gabrielle stephanie kane.
Nung maghapon na ay hindi na namin natiis nila Theia na umalis dito sa Delcroix. Paano ba naman, tinawagan ko si Tavi kasi umalis sila at nakita ko sila na paalis pa kanina. Hindi ko alam kanina kung saan sila nagpunta, at pati daw siya ay hindi niya alam kung saan sila magpupunta. Si Leo daw or si Vance ang nakakaalam kung saan. Kanina pa yun na bago maglunch. It's almost one o'clock na, kaya naman hindi ko na alam kung gusto ko pa bang pumasok. Wala naman na kami ginagawa sa theater club kasi nagresign ang club adviser namin.
Nandito kaming tatlo nila Axi sa cafe, habang sila Louise, Lili at Maree naman ay hindi ko mahanap kasi absent daw sila. Hindi ko na alam kung saan sila nagpupunta.
"I don't think I wanna have some club time this afternoon. Hindi naman naactive ang arts club kasi wala naman events at kakatapod lang nung nakaraang event. Wag na tayo pumasok, please?" sabi ni Axelle, habang gamit ang spoon niya na kumain ng ice cream.
"She's right, kahit na ayaw kong unaabsent, I don't think there really is something na magagawa natin dito sa school since the school year is almost finished. Konting konti nalang. May Christmas vacation pa niyan, and then konti nalang ay graduation na," sabi ni Theia, kaya naman napaisip ako. Tama nga naman sila.
"I think we should go somewhere. Just us, yung original na lineup ng friendship natin before things started to happen. I really... miss the moments nung kasama pa natin lagi si Romaine. Hindi ko alam kung bakit parang nawala na. Aminin man niya o hindi, andami nang nagbago sa kanya simula nung namatay si Harvee. She's more distant ngayon, hindi physically. Nakikita ko sa mata niya na simula nung mamatay na si Harvee ay mas nahirapan siya na mag open up sa mga tao at hindi siya masyadong nagtitiwala kahit na mga kaibigan niya," sabi ko, and looked down.
Baka maiyak nanaman ako nito, eh. Kasi naman, mas close kami ni Romaine more than anyone in our group. We used to be 'Fab Four', yung name na inimbento ni Theia nung mga bata pa kami. We used to be as close as sisters, kaso nga lang si Romaine ang naglalayo ng sarili niya. She keeps thinking na sasaktan niya lang kami and yun ang aking obserbasyon.
Namimiss ko yung tsundere na Romaine namin, yung Romaine namin na poprotektahan kami at nandyan kapag kailangan namin ng masasandalan. Naiintindihan ko naman siya, eh. Kasi siguro, hindi na rin niya alam ang gagawin niya.
Nawalan siya ng kakambal. Kasabay din nito ang pagkawala ni Harvee, who turned out to be her best friend na lalaki. For the first time. Dati lagi silang nagpapaligsahan na aso at pusa, pero simula nung nagleave si Romaine sa football club nila ay mas naging close sila ni Harvee na siyang nagwelcome ng unexpected friendship nila. Akala nga din namin ay sila ni Harvee ang magkakatuluyan dahil arranged marriage na din sila at mukhang hindi naman sila nagpoprotesta.
Nakaramdam ako ng mga kamay sa mga kamay ko, at iniangat ko yung ulo ko para tignan kung sino yun. Malamang, si Theia and Axelle. They are both looking at me as if they feel my pain. Pero hindi, eh.
I've always wanted to be as brave as Romaine noon, at lagi niya akong sinusuportahan sa mga bagay bagay. Nung mga bata kami ay siya rin ang nagsabi sa akin na para wag kang maagrabyado ay dapat maging matapang ka at ipakita sa lahat na malakas ka kahit na alam mong may pagkukulang ka. Sa kanya ko nalaman nuon na kahit na mahina ako physically, there are always other parts and careers in life na dalat kong tahakin, yung babagay talaga sa mga kakayahan ko. Because of Romaine, I've discovered theater. My home.
"We understand, Gab. We miss her, too," sabi ni Theia, at nag iwas ng tingin. Si Axelle naman, hindi na ginalaw yung kanyang ice cream dahil nag iiwas na din siya ng tingin ngayon.
"What if... sunduin natin siya sa Rakuzen para naman makasama naman natin siya. Siguro naman, half a day won't hurt her grades tutal club activities lang din naman ang gawain ng Rakuzen and Shinzen sa hapon," sabi ni Axi, kaya naman napalingon agad kami ni Theia sa kanya.
"What if nagalit na siya sa atin kasi nung nagaway away tayo?" sabi ni Theia, pero binigyan ko siya ng ngiti.
"Kilala natin si Romaine, girls, hindi niya tayo basta basta na iiwan nalang," sabi ko, at binigyan naman nila ako ng ngiti.
"Let's go," sabi ni Axelle, at kinuha namin ang bags namin sabay takbo papunta ng parking lot.
Tinawagan ni Theia ang driver niya, kaya naman ilang sandali lang ay nakarating na agad siya dun. Sumakay na kami sa car at nagsend ako ng message kay Tavi na may pupuntahan kami nila Theia.
Nasa Rakuzen na kami, at nasa harapan ni Romaine na nakasandal sa gates dahil nasa labas kami. Nakaleather jacket pa din siya at bagay sa kanya ang uniform ng Rakuzen. Brown and beige, at sure din ako na bagay sa kanya ang uniform ng Shinzen na black and white.
"Hey, bakit kayo nandito?" tanong ni Romaine, pero niyakap ko na agad siya ng mahigpit dahilan para yumakap na din sa amin sila Theia and Axelle.
"Namiss ka na namin. Bakit hindi mo na kami kinakausap tulad ng dati? Lagi nalang si Shin kasama mo! O kaya sila Krill, tapos si Akira okay lang naman, pero sila Krill! Dedemonyohin ka ni Krill!" sabi ni Theia, at naalala ko na childhood friends din sila ni Krill at Ymir.
Hindi ko alam, pero hindi nila nakilala si Akira dati kahit na childhood friends sila nila Ymir at Krill. Pero parang may naaalala ako na sinabi ni Akira na sa Japan siya nag aaral nuon at madalas lang siyang magpabalik balik dito sa Pilipinas dahil gusto niyang magbakasyon. Middle school lang daw siya tuluyan na nagaral ulit sa Rakuzen.
"Drama niyo. Pero namiss ko din kayo. Tara kung saan. Iniwan ako nila Krill. Naglayas sila," sabi ni Romaine, kaya naman medyo natawa kami. Namimiss din naman pala kami.
"Nakakainis ka. Namimiss mo din pala kami. Nagpapamiss ka lang, eh!" sabi ni Axelle, kaya naman tumawa si Romaine habang naglalakad kami paalis.
"Saan tayo?" tanong ko, pero naglalakad lang si Romaine at natagalan pa kung saan kami pupunta.
"Sa bahay? Let's have a lazy day. I can drive my car, nalang. Para hindi na mapagod yung driver niyo. Let's buy a ton of food and watch some movies," sabi ni Romaine, kaya naman naexcite na kami.
Tumakbo si Romaine papasok sa Rakuzen, at ilang segundo lang ay nagtigil sa harapan namin ang isang Bugatti Chiron, kaya nalaglag ang panga namin.
"What?! Bakit ngayon lang namin nakita to?" tanong ni Theia, at ngumisi naman si Romaine.
"Because I won a championship. Yung isang teenage football tournament sa Russia. I represented Russia, since I have Russian blood. Saglit lang naman yun, nothing too serious. Ni hindi nga nagtagal kahit na tatlong araw, eh. Dalawa lang. And I am so exhausted pabalik pabalik sa Russia hanggang dito. Pero dad was happy. So here I am," pagpapaliwanag ni Romaine, at excited naman na pumalakpak kami.
"Hala! Romaine is still the football goddess, hanggang Russia!"
"Ang girly ng goddess, yuck!"
"Kasi naman! I'm complimenting you kaya!"
"Psh, Theu, Theu,"
"I'm not Theu!"
"ANG INGAY NIYO, MAGDRIVE KA ROMAINE MATULOG KA TULAD KO THEU—"
"I'm not Theu!"
![](https://img.wattpad.com/cover/153685553-288-k747406.jpg)
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...