delcroix heirs' academy ✔️ special chapter

81 4 82
                                    

leo stephen wesley

Ilang araw na nagresume na ang classes but Theia is still not here. Ni hindi siya nakapagpaalam sa aming lahat at mas ikinababahala ko pa kung may makilala siya sa ibang bansa. Pano ba yan? Kahit naman sabihin na nating gwapo ako, mabait, mayaman, gwapo, cute, charming, mabait, matapang, mabait, gwapo, ubod ng gwapo, mukhang prinsipe, basta perpekto! Meron at meron pa rin namang mga lalaki na maaaring makakuha ng atensyon ni Theia.

Kinababahala ko yun ngayon.

I'm staring at the ceiling at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil wala siyang pasabi kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya. Bakit siya aalis? Bakit niya kami iniwan? Dahil ba nakakarindi na ako?

Ihinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko dahil nakakainis na yung mga pumapasok sa isipan ko. Baka mamaya, may porener na hilaw na umagaw sa kanya sa akin! Baka makasapak ako ng porener. Teka, pamilyar yang linyahang yan, ah? Basta!

Iniisip ko pa lang na ang aagaw sa akin sa kanya, yung napakatalino, tapos kayang pasayahin siya in an intelligent way, and not a makulit way like me.

Hindi na ako mapakali at umiikot ikot ng higa sa kama ko kahit na umagang umaga.

Kung siguro nabuhay ako kasama si mom, baka makapagtanong pa ako ng advice sa kanya at tutulungan niya ako. Unang una, sana nakilala ko yung nanay ko. Bigla namang napadpad yung isipan ko sa kanya.

Mom, hahanapin kita soon. O pwedeng next week, hahanapin na kita! Wala naman na akong rason na manatili pa sa Delcroix, wala naman na si Theia.

Tinignan ko yung suot ko, at medyo disente naman. Medyo.

A plain black shirt along with... pajamas na may pattern na bananas. I actually love bananas.

Tinitignan ko yung orasan at iniisip kung bakit gising na ako sa oras na to. Alas-otso ng umaga. Normally, magigising ako ng ala-una dahil wala namang pasok. Holiday, eh. All Saints Day, November 1.

Ano kayang gagawin ko? Hindi naman ako isinama nina Grandma at dad sa UK, para bisitahin yung mga namatay naming kamag-anak. Imbes na nawala sa isipan ko yung mga kaguluhan (pagkawala ni Theia, kagwapuhan ko, paano iaappreciate pa lalo ang sarili ko, etc.) eh iniwan naman ako.

Anong gagawin ko sa araw na to?

Nagulat ako nang biglang magslide open yung glass doors ko, meaning may nagscan ng fingerprint nila. What?! Eh, ang may fingerprint lang naman na nirerecognize dito ay ako, at si Vance!

Wala naman si Vance dito— holy heck.

May grupo ng tatlong lalaki na nakasuot ng itim na balot na balot ang mga katawan. Hindi ko sila makilala dahil nakatakip ang mga mukha nila, kaya mas ginapangan ako ng takot.

"Who are—" sabi ko, kaso ay tinakpan na ang bibig at ilong ko kaya kahit anong sigaw ko ay hindi na rin marinig. Ni hindi ko na sinubukan pang magsalita.

Kinakaladkad ako nung pinakamatangkad sa kanilang tatlo, at bawat pagdaan nila sa mga bawat butlers at maids in every room ang corner sa bahay nato, pinapadaan lang sila kaya tinignan ko sila ng masama.

Pagdating nila Grandma at Dad ay ipapasisante ko lahat ng nagtatrabaho dito! Mga walang silbi!

Nang makalabas na kami sa front door at nadaanan na ang fountain ay agad akong kinakaladkad ng mga tagong lalaki na mga ito sa loob ng isang Range Rover, at tinakpan ang mata ko.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon