theia celestine greene.
Ilang linggo na ang lumipas natapos nung birthday ni Axi. Actually, December na ngayon kaya naman nandito kami ngayon sa Rakuzen para sa council meeting ng councils ng Elite Trio.
Ang required lang na magpunta ay ang presidents at secretaries ng bawat school. Kakaumpisa lang naman ng meeting kaya heto kami at nakaupo pa ng maaliwalas sa loob ng Rakuzen council room.
Sa Delcroix, kami ni Tavi ang magkasama ngayon. Habang sa Rakuzen naman ay sina Krill at Akira. Sa Shinzen naman ay isang representative na hindi namin kakilala. Wala na daw kasi si Shin at lumipat ng Japan. Hindi na raw siya sa Shinzen gagraduate kaya for the meantime, siya muna ang magiging representative for Shinzen.
"So, are we going to talk about the plans na?" Tanong ni Akira, kaya naman I clicked my pen at binuksan na ang notes ko.
"Thei, ang sipag mo talaga. Minsan nakakakaba na din maging secretary mo, eh," sabi ni Tavi at nagkamot ng ulo habang nilalabas ang sarili niyang notes.
"Hindi naman, haha." Sabi ko, at tinignan na yung nagsasalita sa harapan.
Rakuzen ang host ng meeting ngayon kaya naman sila ang bahala sa meeting. Ngayon ay may isang babae na about 20s ang age at nagpapakita siya ng videos ng isang ball, na may fake snow na nalalaglag sa baba.
Ang girls ay either naka red, white or green at ang guys naman ay basta nakasuit and tie.
Nagstop na ang video at nginitian kami nung babae.
"That'd be an example of a Yule Ball. Does anyone here disagree that it is necessary for Christmas?" Sabi nung babae, at nagkatinginan naman kaming lahat dito.
"You mean, we're gonna have to do that? But where?" Tavi asked, raising his hands. He was right.
"Anywhere. Maybe Delcroix or Rakuzen or Shinzen's Events Halls." Said the woman, kaya naman napaisip ako.
"Events are always held at Delcroix. Ang meetings naman ay sa Rakuzen. How about sa Shinzen naman?" Sabi ko, at tumango naman si Akira.
"She's right. Sa Shinzen naman," Sabi ni Akira, at tumango yung nasa Shinzen.
"But the problem is that when? When are we going to do the Yule Ball?" Asked the girl from Shinzen.
"Why not Christmas Eve? It will give off the vibe of Yule tide." Said Krill, at nagclap naman na yung woman sa harapan namin.
"You guys and girls are brilliant. Ang bilis niyong I meeting. As of Shinzen representative, it's your job to organize the event na since it is your school which is hosting the event. Any questions?" Sabi nung woman, at nag-agree naman na yung sa Shinzen.
"So, if it is on Christmas Eve, how can we be so sure that everyone will be attending?" Asked Krill nanaman, at napaisip din ako sa sinabi niya.
"Then make it na pati parents ay invited. Homecoming," said the woman, at pumalakpak ako. It was brilliant!
"It's brilliant!" I said, at nginitian ako nung woman.
"Any more questions?" The woman asked, at wala namang sumagot. "Then I guess that this meeting will be dismissed." Sabi niya.
Tumayo na kami at nagsilabasan sa council room. Naunahan kaming lumabas nung Shinzen representative na hanggang ngayon ay hindi pa din namin alam ang pangalan. Sumunod naman na lumabas kami ni Tavi, at nahuli sila Akira and Krill.
Nung tuluyan na kaming makalabas ay pinuntahan ako ni Akira at ni Krill. Nagbatian si Krill at Tavi kaya naman hinayaan ko na muna sila na magkasama at naghiwalay kami. Sinama ako ni Akira sa kung saan, at dun naman namin nakasama si Arianne at Romaine.
"Sinasabi ko sayo, Arianne. Mag-ingat ka kay Harrison. Mapapatay ko talaga yun kapag he tried something on you," sabi pa ni Romaine, pero hindi niya kami nakita ni Akira kasi nakatalikod siya. Tumawa naman si Arianne, pero seryoso pa din si Romaine.
"He won't. We're just a little closer now, naman," Sabi ni Arianne, at dahan dahan na tumango si Romaine pero halata naman na ang hindi niya paniniwala.
Pinaghiwalay naman ni Akira ang dalawa at sumingit, kaya umupo nalang ako sa harapan nila."Hey! Magkakaroon tayo ng Yule Ball! Dyan sa may Rakuzen." Sabi agad ni Akira, kaya naman inexcuse ko na ang sarili ko na pupunta na ng Delcroix.
Naglakad pa ako ng kaunti at nakita na si Tavi kaya naman sabay na kaming naglakad papuntang gates ng Rakuzen.
I picked up my phone at tinawagan ko naman si Leo. Sinagot niya naman yung call ko at sinabi ko na iannounce na niya sa Delcroix ang nalalapit na Yule Ball.
It's December 10th na, at two weeks nalang kaya naman kailangan na makapaghanda ang bawat isang student. Also, pati na din ang parents nila.
Nakarating na ang sundo namin ni Tavi pabalik sa Delcroix. Inalalayan naman kami nung driver papasok, at tabi kami ni Tavi na nasa backseat.
"Theia, hindi ka ba nababahala?" Tanong ni Tavi bigla, matapos ang ilang segundo na nakasakay kami dito at umaandar na.
Napaisip naman ako. Bakit ako nababahala? Ano bang ikakabahala ko sa panahon ngayon, eh, maayos naman na ang mga pangyayari.
"Bakit ako mababahala? May dapat ba akong ikabahala?" Tanong ko, at ngumiti naman siya ng matabang sabay na tumingin sa akin.
Nakakunot na ang noo ko, at ngumiti na siya ng softly ngayon. Sunshine talaga ang naaalala ko kay Tavi. Maybe that's why Gab fell for him, too.
"Gagraduate na kami. Hindi mo na kami laging nakikita nun at nakakasama. Hindi ka ba nababahala na maulit nanaman ang mga nangyari this year, next year?" Tanong niya, na may mahinang boses na halos siya lang ang nakakarinig.
Inilipat niya ang tingin niya sa labas ng bintana na nagdulot ng paghinala ko.
"Hindi. Hindi ako nababahala kasi napag-usapan na namin yun ni Leo and he promised. Tavi, admit it, ikaw ang nababahala, no?" Tanong ko, at nakita kong ngumiti siya at dahan dahan niya akong hinarap.
Huminto naman na ang kotse at tsaka ko lang narealize na nandito na pala kami.
"Tama ka. I'm the one who's worried. I'm always uneasy." Sabi niya, sabay na bumaba siya.
Bumaba na rin ako, at tumatak sa utak ko ang sinabi niya.
The Great Apollo Octavian Solace, the solace of the group, always uneasy?
Well, that's a revelation.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...