axelle charlotte hudson.
Pag gising ko ng umaga ay nagulat ako because one of the maids told me na nasa baba daw sila Theia. Kaya naman, agad akong nag-ayos ng sarili ko at naligo.
Ni hindi ko alam kung anong ginagawa ko. Nung natapos akong naligo ay nagsuot ako ng maroon na sweatshirt at black na leather shorts sabay patterned socks tapos agad akong bumaba para salubungin sila Theia.
Bumungad sa akin ang maliwanag na living room namin, with the white walls and the white couches.
Last week, ate Axerre came back home and our parents, Axen and I welcomed her with open arms. We really missed her.
Lumingon yung tatlong ulo na nakalitaw sa may sofa, at nakita ko naman sina Theia, Gab, at Romaine.
I'm really happy that Romaine is here, after all those times na hindi namin siya nakasama.
"Morning, Axi," sabi ni Theia, at sinalubong niya naman ako ng yakap.
Nagpunta na kami sa kinauupuan nila Gab at Romaine, tapos tumayo naman sila. Ngumiti si Theia sa kanila, at naglakad naman sila paalis.
Nakasuot ng white na Sundress si Theia, at si Gabrielle naman ay nakagreen na dress. Si Romaine naman, nakasuot ng plain white shirt and leather pants kaya naman bago ito dahil hindi siya nakasuot ng leather jacket niya.
"Buti hindi ka nakaleather jacket ngayon?" Tanong ko kay Romaine, at tumigil naman siya sa paglalakad palabas and we all chuckled.
"Bakit? Bawal? Para maiba naman," sabi niya, at inunahan na kami palabas dahil she jogged out.
Hindi namin siya ginaya na nagmamadali. Instead, we walked a but slowly kasi sabi nila Romaine brought her car daw kaya hayaan na namin siya.
"Saan ba tayo pupunta? Hindi ko alam na may pupuntahan pala tayo?" Sabi ko, at ngumiti naman si Gab at Theia.
"Wala lang. Hindi na tayo nagbabonding na magkakasama, eh. So why not do it on a Saturday?" Sabi ni Gabrielle, and I nodded my head.
Nakalabas na rin kami sa gates at nakasakay na sa car ni Romaine. Nasa passenger seat yung bag ni Romaine kaya naman kaming tatlo ay nasa backseat.
Hindi talaga nagpapasakay sa passenger seat. Nagtaka naman ako kasi pinindot niya yung hazard button, pero inalis ko nalang yung tingin ko dun. Ano bang malay ko.
I checked my phone dahil tahimik dito. Maaga pa naman, 8:30 am, kaya hindi ko alam kung saan kami magpupunta.
"Saan tayo?" Tanong ko, at nilingon naman ako ni Romaine para sumagot kahit na nagdadrive siya. Aish, this girl.
"Sa Mall. Where fun starts," sabi niya, at napansin ko naman na naguusap ng masinsinan si Theia and Gab so I decided na wag nalang silang kausapin muna. Baka importante.
Pagdating talaga sa mall, bibili ako ng ice cream. Naisstress na ako. Andami kong gustong gawin sa buhay ko.
Siguro dalawang oras na kami sa mall, pero ang napuntahan pa lang namin ay mga clothing shops at naghiwahiwalay kami kanina dahil may nagkakaiba kami na gustong bilhin.
Nung nagkita na ulit kaming apat ay agad akong bumili ng ice cream.
Sa totoo lang, nalulungkot ako kahit na magkakasama kami. Paano ba naman, naalala ko na birthday ko na nga pala at parang hindi naaalala nila Romaine.
Nakaupo kami sa isang table sa may food court nung nagyaya na silang umuwi na daw sa amin at dun nalang dahil kakabalik ni Theia galing sa restroom.
Kaya naman, kahit na nagtatampo ako ay hindi ko nalang inisip kasi at least, sila ang kasama ko sa birthday ko.
✔✔✔
ethan karl carrose.Nung sinenyasan na kami ni Romaine na aalis na sila ay agad na kaming pumasok kila Axelle. I missed her, and this is the least I can do to at least make it up to her after all those things that happened in the interhigh camping.
Nung naglight up na yung car ni Romaine ay isa isa kaming bumaba nila Leo sa kotse ni Vance at dumiretso na sa loob.
Pinapasok naman kami nung security sa bahay nila at nilead sa living room kung saan kami magseset up.
Binaba namin lahat ng mga dala namin at at nagumpisa na sa pagseset up.
Nagpalobo na ng helium balloons si Vance. Si Leo naman ay nagdedecorate na. Ako naman ay tinutulungan si Tavi sa paglalagay nung three layered cake at ng gallons of ice cream dito sa table.
"Ethan, magsuot ka ng party hat, ah? Tapos ikaw maghawak nitong banner." Sabi ni Tavi, tapos naggroan naman si Vance.
"Nakakatamad at nakakabakla naman tong ginagawa natin. Tss." Sabi ni Vance, at may nagdoorbell naman na kaya sinalubong ko ito sa front door.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na yung mga delivery boy na tinawagan ko kanina. Shakey's, Jollibee, yung five star restaurant nila Ymir.
Binuksan ko ng mas malawak yung pinto at pinapasok sila kaya naman inilapag nila sa table yung mga pinadeliver tsaka ako nagbayad.
Umalis naman na sila kaya agad na kaming nagtulong tulong na ilipat ang mga yun sa plates at kung Ano ano pang containers.
Nakahinga ako ng malalim nung nakita kong maayos na ang lahat ang mga ibang kaibigan nalang namin ang kulang.
Sa isang white na wall ay nadecorate na yun ng flower arc at may fairy lights pa. Kumbaga, yun yung pang picture taking. Syempre si Tavi nanaman ang magiging photographer. Ginusto niya yan, eh.
Sa ceiling naman ay may mga helium balloons na nakalutang at mahabang tali. Ang living room naman nila ay may mababang ceiling kumpara sa may grand staircase. Nasa hidden spot kasi ang living room nila, no matter how weird that sounds.
"Tawagan mo na sila—" sabi ni Vance, kaso nagbukas na ang mga pinto at dumagsa ang mga kaibigan namin.
Nagtatawanan sila at may kanya kanyang mga dalang regalo. Nagsiayos naman na kami at pinatay na ang ilaw.
"Sabay sabay tayo maghappy birthday once they get here," sabi ni Tavi, at nagsagutan naman ang lahat.
Tatawagan ko palang sana sila Theia para tanungin kung nasaan na sila kaso nga lang ay bumukas na ang pinto at biglang nagbukas na din ang ilaw kaya sabay sabay na kaming sumigaw.
"Happy birthday, Axelle!" Sabi namin, at napatakip naman siya ng mukha at halatang umiiyak.
"I hate you, guys! I thought everyone forgot!" Sabi niya, at tumawa naman kami.
Nilapitan ko siya at niyakap, at naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. Naghihiyawan sila pero hindi ko nalang pinansin dahil umiiyak pa din.
"Psh. iyakin,"
![](https://img.wattpad.com/cover/153685553-288-k747406.jpg)
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...