vance keith mccartney.
"So, can any of you tell me... anong sagot sa number five?"
Nagkaklase kami ngayon, and it's math, so I'm kind of out of my mind. Nakikinig naman ako, pero nakakasawa na kasi. Wala na bang iba?
Nagulat naman ako nang nagvibrate 'yung phone ko sa pocket ko, pero hindi ko ito pinapansin. Nagkaklase. Huwag kang magulo, Vance.
I sighed, nang tumigil ang pagvibrate. Nagsalita nanaman ang professor about sa whatever equations na itinuturo niya, pero nagvibrate nanaman ang phone ko.
Hindi ko ito pinansin at nakinig muli, pero nang mamatay ay nagvibrate nanaman. Sino ba 'to?!
I then raised my hand, catching the attention of my classmates and professor.
Ano ba? Kailangan pati sila titingin sa akin?
"Yes, Mr. McCartney? Do you know the answer to item number 5?" Tanong niya, and I scoffed.
"No, ma'am. I wasn't listening. Can I leave the room?" Sabi ko, and she was stunned.
"Why? Anong gagawin mo, Mr. McCartney?" Tanong niya, and I huffed.
"Can't you just let me out? This is important. More important than yourself," sabi ko, at pinalabas naman niya ako.
Nang makalabas na ako sa doors ng classroom ay naglakad ako papunta sa malayo sa room, para sagutin ang call ng kung sino man.
Panira naman.
Tinignan ko ang Caller ID, at nakitang si Leo 'to. Ha?
Why the hell is he calling me in the middle of a class? Hindi ba 'to nagkaklase?
Sinagot ko nalang, and scoffed bago nagsalita.
"Problema?" Tanong ko, and then I heard him breathe deeply bago ako sagutin.
"Nagpunta kaming Rakuzen—"
"What the hell?! Bakit ka nagpuntang Rakuzen?! Gusto mong pinagtulungan ka nila Krill?!" Sabi ko sa kanya, at hindi nakarinig ng sagot mula sa kabilang linya.
Ano ba, Leo? Anong ginagawa mo? Bakit ka nagpunta sa suicide mission?
"Walang kasama si Theia. She was going to talk to the Rakuzen president about the upcoming Sports Interhigh. Kaya sinamahan ko siya," sabi niya, at nagtaka naman.
"Bakit ikaw ang sumama? Papakamatay ka ba? Asan 'yung vice president?!" Tanong ko sa kanya, at hindi nanaman siya nakasagot ng agad.
"Ako. Ako ang vice president. Kaya nga sinamahan ko, eh. Pero may problema," sabi niya. "President pala si Krill at Vice si Ymir. Sinampal ni Krill si Theia dahil nagkainitan kami nila Ymir at pinapaalis niya na pero hindi siya umalis."
"WHAT?! Nasaan kayo?! Nasaan si Theia?" Sabi ko, at naglakad ng pabalik balik.
Sabi ko na nga ba may masamang mangyayari. Sabi ko na nga ba lilitaw at lilitaw pa rin na parang mushroom ang mga bastards ng Rakuzen.
"Nasa parking lot na kami ni Theia. Tawagin mo sila Gabrielle. Kailangan ni Theia ng kausap," sabi niya, at nag-oo naman ako bago pinatay ang call.
Bumalik ako sa room, pero hanggang sa sliding doors lang. Wala akong balak na magpasarap lang sa room kung may nadamay na dahil sa away namin nila Krill.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...