delcroix heirs' academy ✔️ chapter ninety three

68 4 0
                                    

theia celestine greene.

I finally landed at nasa isa sa mga homes na namin ako dito sa States. Hindi maalis sa utak ko yung kung ano na kaya ang nangyayari sa mga kaibigan ko. Gusto ko silang tawagan, kaso my dad confiscated my phone and bought me a new one so I kind of didn't have any contact with them na. Nasa kwarto lang ako while the maids here are downstairs and keep on cleaning and cleaning like there is something that should even be cleaned. Hindi ko na alam kung ano pa bang gagawin ko para makatulong sa mga kaibigan ko.

"I haven't even told my friends that I'm moving away, and it frustrates me," I said, talking to the cold wind whispering comforting words to me.

I looked out the window, dahil wala akong balcony sa room ko dito. The city lights are lit up at may mga neon lights pang tumatakas sa isang building. Naririnig ko din ang mga busina ng mga sasakyang maaaring pauwi. They're getting back homewards, and I am thinking... what does it feel like to know that even if you're tired all day, you know that you're still gonna go back home? I don't even know anymore.

I sighed, at inisip ang mga kaganapan sa Pilipinas.

Akira was kidnapped, and Gabrielle was, too. Lately, we haven't hung out properly na walang masamang nangyayari, kaya naman mas masakit para sa akin na iwan yung mga friends ko. Gabrielle, especially, since we have been friends for as long as I can remember. At kahit na nung Interhigh lang kami nagkakilala ni Akira, we still have that kind of connection as if we have known each other for years. I've known Ymir, but I don't even know how Akira, Kuya Lexus and I didn't cross paths. Maybe dahil galang pusa si Ymir at nagkakilala lang kami dahil lagi niyang pinupuntahan si Krill na lagi namang nagpupunta kila Romaine.

And then there's Romaine. Antagal na naming magkakaibigan, pero ngayon lang kami talagang nahiwalay na ganito. I don't even know how she would feel if she found out that I was gone at wala na akong magagawa para macontact sila. Umalis ako na hindi pa tuluyang nagbabalik yung friendships namin. Sabihin man na maayos na nga kami, pero parang ramdam ko pa din na may lamat na yung samahan namin dahil medyo dumidistansya siya.

Aly and Louise are always together, at kapag nakakasama ko sila ay medyo hindi ako nakakarelate pero I still miss the, kasi kapag bored ako at walang maisip na matino ay nandyan naman sila para pasayahin ako kahit na hindi kami ganun na kaclose. And then there's Maree and Lili na nagsisilbing mga all girl members namin. Sila yung maaasahan sa mga girl things at lagi silang handa na tumulong without even asking them to do it.

Tapos yung Black Reapers. Kakaayos lang ng away nila. Kakaayos lang ng misunderstanding nila pero heto nanaman at sinusubukan ang friendship nila dahil sa mga pangyayari at dahil kay Raigne. Hindi ko alam kung paano ba nangyari na matibay pa din ang samahan nila sa  kabila ng lahat. Siguro iniisip nila ngayon ang mga dapat nilang gawin para mabawi sila Akira. And I can't even do anything to help them.

Yung Rakuzen Boys, sila Krill, Bastille, Ymir and Leone. Nakaaway man sila dati nila Vance, I'm pretty sure that they are sincere sa pagtulong nila sa amin. Para bang unintentional na nagkaroon ng tight bond sa pagitan naming mga students ng DHA, RZA at SHA.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko at itinakip ko nalang ang pillow ko sa mukha ko.

I hate this.

✔️✔️✔️
axelle charlotte hudson.

Kinabukasan after everyone talked about what was happening, nagkita kita ulit kaming lahat para pag-usapan na kung ano ang aksyon na gagawin namin laban kay Raigne. Lagi lang tahimik si Romaine kahit na kaibigan niya yung nakakalaban namin and we do not even know why. Kahit si Ethan na may karanasan na kasama si Raigne, parang hindi alam ang gagawin. But still, we haven't talked with each other kahit na ayos ayos na ang lahat.

Nandito kaming lahat ngayon sa bahay nila Lili, pero hindi namin kasama si Ymir. Sinabi sa amin ni Lexus na uminom daw yun kagabi at naabutan niya kaninang umaga na nakahiga nalang sa may couch nila at may mga bote ng liquor. Lahat kami nandito bukod na lamang kina Theia at Ymir. Nalaman na ng lahat kung anong nangyari kay Theia dahil sinabi namin. Para bang nay tension sa ere kaya walang makapag-usap ng matino. Isa pa, umalis saglit sina Vance at Shay, at hindi namin alam kung saan sila magpupunta.

"Ano bang magandang plano para makuha na natin sila?" tanong ni Krill, at tinignan kaming lahat. "Kapag ako hindi nakapagpigil, gugulpihin ko talaga yung batang yun."

"Langya ka, Krill. Kalma, para namang may magagawa yang init ng ulo mo," sabi ni Bastille, at nagroll ng eyes.

"Nagsasuggest lang naman ako. Masama ba?" sabi niya, at nagcough naman si Leo para kunin ang attention ng lahat.

"May suggestion daw si Ethan," sabi niya at lahat naman kami napatingin kay Ethan para pakinggan siya.

Para pa siyang nahiya nang tumingin lahat sa kanya dahil sinapak niya sa braso si Leo na himias lang ito dahil sa sakit. He cleared his throat, at biglang nagseryoso ang hitsura.

"So, Vance and I talked last night. We have helicopters. And I'm planning on involving our private police now dahil baka kung ano pa ang magawa ni Raigne sa kanila," sabi niya, at kinamot ang ulo. "Pero hindi naman pwede na lahat tayo ay pupunta dun."

Bigla naman na napaisip kaming lahat, dahil maaari ngang kailangan na namin na isali ang private police nila. We are getting played by Raigne like chess pieces, at para bang nagpapakain kami lahat sa kanya. Siguro ito yung gusto niyang gawin namin. Maguluhan at sumunod sa mga utos niya buhat ng takot.

"You're right, but we'd have to send in our best athletes. Since alam niyo na. Si Raigne ang kalaban," sabi ni Louise, at tumango naman sila.

Tumingin ako kay Romaine, at nakitang medyo nagkunot ang noo niya na parang ayaw niya yung narinig niya. Kumuyom ang mga kamao niya, at lahat na yata kami ay napansin yun.

"Sasama ka, Romaine," sabi ni Ethan, at agad naman itong umiling ng umiling. She was leaning on the wall, at tumayo siya ng matino then hinarap si Ethan.

"I can't. I won't. I don't wanna face that little demon girl. Alam niyang paglaruan ang mga tao, kahit na ako pa. Hindi io siya kayang pigilan. Nasubukan ko na dati," sabi ni Romaine, at tumayo din ng maayos si Ethan.

"Kilala mo ang kilos ni Raigne. Kilala ko din, kaya magtulungan tayo. Hindi natin matatalo yun, kung hindi natin siya maiisahan," sabi ni Ethan, at nagagree naman kami.

"Basta. Iba si Raigne sa inaakala niyo. Ibang iba ang Beauregard sa isa pang Beauregard. Baka mas matrigger lang ang utak niya kapag sinama ako. Isama niyo si Vance, ikaw, at si Shin," sabi niya, at inexcuse ang sarili.

Umalis naman siya, at hinayaan nalang nila Ethan. Sa pagalis niya ay nakabuo na kami ng plano. Lalo na nung dumating sina Vance at Shay, pansin kong parang umiyak si Shay pero hindi ko pinansin. Parang may kakaiba.

"So, here's the final plan. Bukas, first thing in the morning, susugurin natin si Raigne sa warehouse niya, with the helicopters. Sa isa si Vance, na aalalay at magbibigay din ng plans. Ako sa isa, and I will lead the attack. Kakalabanin namin si Raigne. Si Shin sa isa, at siya ang kukuha kila Gabrielle. The other guys, sa isa kayong sasakyan. Enter when we signal you. Tavi, take footages and evidences na maaaring useful. Girls, stay here. Romaine, sasama ka. Ayaw at gusto mo. Sumama ka sa mga ungas na mga yan. For Akira and Gabrielle. It's now or never." sabi ni Ethan.

Oh god.

✔️✔️✔️
author's note:
tbh, I don't know how to express the events in words kaya nahihirapan ako. para bang nawawalan ako ng motivation. seyb mi. just kidding, dont. ewan ko ba.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon