arianne levireigh kavinsky.
Nang matapos na ang call galing kay Raigne ay agad akong naiyak. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin dahil sa mga sinabi ni Raigne kanina. Kasi naman, okay lang sa akin dati na makatulong niya dahil hindi naman siya pumapatay at nananakit ng ganun dati. But it really is different kapag nakikita ko siyang handang manakit ng walang inuurungan.
Parang kinabahan ako at natakot na ako sa kanya, kahit na siya pa ang best friend ko. Akala ko kasi nun, hindi niya magagawang makapatay, but nang makita ko ang mga mata niya a while ago ay nalaman kong she won't hesitate to kill. She can kill just to satisfy her own self, just to have some thrill. Kinikilabutan na ako sa kanya at hindi ako makapagisip nang matino.
Ano ba itong pinasok ko? Pakiramdam ko nagpapagamit ako sa kanya ngayon at ako pa ang magiging dahilan para makapatay si Raigne nang mas maaga. I don't think I'll do what we talked about. I can't act like Shay just so she could be happy. Sabi niya, after everything, she'll make sure that I am safe and I can get whatever I want. Pero nakokonsensya ako para sa kanya. Bigla akong nawalan ng gana at interes sa makukuha ko sa kanya nang marinig ko na ang mga nasa isipan niya.
Lahat kami dito ay kinakabahan na. Para bang natatakot na din kami para sa aming mga buhay. Umiiyak na sina Axelle at nagyayakapan, at hindi na nila mapigilan si Tavi na parang makakasakal na yata. Sila Vance ay seryoso at parang nagiisip habang kausap niya si Shin.
"Shay, don't worry, ililigtas natin si Akira," sabi ni Ymir sa akin, at tumango nalang ako. We are supposed to be cousins, at alam ko ang role ko. Pero parang ayaw kong magpatuloy na sa pagaact as Shay kung alam ko kung ano ang capabilities ni Raigne. Nung makita ko yung paglaslas niya kila Gabrielle, hindi ko na kaya. Paano pa kaya kapag hindi lang siya nampoprovoke?
"Ymir, I'm scared for Akira and Gabrielle. Paano kapag mas malala pa dun ang gawin ni Raigne?" sabi ko, at napaclench naman ang fists ni Ymir.
"We're all scared for them. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Maibalik lang si Xaven, babawasan ko na ang pagkain ng Lays. Hindi ko na rin siya aawayin ng aawayin. Madalas nalang pero hindi lagi—"
"Ymir!" sabi ni Krill, at natahimik naman si Ymir at kinamot ang ulo.Nginitian ko nalang ito at hinayaan na mapagisa. Ang hirap din kasing makihabol sa kanila.
Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nila pati na ang pagkatakot, kaya naman ay alam ko na ang gagawin ko. I think, just maybe, I'd help them defeat Raigne.
Walang kaibi-kaibigan kung masama naman ang kanyang alam.
✔️✔️✔️
krill jairell vertes.Nagugulo na ang isipan ko. Kanina ko pa gustong makausap ng matino si Aly, para man lang mabawasan yung pagkatakot at pagkakaba niya about sa mga pangyayari, but she won't let me talk to her properly. Para bang hindi ko siya makakausap dahil may pinag-iisipan siyang problema at hindi ko siya matutulungan.
Katabi ko ngayon si Ymir, Bastille at Leone, at pareho kaming apat na hindi alam kung saan ilulugar ang sarili. Hindi kasi kami sanay na ganitong bata ang nakakalaban. Kung ba hand to hand combat, kakayanin namin yan, pero yung ganitong labanan na mukhang wala talaga kaming pagasa, hindi na namin alam ang dapat na gagawin.
Akala ko mahihirapan kami na makausap ng matino si Ymir, pero ganun pa din naman siya, but halata sa kanya na umiiral ang pagiging kuya dahil kanina pa siya nagrarant about sa things na igigive up niya kapag nakuha na nila ulit si Akira. Hindi halata pero mahal naman talaga niya yung kapatid niya.
Lagi siyang nagkukuwento sa akin kapag kaming dalawa lang ang magkasama na gusto niyang maging parang totoong kuya na may mga obligasyon sa kapatid, pero hindi niya magawa dahil laging sinasabi ni Akira na malakas na siya at matabda na siya, hindi na niya kailangan pa ng tulong mula sa mga kuya niya.
Hindi lang halata pero magandang maging kuya si Ymir, nakita ko na siya nun nung bumisita kami sa elementary campus ng Rakuzen.
"Mir, kalma lang," sabi ko, at tinignan naman niya ako. Lumayo kasi kaming apat dun sa iba, at para narin makapagusap kami ng matino at mailabas ni Ymir ang saloobin niya ng walang ibang makakarinig at makakapanghusga sa kanya.
"Mahirap, Krill. Mahirap. Tsk. Si Uranggutan naman kasi, papakidnap pa. Alam namang palihim akong concerned sa kanya," sabi ni Ymir, at binatukan naman siya ni Leone.
"Tanga ka pala. Sana pinrotektahan mo na at binakuran mo na habang hindi pa siya nun nawawala. Isa ka rin, eh," panrirealtalk ni Leone, kaya naman napalingon kami ni Bastille at natatawa pero hindi namin ipinakita. Lumalabas kasi yung pagkananay ni Leone.
"Akala ko pa naman babait ka na sakin dahil sa nangyari. Masyado ka pa din palang nanrirealtalk. Pero salamat." sabi ni Ymir na ikinataas ng mga kilay namin.
"Salamat daw," sabi ni Bastille, at nagroll ng eyes. "Pangit mo magdrama."
Kung anime lang to, I already sweatdropped.
Ibang klase. Nagpipigil lang akong magalit sa mga to.
✔️✔️✔️
ymir xix zin.Nagsiuwian na lahat ng mga nandito kanina, kaya naman ay natira na lang ako sa may couch ng living room habang nakatingin sa kawalan. Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog, dahil sa mga pangyayari. Nakakapanggulat naman kasi. Parang kelan lang, kakabangon lang namin sa nangyari nung acquaintance party, meron nanamang kabalbalan na tataas.
I was munching on my Lays chips nang biglang magvibrate yung phone ko kaya naman kinuha ko yun at binuksan. Notifications ito ng messaging app kaya naman agad kong binuksan para malaman kung anong nangyayari na sa messaging ko habang nagdadrama ako dito.
Parang anlaki ng kulang kapag wala yung fetus kong kapatid. Kung sana okay lang sa kanya na nagpapakakuya ako sa kanya, matagal ko nang ginawa. Kaso nag-away kami dati dahil dun. She said that I was being too overprotective of her dahil binabakuran ko siya kahit na wala namang nagbabalak sa kanya. Sinabihan niya ako na hindi na niya ako kailangan bilang kuya kaya simula nun ay tumigil na akong magact na kuya sa kanya. Sinubukan ko nalang na sabayan siya at umarte na parang pinsan ko lang siya o kakambal. I'd rather think that way than lose my little sis.
Ngayon ko lang narealize na andami ko palang dapat na pagsisihan.
Sighing amd groaning, binuksan ko na yung message at sumubo sa kinakain ko.
From: Lili
hey? r u ok?Bigla naman akong napakunot ng noo. What is she thinking? Paano kapag magalit yung 'Charles' na nasa post niya nuon? Tsk, oo, I'm flirty, pero ayokong pumapatol sa meron na. Di tulad ni Lexus na mahilig makiapid. Hay. Tatawa sana ako kaso ang hirap dahil naaalala ko yung mga insulto ni Akira samin.
Hindi ko nireplyan si Lili. I'm not in the mood for that thing ngayon, dahil simula ngayon, hindi ko na papalampasin pa ang mga oras at gagawin ko ang lahat para makuha ang kapatid ko.
I remember one thing mum said when they left for Japan at iniwan kami dito.
Ymir, take care of Akira at all costs. Even Lexus dahil alam mo naman yan. You're in charge.
You're in charge.
You're in charge.
You're in charge.
Napasabunot ako sa buhok kong maladilaw.
Lahat nalang yata ng mga tao, nadidisappoint ko.
Screw it, failure ka talaga, Ymir!
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Novela Juvenil[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...