Dedicated to Arianne Agura. Hiii ate Arianneeee.
vance keith mccartney.
Hindi ako mapakali ever since kahapon dahil nga wala si Akira and Gabrielle and I don't really wanna lose some friends, especially Akira right now. Habulin yata kami ng danger these days, at nakakainis yun. Para bang hindi kami pwedeng patahimikin ng buhay. I don't even know why.
I'm sitting alone at a table for two inside this little cafe at tinitignan ang mga tao sa paligid. I dtarted to think about life. Siguro karma ko na to dahil sa mga kabalbalan ko nung mga nakaraang mga taon. Nagawa ko lang naman yung mga yun dahil gusto kong maprotektahan at mapreserba ang alaala ni Shay. Shay nanaman. Hindi na siya ganun pumapasok sa isipan ko ngayong taon. Ni hindi ko nga siya naiisip magmula nung iadmit ko sa sarili ko na gusto ko na si Akira.
I sighed. I looked at the counter, at napakunot ang noo dahil sa nakita ko. Sabay naman na tumunog ang phone ko signaling a call kaya sinagot ko agad ito dahil ayokong mag ingay yung phone ko sa lugar na ito.
"Anong problema niyo?" I asked, at bigla namang huminga ng malalim yung kausap ko whoever it was.
"Vance Keith, may problema lang malaki," sabi nun, at nalaman ko lang na si Ethan pala to.
"Malaking malaki, dre," sabi ng isa pang boses, at tsaka ko lang narealize na hindi pala mag isa ang mokong. Magkakasama sila at hindi ako inimbitahan.
"You're in deep shit, bro," sabi naman ni Tavi, at huminga ako ng malalim.
"Tingin niyo hindi ko alam? Nakidnap nung lapastangan na bata si Akira, at Gabrielle na rin. We can't even do anything about it because if we did, baka patayin lang niya sila. We're wrapped around her little finger and it makes me feel weak. I have never felt weak before, idiots," sabi ko, and sighed heavily. Naguguluhan na ako sa buhay ko at naiinis na rin ako. If only life was really simple just like the lives of the other people inside this cafe.
"Iba pa yan, dude. Seryoso," sabi ni Ethan, kaya naman napataas ang kilay ko sa pinagsasabi nila.
"The hell do you mean?" I asked, at nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko kaya agad ko itong hinarap.
Si Ethan lang pala kasama nung dalawa pang mokong. Nakakapanggulat. Not. Pero naiinis na ako dahil sa mga pangyayari. Umupo naman si Tavi dun sa iisang natitirang upuan, at inupuan siya ni Ethan. Halos masuka naman ako nang upuan ako ni Leo at itinutulak ko siya pero feel na feel niya yung pag upo niya.
"Stand the heck up, Stephen. Kukurutin ko yang pwet mo," sabi ko, at hindi naman niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang.
"But dude, listen. You look at the table near the counter, that's your problem," sabi ni Leo, at lahat kami ay tumingin sa itinuro siya.
I blinked. Twice. Pero siya pa din ang nakikita ko. I can't believe it. Nananaginip ba ako? Anong meron? Did she really not die or something? Nagbalik ang tinginan namin nila Tavi, at nagshrug sila ng shoulders habang nakatingin sa akin. Ewan ko ba kung tinutulungan ako ng mga to o pinapalala yung pakiramdam ko.
"If that doesn't look like Shay, I don't know who does," sabi ni Ethan, at tumango yung dalawa. Nagsawa na yata sa pangungulit si Leo kaya umupo na siya sa upuan na kakahila lang niya.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Ficção Adolescente[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...