romaine severine beauregard.
"Sev," called the voice that was very familiar to me. The voice is very familiar pero I can't put the name on it.
"Severine," repeated the voice and I can't help but tear up. I know this voice. I really do. Ang liwanag, and the figure is blurry. Napakaliwanag kaya naipikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang isa pang butil ng luha na tumulo.
"Don't cry, Sev. Matapang ka, eh. Ikaw naman. Nawala lang ako lalampa lampa ka na dyan. Tignan mo, oh. Umiyak ka na," sabi niya, at biglang nawala yung malakas na light at humina ito. Then I saw the face. Harvee. Oh god, si Harvee. I cried harder at niyakap ang best friend ko, pero hindi ko siya mahawakan. Ang sakit. Hindi ko mahawakan si Harvee. He smiled sadly at me, at hinaplos ang buhok ko habang tinitignan ako ng malungkot.
"Hindi mo na ako mahahawakan. Baliw ka talagang alien ka," sabi niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya habang nagbabagsakan ang mga luha ko.
"Bakit ka umalis? Dapat ako nalang yung nabaril, Harvee! Dapat hinayaan mong saksakin nalang niya ako nang hindi pa kayo namatay ni Raleign!" Sabi ko, at tumawa naman siya kaya mas nainis ako.
"Tatawa ka pa? Ikaw lang best friend kong hindi babae tapos pagtatawanan mo ako? Langya ka. Nang-iwan ka na nga tatawanan monpa yung pagluluksa ko sayo," sabi ko, at nagtawanan naman kami. "Hindi na nga ako iiyak."
"Wag ka talagang umiyak. Gusto ko lang naman sabihin sayo na kahit na wala na ako dyan, nandito pa din ako sa tabi mo. Best friends tayo, eh. Talunin mo yung Delcroix sa football, sa College Prep. Promise me na ipagpapatuloy mo pa ang football sa college prep, para sa pagkakaibigan natin. Football is life, di ba?" Sabi niya, kaya naman natawa ako. Hanggang ngayon ba naman, dinadalaw siya ng kaabnormalan niya.
"Stinky socks ka lang, eh," sabi ko, at tumawa siya. Kaso parehas kaming nagulat nang bigla siyang nagfefade. "No!"
"Sev, good bye! Remember my words! Every time you look at the ball, remember me! I—!" Sabi niya, pero naputol ito dahil nahigop na siya ng liwanag at nawala ito.
Umiyak ako ng malakas pero hindi na nito maibabalik pa yung best friend ko.
"Romaine! Huy! Umiiyak ka na!" Narinig kong sigaw, at nagulat naman ako dahil nakanap pala ako sa classroom namin. Si Bastille yung gumising sa akin, at mabuti naman at hindi siya masungit.
"Right, sorry, nanaginip lang," sabi ko, at nagshake naman siya ng head.
"Halata nga. Kanina mo pa ako sinasabunutang gago ka," sabi niya, at tsaka ko lang narealize na nakasabunot nga ako sa kanya.
"What the...? Sorry!" Sabi ko, at inismiran ako ng lalaki. "Sungit talaga neto."
"At least hindi ako maaabuso dahil masyado akong mabait. Tsk. Bobo. Iaang minuto nalang exams na. Buti pa sa Delcroix bukas pa ang Midterms," sabi niya, at lumingon naman ako sa paligid. May mga nanginginig na sa kaba, at isa na dun si Leone.
"Fyr!" Tawag ko, at nilingon naman niya ako habang humihinga siya ng malalim.
"Wag mo akong tinatawag ng second name ko. Mas kakabahan ako." Sabi ni Leone, at tumawa naman ako.
"Exam lang, eh. Sa bugbugan game kayo tapos titiklop ka sa exams?" Sabi ko, at tumawa pa. Tinignan naman niya ako ng masama, kaya nakitawa si Bastille. Hindi kasi namin kasection sila Krill at Ymir, eh!
"Tss. At least hindi ako nagsasalita ng tulog. Kanina ka pa 'no!' ng 'no!' dyan!" Sabi ni Leone, at nagulat naman ako.
"Wait. That... Wasn't real?" Tanong ko, wuth disappointment in my eyes. Oo nga naman.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...