leo stephen wesley.
Malapit na ang December, pero may isa pa din akong iniisip.
Ngayong masaya na ang lahat ng mga kaibigan ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin kung nasaan na kaya ang mom ko. Gusto ko siyang hanapin. Gusto kong malaman kung ligtas ba siya at marami akong gustong ikwento sa kanya dahil nga ilang taon ang lumipas at wala akong maalala tungkol sa kanya bukod sa isang picture na kinuha ko sa wallet ni daddy pero hindi niya alam. Bata pa ako nung nasaakin ang picture na ito.
Nasa loob kami ng classroom at first period palang ng klase pero gulong gulo na ako. Ku masaya ang lahat, naisipan ko naman ang sarili ko. Masaya naman ako, pero mayroon pa ding kulam. At alam na alam kong si mom yun.
Gusto kong ikuwento sa kanya lahat ng mga karanasan ko sa highschool at kung paano ako aangat sa susunod na campus na may masayang ngiti. Gusto ko din ikuwento sa kanya si Theia, at gusto ko siyang ipakilala kay mom, pero unang una ay kailangan ko munang mahanap siya.
Sa totoo lang, ilang beses na akong nababahala dahil dito. Lalo na nung birthday ni Axelle. Todo suporta ang mom and dad niya sa amin. Kaya naisipan ko na gusto ko rin malaman ang pakiramdam ng may mga magulang na magmamahal sayo.
Tumingin ako sa harap, at nagsasalita pa din yung teacher namin pero hindi na ako nakikinig. Kahit si Tavi na tinignan ko sa likod ko ay malalim na nakikinig. Ayokong makinig. Science ang subject, at hindi ako papayag na masira ang utak ko sa agad agad na biglaang bagsak ni Science.
"Mr Wesley? Is somethin wrong? Bakit nakasimangot ka?" tanong nung teacher, pero hindi ko siya pinansin kaya naman huminga nalang siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "You can go out of the room if you want. I know you need it."
Ngumiti naman ako, at tinanong kung seryoso siya, pero hindi siya sumagot nung tinanong ko kaya naman agad nalang akong lumabas matapos na tumingin kay Tavi. Hindi naman daw siya sasama kung saan ako magpupunta, eh.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ay sumalubong na agad sa akin ang panget na pagmumukha ni Ethan.
"Oh, bakit nandito ka?" tanong ko, at ngumisi naman siya sa akin.
"Wala lang. Naramdaman ko na aalis ka sa classroom niyo kanina kaya naman pumunta nalang ako dito para makasigurado," sabi niya, at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Langya, hindi ka lang pala magaling sa martial arts. Manghuhula ka na rin. Akalain mo yun? May lahi ka palang intsik?" sabi ko, at tumawa naman siya kaso biglang nawala yun kaya alam ko na na kailangan ko nang tumakbo palayo sa kanya.
Tumakbo ako palayo sa kanya at kinuha sa bulsa ko ang isang banana para habang tumatakbo ako ay may binabalatan at kinakain ako.
Nakababa na ako sa building namin at hinihingal, kaso naramdaman ko na nakahawak na siya sa balikat ko kaya wala na akong takas. Tumawa nalang ako at tumawa din siya, kaya naman naglakad nalang kami papuntang Persephone's lair, yung isang garden dito.
Antagal na pala naming hindi nakakabisita dito. Ang ganda ganda eh, tsaka may mga lumilipad pa na mga insekto. May makulay na pakpak. Malay ko kung ano yun. Basta alam ko insekto yun.
"Ang sarap pala sa feeling na maayos na ang lahat, no?" sabi ni Ethan, at nagulat naman kami dahil biglang may mga pumasok na din dito.
Iniangat ko ang aking ulo at nakita na si Vance at Tavi yun.Kinuha ko na din yun na oportunidad para naman masabi din nila kung ano ang tingin nila sa plano ko.
"So, may gusto lang akong sabihin sa inyo," sabi ko, natapos nilang magsiupo sa grass sa paanan namin ni Ethan.
"Ano? Basta ba wag kang manguutos. Tutulugan talaga kita, o patutulugin nalang kita," sabi ni Vance, kaya naman nanginig ako sa choice of words niya.
"I want to know who my mom is." sabi ko, at nagsilingunan naman sila sa akin.
"But don't tell others about this. Swear on your life. Alam ko na magagalit ng todo si Grandma at dad kapag hinanap ko si mom, pero pipilitin ko. Gusto kong malaman kung sino ang mama ko," sabi ko, pero parang bulong nalang ito.
Normally, tatawa ang mga to, at sasabihin sa akin na get over it, pero hindi sila tumawa. Instead, binigyan nila ako ng ngiti kaya naman naramdaman ko na susuportahan nila ako sa paghahanap sa mama ko. Isa pa, parang pakiramdam ko ay ayaw na talaga sa akin ni Grandma dahil kahit anong suyo at tulong ko sa kanya ay sasabihin niya na hindi niya ako kailangan o kaya ay paaalisin niya ako sa harapan niya.
Ipinatong ni Tavi ang kamay niya sa balikat ko at isiningit ang sarili sa bench na inuupuan namin ni Ethan para makapagsalita siya ng matino. Huminga muna siya ng malalim at saka ako hinarap.
"Alam ko na iniisip mo na, bro, nakakabakla, pero hindi. Ang mama ay mama. Magulang mo yan. Dyan ka nanggaling. Normal lang naman na hanapin mo siya dahil mula pagkabata mo ay hindi mo siya nakita. Hayaan mo, susuportahan ka namin at tutulungan ka namin if ever you need us. Hindi tayo Black Reapers for no reason. Kahit na magpatayan pa tayo, basta lang makamit natin ang ating mga hangarin." sabi ni Tavi, at tumawa naman si Ethan pero tumango lang si Vance.
Sometimes I think that Vance is such a tsundere. Magpapanggap siya na wala siyang pakialam sa amin pero nararamdaman din naman namin na may pakialam siya sa amin at gagawin niya ang lahat para sa amin tulad ng isang ama. Para namin siyang tumayong ama at lider ng grupo.
"Alam mo, ang drama ni Tavi dun. But still, tutulungan ka namin. Kahit kailan, Leo. Kahit saan."
Ang swerte ko sa mga kaibigan ko.
✔️✔️✔️
bastille vesuvius collins.Ang gulo nila Krill. Recess na namin ngayon at kasama sina Akira, Arianne, Romaine, Leone, Ymir at Krill. Ang ingay nila at lahat sila nagkakaintindihan. Kahit si Arianne, naalis na nila yung hiya niya sa amin. Naririndi na ako sa ingay ng mga tukmol kong kaibigan, at minamasahe ang sentido ko, pero hinayaan ko nalang sila.
"Nababadtrip na yata si Bastille, oh," sabi ni Arianne, kaya naman minulat ko yung mga mata ko at nakitang nakatingin silang lahat sa amin. Akin pala.
"Anong problema niyo?" tanong ko, at ngumisi naman si Leone.
"Wala. Mukha ka kasing bobo habang minamasahe sarili mo," sabi niya, at halos mapalo ko na ang noo ko sa pagiging Honesto niya.
"Nagbalik si Honesto. Sinong bobo?" sabi ko, at nagsisitakip na ng mga bibig yung mga kaibigan namin. Highlight daw kasi ng araw nila ang mga away namin. Tss.
"Your mum," sabi ni Leone, kaya naman napasabunot nalang ako sa buhok ko.
"Nakakainis ka."
"Nakakainis? Ako ba?"
"No. Your mum,"
"Linyahan ko yan!"
"Wala akong pakialam."
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Novela Juvenil[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...