delcroix heirs' academy ✔ chapter eleven

203 8 10
                                    

axelle charlotte hudson.

Nasa likod kami ng bushes ni Tavi habang pinapanood si Romaine at Harvee sa football field ng boys. Mukhang magkaibigan nga sila, pero paano? Pero mukhang hindi rin.

Pero nang ipoke ni Harvee ang face ni Romaine, biglang nagkatinginan kami ni Tavi.

"Tav, may clue ka?" Tanong ko, at iniadjust naman niya ang lens ng camera para mapicturan ng maayos ang dalawa.

"Not a clue. Pero tingin ko naging close na talaga sila," sabi ni Tavi, at tumango ako.

Nagulat naman kaming dalawa nang may gumalaw sa bushes na katabi namin, at isinuka nito si Vance McCartney.

"Vance?" Tanong ni Tavi, at napatingin naman na parang gulat si Vance sa amin. Kung may emosyon man na makita pa kay Vance.

"What? I'm curious, too," sagot naman niya, and we both face palmed.

"Now na nakikita ka na nila... anong plano mo para hindi mahalata?" Tanong ko, and then he smirked.

"Syempre, that one is all set," sabi ni Vance, at naglakad patungo kila Romaine.

Nang nakarating na si Vance sa kanila at ang lahat ng atensyon ay nasa kanila na, umalis na kami ng patakbo ni Tavi, at hindi alam kung saan pupunta.

Naisipan ko naman na gutom na ako kaya ay nagpunta kami sa café. As usual. Masaya palang maging friend si Tavi. Hahaha.

Nang nakarating na kami sa café ay nag-order si Tavi ng food namin, habang tinitignan ko naman ang pictures sa camera niya.

Pictures ni Romaine and Harvee. Ni Maree habang sinasabunutan ako. At...

SANDAMAKMAK NA STOLEN PICTURES NI GABRIELLE?!

Tumawa naman ako ng malakas dahilan para mapabilis ang pagkuha niya sa order namin at tumakbo papunta sa akin. Nang mailapag na niya ang tray ay inagaw niya sa akin ang camera.

"Axi, ah? Walang magsasalita! Ang photogenic niya kasi," sabi ni Tavi, habang tinitignan ang mga pictures na kinuhanan niya.

Kinain ko na 'yung ice cream ko, habang natatawa tawa pa sa nakakunot na si Tavi. Nagulat naman ako nang may biglang kamay na lumitaw sa balikat ni Tavi. Sabay pa kaming nagulat.

Lumitaw ang tawang tawa na si Ethan habang nasa likod niya ang nangingiti at umiiling na si Gabrielle. Kailan naging close 'to?

"Close kayo?" Biglang tanong ni Ethan, at tumabi kay Tavi. Nasa seats kami na maraming upuan kasi wala nang table for two.

"Bakit, close kayo?" Balik ko naman kay Ethan, gesturing to Gabrielle na umupo naman sa tabi ko.

"Oo, Bakit?" Sabi niya, crossing his arms.

"Oo, Bakit?" Sabi ko din, at kumunot ang noo niya.

"Anong oo, Bakit?" Tanong niya sa akin, and I rolled my eyes before answering.

"Tinanong mo ako kung close kami ni Tavi. Edi close din kami kung close kayo ni Gabrielle," sabi ko, at umiling naman ang dalawang second years. Gagraduate na sila ng high school this year. Hayyy.

"Fine." Sabi niya, at sumubo ng mozzarella sticks.

"That's disgusting. Cheese tastes disgusting," sabi ko, at bigla namang lumaki ang mga mata niya at tumayo.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon