delcroix heirs' academy ✔️ chapter eighty three

72 3 12
                                    

ethan karl carrose.

I feel crazy. I feel like I should talk to her but I can't. I just can't because of this damn pride. And alam ko na hindi ko na deserve si Axelle dahil sa ginawa ko. Ang hayop ko. I was too selfish.

She's near me right now at kinakabahan ako. Gusto ko siyang kausapin kaso natatakot ako. Mapatawad kaya niya ako?

Kinakabahan din ako para sa mga kaibigan ko. Pakiramdam ko alam ko na yung pakiramdam ni Romaine kung bakit siya lumipat. Dahil ayaw niyang madamay kami sa kagaguhan ng kambal niya.

Ngayon, ayaw ko naman na madamay sila sa kabalbalan ni Raigne, yung batang pinsan ni Romaine. That psychotic kiddo.

Pinagmamasdan ko siya sa gilid ng mga mata ko. She looked pretty. She looked mature. Lahat sila, pero kahit na sabihin nila na mas maganda yung iba, para sa akin, mas maganda pa din si Axelle.

Axelle will always be my princess.

But I don't think I'm such a prince anymore.

"A—"

When I gathered up the courage to talk to her, bigla naman siyang umalis at pumunta kay Theia.

Okay. Maybe not now.

✔✔✔
lili mierna birmingham.

I'm just sitting here at walang kausap. Maree went to the bathroom yata tapos hindi ko na alam kung nasaan siya. Sila Theia naman mukhang may problem so I didn't wanna gulo them na.

Honestly, nabobore ako. Wala akong kausap. And I thought that it will be fun. But it wasn't. Lahat sila may kausap.

Si Theia and Axelle magkausap. Si Gabrielle and Apollo. Si Vance and Akira. Si Louise and Leone. Si Krill and Aly, surprisingly.

Kaya naman pinag-isipan ko nalang yung buhay ko. Iginala ko yung mga mata ko sa mga sumasayaw sa dance floor, at nahagip ng mata ko ang isang nangingibabaw na buhok.

Si Ymir Zin. Hindi ko alam pero after that blind date, I found myself double thinking about him.

Pakiramdam ko he was just looking for someone na mapapansin siya for who he is kaya siya flirty. I feel like there's much more to him than just a hormonal teenager. Ewan ko ba.

Pinanood ko siya. He was dancing with a girl with silky black hair na nakaleather jacket. She was wearing leather jeans too, at parang balot na balot siya sa leather. I looked at myself.

Ayaw niya kaya sa mga ganito? Teka, I shouldn't be nag-iisip about this. Hindi pwede. Hindi naman ako marupok to think about this. Maybe naiinsecure lang ako sa girl kasi tingin ng isang tao is mas interesting siya?

But no. Ewan. I don't even know.

Nagtama ang paningin namin. Thump thump.

Fudge. Why does he have to look so cool with sweat dripping on his forehead? Why does he have to look so cool with wet hair? Why does he have to look so cool with this clothes?

Lili, hindi ka marupok.

Urgh.

Fine.

Marupok ako. Sayo lang.

Nagtama ang paningin namin. He furrowed his brows and then stared back at me without stopping his dancing. The girl didn't care about him not looking at her.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon