axelle charlotte hudson.
I can't believe it. Nang malaman kong nagquit ng Football club si Romaine, agad akong sumugod sa field at pinuntahan ang mga kasama niya sa club.
Iniwan ko na 'yung pinepaint ko sa art club, dahil mas mahalaga para sa akin si Romaine kesa sa pinepaint ko. Passion niya ang football, at hindi pwedeng basta basta nalang siyang magleleave sa club.
Andami nang nagchichismisan about dun, kesyo matatalo na daw ang Delcroix sa football kasi makakagoal na 'yung kalaban, o kaya naman ay nag-aalala kung ano ang mangyayari niyan.
Nang makarating ako sa field na ginagamit ng female Football Club, I found the girls na nagtatawanan.
I hissed, and then stomped towards them. Hindi basta basta nagkuquit si Romaine, and this would probably be her first or second time of quitting something.
"Can I have your, girls, attention, please?" I said, at nagtinginan naman ang mga babae sa akin. Ang taray pa ng tingin sa akin nung Maree.
She's pretty, but her attitude stains her. Sayang siya. I'm really irritated by her kasi kada makikita ko siya sa hallways at nagroroll siya ng eyes sa akin. Anong problema neto?
"What is it, Hudson?" Maree asked, stepping forwards and acting like a queen bee. More like a queen bitch, if you're asking me.
"Anong nangyari? Where's Sev?" I asked, calling Romaine by our nickname for her.
"Sev? Who's that bitch?" Asked Maree, and I scoffed. Gusto niya ng away? I want to stick my paint brushed up her arse so bad.
"Who are you calling a bitch? Look who's talking?" I said, and then I felt her pull on my hair.
Ang sakit, at parang sa bawat hila niya ay makakalbo na ako. Hindi ako bumabawi dahil alam ko na kapag bumawi ako ay baka hindi ko na mapigilan.
No one messes with my friends.
I felt her grip my hair tighter, pulling down further, before I heard a snapping of a camera and someone releasing my hair from the death grip.
Nagulat naman ako nang makita si Apollo Octavian Solace. He was holding his camera, and the girl's wrist.
"Mababa. You, Maree Anderson, are stooping down so low na nananakit ka pa ng ibang tao para lang sa kayabangan mo," sabi ni Apollo, na ikinagulat ko. Itinago naman niya ako sa likod niya, at nagsalita ulit. "Hindi ako pumapatol sa babae, Anderson, pero kapag sinaktan mo pa si Axelle ulit, or si Romaine, baka kalimutan kong babae ka. Isa pa, I can easily ruin your reputation with this picture." dagdag niya at ipinakita ang isang picture na sinasabunutan niya ako.
Nagulat naman ako sa pinagsasabi ni Apollo. Hindi naman kami close, eh. Actually sadyang feeling close lang sila nung nakishare sila kaninang lunch ng seats sa amin. 'Yun kasing Carrose na 'yun, eh.
Nauutal naman si Maree, at hindi na hinayaan ni Apollo pa na magsalita si Maree bago niya ako hinatak palayo ng field.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero sumama nalang ako sa kanya. Wala namang mali dun, eh.
Nakarating naman pala kami sa café ng school— oo, may café ang Delcroix, OA man kung sabihin na iba pa 'yung cafeteria. Ang gusto ko dito sa café is may cake, cookies, bread, pastries, coffees, frappes, shakes, and ice cream.
"Anong gusto mo, Axelle?" Tanong ni Apollo, at nagulat naman ako. Kinarir, ha?
"Ice cream," sabi ko, and he chuckled.
"Alam ko. Anong flavour?" Tanong naman niya, at nagulat ako dahil alam niya. Pero wala naman yatang dapat na ikagulat kasi lagi akong kumakain ng ice cream.
"Chocolate mint," sabi ko. Nagstrawberry kasi ako kanina, kaya para maiba naman.
Ngumiti siya sa akin bago naman niya ako pinaupo na sa seats namin. Grabe, ha? Bakit ako isasama neto? It's not like we're friends.
Pero nagpasalamat nalang ako kasi at least, may libre pa akong ice cream.
Inisip ko naman 'yung buhay ko habang naghihintay kay Apollo. Art club, gusto ko 'yan. Pero clothing ang company ng parents ko. If ever na may mali akong magawa, hindi na ako ang magiging successor ng kompanya, kundi ang fifth grader kong kapatid. Next year, middle school na siya niyan sa Delcroix.
Biglang nawala ako sa pag-iisip nang may umupo sa tabi ko. Si Apollo. He was playing with his own chocolate ice cream at inislide niya yung sa akin papunta, well, sa akin.
"Here," sabi niya, at ngumiti pa. He's like a ball of sunshine. Pero huwag mong gagalitin, because nakita ko na kanina kung ano ang pwedeng mangyari kung gagalitin ang isang Apollo Octavian Solace.
"Thanks," sabi ko, and he just once again smiled.
I ate my ice cream peacefully, bago ako nagulat sa pagkalbit sa akin ni Apollo.
"What is it, Apollo?" Tanong ko sa kanya, tapos parang nag-isip pa siya bago ngumiti.
"You can call me Tavi. Just like my friends," sabi niya, at hindi ko naman iyon inaasahan.
"Huh? Well, okay. I guess you can call me whatever you want to," sabi ko, para naman hindi awkward na ako lang ang may nickname na itatawag sa kanya.
"If you say so. Anyway, tumingin ka sa entrance, paparating na sila," sabi ni Tavi— sabi niya kasi 'yan na lang— at napatingin naman ako sa entrance.
Nakita ko na naglalakad papunta dito sa café si Sev (Romaine), kasama si... Harvee David Hamilton?!
Nakita ko naman na pinicturan agad ito ni Tavi. Laging nagpipicture ha?
He then chuckled, before showing me the picture. Sa picture ay nakahawak si Sev sa shoulder ni Harvee habang nag-oorder sila.
Hindi ko alam na magkaibigan or may something pala sa dalawang ito ha? All I know is that Sev is often pissed off at Harvee kasi naman lagi niyang ipinagmamalaki kay Sev na mas magaling ang football team niya.
"Magkaibigan ba sila?" Tanong ni Tavi sa akin, and I shrugged.
Slowly, I saw a smirk appear across his handsome face. Bigla naman akong napangisi din, dahil tingin ko ay pareho kami ng iniisip.
"Let's be detectives." Sabay naming pagsabi, at tumawa kami ng hindi malakas nang marealise ang nangyari.
Maybe Tavi isn't annoying or arrogant or snobby like some of his friends.
▶▶▶▶
author's note:
Wow. Haha. Wala akong masabi except ang pangit ng pagkakadrawing ko ng uniform (how I imagine they look like) ng Delcroix.Dedicated to TheBlackFantasist Hebe_08 iamvivified
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Genç Kurgu[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...