axelle charlotte hudson.
When I got home, agad akong sinalubong ni Mom ng sampal. Pinipigilan siya ng maids namin, pero kinaladkad lang niya ako sa harapan ng room ni Axen, at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Naiiyak ako. Hindi ko naman kasalanan na naleak yung information. Hindi ko naman kasalanan na may nakakuha ng phone ko. At mas lalong hindi ko inakala na si Ethan pala ang gagawa nun. But why do I feel like he just did it for attention? Lagi siyang natatabunan ng mga kaibigan niya so I think hindi naman niya intensyon na maging masama.
Ewan. Naguguluhan na ako. Ayoko na ng ganito.
Iniwan ako ni mom sa harapan ng room ni Axen kaya naman kinatok ko ito. Walang sumagot, kaya I decided to go back to my room and just write her a letter and explain everything.
I feel guilty.
✔✔✔
akira xaven zin.Hindi natapos ang camp dahil kinabukasan after naming maghiking lahat ay in announce na cancelled na daw because of some issues. Alam naman ng lahat what it is. About what happened to Chenaire.
On the ride home, tahimik ang lahat at walang nagsasalita about sa issue. Kahit sila Romaine, Krill at Ymir ay hindi nag-iimikan when usually silang tatlo ang nag-iingay sa aming anim pwera nalang kapag nakatrip ako.
I sighed. Hindi ako sanay na tahimik sila. Nasa harapan ko lang ang seats nila Krill, Ymir at Romaine habang katabi ko naman si Leone na katabi naman ni Bastille. Ihahatid kami ng bus sa Rakuzen, at duon kami susunduin ng sari-sarili naming mga sundo.
"Krill. Kunin mo nga yung chocolate ko sa bag ni Ymir." Sabi ko kay Krill, tinitignan kung maiinis siya.
"Fine." Sabi niya, so I awkwardly took it.
"Thanks, I guess." I said, at tumango nalang siya at pinanuod ang labas ng window since he got the seat next to the window.
Ang weirdo niya. Kung normal yan, hindi yan mag-aabot ng hindi ako sasabihan ng kahit konting naiinis daw siya sa akin. Kung normal yan at hindi naiinis sa pangyayari, baka binalibag lang sa akin yung bar ng chocolate at hindi nag-reply.
I sighed. I'm going to check it out again.
"Ymir, ang landi mo." Sabi ko sa kuya ko, at nakita kong tumango lang ito at ipinikit ang mga mata signaling na matutulog nalang siya.
"Ate Sev, ampangit ng lasa ng hot chocolate." Sabi ko, at lumingon naman siya sa akin.
"Huh? Right. Nasa panlasa mo yan." Sabi naman niya, at mas naweird-an ako sa kanila.
Hindi naman papayag yan ng walang laban. Normally, she would argue with me saying na kahit ano pang sabihin ko ay masarap ang hot chocolate at abnormal daw ang dila ko, pero ngayon hinayaan lang niya.
"Bastille. Bakla ka ba?" Tanong ko at umiling lang ito ng hindi ipinagtatanggol ang sarili.
"Leone. Mukha kang tangang may limang lollipop sa bunganga." Sabi ko, at hindi lang ako pinansin nito.
Something is clearly wrong.
I wonder what happened?
✔✔✔
romaine severine beauregard.Nang makababa ako sa Rakuzen ay agad na bumugad sa akin ang pagmumukha ni Shin na hindi ko alam kung saan nanggaling. Bigla nalang kasing lumitaw. Nasa may entrance nga lang kami ng Rakuzen at marami na ang nakaalis kasama ng mga sundo nila.
"Shin. Bakit ka nandito? You're supposed to be home." Sabi ko, and he just nodded.
"But I'm not. Nandito ako kasi I'm going to tell you that tonight will be the dinner thing. Sa bahay. You know, Aly wanted to formally meet you?" Sabi niya, and then i nodded.
Pumasok naman ako sa loob at sinundan niya ako. Hahanapin ko pa si Krill. Baka napano ang ungas.
Sa paglilibot namin ni Shin ay may naririnig akong mga boses sa may bandang Council room kaya naman hinila ko si Shin at nagtago kami sa tabi ng wall.
Sinilip ko ito ng kaunti at nakita ang isang lalaking pula ang buhok at isang babaeng may medium length dark hair. Ooh. Krill, may babae ka nanaman?
"Err, I was just trying to look around! I swear!" Sabi nung girl, and I looked at her. She had slightly slanted eyes and she looked cute pero napataas ang kilay ko nang mapansin kong may hawig sila ni Shin.
"Oh, really?! Kasi naman, I don't know you. Maybe you're from Shinzen or Delcroix! No one can enter without a visiting slip, don't you know that?" Sabi ni Krill, na may pa hand gestures pa.
Nag-roll eyes naman yung babae at may sinabi pero hindi ko na ito narinig pa because Shin chuckled which surprised me. Did he really chuckle? Kaano ano niya?
"That's Aly. Hindi ko alam na may iba palang makakahuli ng kalokohan niya. Of all people, it's Krill Vertes. At dito pa talaga siya naghanap, ah?" Sabi ni Shin, at tinignan ko naman siya.
"Sino bang hinahanap niya?" Tanong ko, at lumingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ako. Ikaw. Tayo. May pagkaparanoid yun pagdating sa akin. Sabi niya hahanapin daw niya ang oras na magiging normal na tao ako." Sabi ni Shin, and he sighed.
"Normal ka naman. May pagkaabnormal ka lang," sabi ko, at sabay kaming nag-chuckle sa sinabi ko. Hindi ko rin kasi nagets yung sinabi ko.
Ibinalik ko na yung atensyon ko kila Krill. May pahand gestures na si Krill, naiinis na yan. Hindi naman sa hindi siya laging naiinis, believe me halos laging nainis yan, pero pagnaghahand gestures yan, naiirita na talaga yan.
"Who are you really and bakit ka nandito?!" Tanong ni Krill, at matatawa na sana ako kaso baka mahalata kami. Sayang naman.
"Fine. I'm looking for Shinzen. And Romaine." Sabi ni Aly kaya naman nagulat ako.
Bakit niya ako hinahanap?
"I told you."whispered Shin, at halos kaladkarin naman niya ako papunta sa kung saan sila nag-uusap.
Nakita naman kami ng dalawa, dahilan para magulat sila.
"Ang ingay niyo." Sabi ko, at nagulat ako nang sabay kami ni Shin.
Oh well.
"SHIN!"
"SEV!"
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...