh! Si Four na yon! Ang lalaking binuhay ang matagal kong tinatagong pagkababae. Simula nong napunta ako sa section G, matagal ko nang plinano na magkausap kaming dalawa. Kaya nga naisip ko yong voice booth na 'yon kasi gusto kong tulungan din 'yong ibang tao na walang lakas ng loob katulad ko na magtapat ng nararamdaman. Kung alam ko lang na siya 'yon, magcoconfess talaga ako sa kanya bago pa matapos ang limang minuto.

Ano nalang ako ngayon? Eh di, NGANGA.

"Abakada what's up? You're nagmumukmok dyan. Para kang dumaan ng maraming break-ups"

"Hindi naman masya---este, ayos lang ako," I tried to smile sa kabila ng iniisip ko.

"It doesn't show. You're not ok Abakada," saka si Loren tumabi sa'kin dahil vacant naman namin ngayon at ang seatmate ko gumala sa campus. May lahi ring aso 'yon na pagala-gala.

"Ayos lang talaga ako. Ito oh nakangiti na nga ako. Ikaw Loren, nakausap mo ba 'yong ex mo sa voice booth?"

"Yep, that was almost night I guess. Sabi nga niya ikalawang beses na raw siyang pumasok sa booth. Actually he was about to go home na pero nakiusap ako sa kaklase natin na papasukin siya sa other room para maka-usap ko siya," pagkwento niya na halatang makikita sa kanyang mga mata ang pagkinang nito.

"Masaya ka siguro," aking opinyon.

"Of course!" Agaran niyang sagot, pero nawala rin kaagad ang ngiti nito sa kanyang labi. "I mean, yeah, but not that so glad. I just felt relieved that he's not mad at me anymore Abakada about what happened between us"

"Eh, ano raw ang sabi niya?" pag-usisa ko.

"He asked me kung may bf na raw ako"

"Ano naman sabi mo?"

"I said wala. But the way how he asked me that way Abakada, parang he wanted me to court again"

"Eh 'di maganda! Parang kinikilig tuloy ako sa inyong dalawa. Pero ang tanong dyan, may chance pa ba siya?"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon