delcroix heirs' academy ✔ chapter seventy nine

76 6 0
                                    

gabrielle stephanie kane.

Nung sinabi namin na pupunta kami ng Rakuzen nung midterms exams namin, hindi rin naman natuloy dahil ginapangan kami ng hiya. It's Saturday, at nagplan nalang kami na pupunta kami sa Gibson Club and Bar. Mamayang gabi pa pero excited na kami.

Kaming girls lang yung nagplano, pero pakiramdam ko talaga hindi pwedeng hindi sasama sila Krill kay Romaine. Kung kumapit nga sa kanya yung mga yun, akala mo mga anak niya. Tas parang ama nila si Akira. Ibang klase talaga, eh.

"Gab, hindi mo ba iiinvite si Tavi?" Tanong ni Axelle habang nakaupo sila nila Theia sa bed ko.

Nandito kasi yung girls, eh. Si Romaine lang wala. Nandito si Maree, si Lili. Magkasama daw ngayon si Aly, Louise, Akira at Romaine sa bahay nila Aly. Hindi na rin ako magugulat kung makasama si Kei Shinzen dahil nga una, kapatid niya si Aly at friends sila ni Romaine.

Kani-kanina lang ay nagpaalam na aalis na sila Lili and Maree dahil may dadaanan pa daw sila kaya naman hinayaan nalang namin. Minsan talaga pakiramdam ko naa-out of place sila sa amin kaya mas nauuna silang umaalis.

"Bakit? Baka mamaya maleft out lang kayo. Ayaw ko naman ng ganun." Sabi ko, at tumawa naman sila.

"Go on. Iinvite mo lang. Alam naman namin na you are making up for lost time." Sabi ni Axelle, and I smiled at them.

"Isa pa, kahit na maleft out kami, kasama naman namin ang isa't isa. You deserve Tavi." Sabi naman ni Theia, at niyakap ko silang dalawa mula sa posisyon ko sa harapan ng full length mirror.

"I love you girls. Pero sana lang, nandito si Romaine. I miss her so damn much. Nagkagulo gulo na ang buhay natin dahil sa Acquaintance na yan." Sabi ko and they smiled sadly.

"Indeed." Sabi ni Theia, and we all looked away.

Kaunting minuto nalang at mag-nanine o'clock na kaya tinignan ko na ang mga looks namin.

Axelle had a green dress on, at umabot Ito hanggang mid thigh. Meron din naman siyang necklace at earrings kaya it finished off the look. Nakawhite na dress naman si Theia at umabot ito sa tuhod niya. May suot din siyang silver na necklace at diamond earrings, kaya she looked fabulous.

Ako naman, I wore a pastel blue lacy dress na three inches above the knee, partnered with my usual earrings. Para na kaming mga grown ups dahil sa pananamit namin, and we smiled at each other.

Ano kayang pakiramdam na nakagraduate na kami at nagtatrabaho na? Pero... magiging magkakaibigan pa kaya kami sa lagay na yun? I sure do hope so.

✔✔✔
romaine severine beauregard.

Nandito nanaman ako sa bahay ng mga Shinzen, with Louise, Aly and Akira. Somehow after that dinner, I found myself na nagiging friends na sina Louise and Aly. Ang lakas na nga nakipag-asaran nitong mga to sa akin eh. Ginagatungan pa ni Akira.

"Eh, si Romaine kasi! Nag-aayos pa mamaya hindi na tayo mapansin!" Sabi ni Aly, and I chuckled at them.

"Shut it, Aly. Nag-aayos ka dyan? Nagsusuot lang ako ng earrings, eh. Ngayon lang to," sabi ko, at nagpout naman siya.

"I really think that my brother has a thing for you." She said, causing me to feel conscious.

Bakit naman niya naisip yun? Eh halos patayin niya nga kami nung Acquaintance dahil lang bored siya eh. Hindi naman sa hinahalungkat ko yung nakaraan pero ang impossible naman kasi.

Her basis is not strong enough.

"Oo nga! Tingin ko talaga Kuya Kei likes you," sabi ni Louise, at tumawa naman ng malakas si Akira.

"Huy batang Zin! You're not helping me," sabi ko, at mas tumawa naman siya.

"Bakit kita tutulungan? You almost abandoned me kaya minsan kasi tinawagan ka ni Shinzen!" Sabi ni Akira, kaya naman I sighed and shook my head.

"I don't have laban naman sa inyo, eh." Sabi ko, and i finished attaching the earrings.

Nagsigawan naman sila at pinakamalakas yung kay Aly. Talaga naman. Si Akira naman, akala mo buong buhay niya ay kilala na niya sila Aly kaya close na din sila.

I sat down, at si Louise naman ang gumamit ng mirror. Pinagmasdan ko ang bawat isa to see kung ano ang suot nila.

I was wearing a long sleeved little black dress, at nakabraided bun ang buhok ko. My lips were dark red, so I looked more mature than I ever was. Kailangan eh. Pakiramdam ko tuloy girly ako ngayon. Tss.

Si Akira naman, nakared na dress. Her hair was down, at mukha din siyang mature. Si Louise naman, beige ang dress na three inches above the knee. Her hair was down and naturally wavy, kaya ayun. Ang ganda niya pa din. Si Aly, nakatight high pony tail at red na halter dress. Ang ganda niya. Ang ganda ng lahing Shinzen.

"Hoy, hindi ka naman bisexual di ba, Ate Romaine?" Pang-aasar ni Akira, at tumatawa tawa pa.

"Bisexual ka dyan? Bakit, anong basis mo? I'm straighter than the pole you're dancing on." Sabi ko, smirking. She then pouted at nagpanggap na nagtatampo kaya tinawanan lang namin siya.

"Let's go, girls!" Sabi ni Aly, at kinikilig naman sila. I don't see the point in being happy about this. Parang wala akong emosyon.

Maybe this is because of too much time with Shin.

Lalabas na sana kami, kaso may kumatok kaya naman pinagbuksan ito ni Aly. She opened the door wide, to the point na nakita na namin kung sino ang nasa pinto.

It was Shin, and he was wearing a plain white shirt with a leather jacket on. Nakablack na jeans din siya, at black na running shoes. Anong trip neto?

"Hatid ko na kayo. Walang didikit masyado sa mga hayop dun." Sabi ni Shin, and I rolled my eyes at him. Overprotective brother pala siya.

"Oh. Wala daw, ah?" Sabi ko, at binatukan naman ako ni Shin dahilan para tignan ko siya ng masama.

"That goes for you, too, miss. Maraming hayop sa Gibson." Sabi niya, and nag-alis ng tingin sa akin na parang hindi niya ako binatukan.

"Sama ka nalang! Malay mo may umaligid kay ate Romaine," sabi ni Akira kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang talaga siya.

"Fine. Babantayan ka naman ni McCartney. Tara na," sabi ni Shin, at hinila ang pulso ko kaya naman napilitan akong sumunod sa kanya kahit nakaheeled ankle boots ako.

Lumingon ako sa tatlong babae sa likuran namin at nakita ko silang naghahagikgikan habang nagbubulungan. Nang mapansin nila ako ay nanahimik sila na parang walang nangyari.

I sighed.

Ano ba kasing meron sa pagkakaibigan namin ni Shin?

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon