delcroix heirs' academy ✔ chapter thirty six

137 8 47
                                    

vance keith mccartney.

Umaga pa din, and at last nakita na namin na mas madaming tao sa Delcroix. But still, masyado pa ding malaki dito.

I scoffed, after seeing some girls looking at me, and then I looked away. I turned the volume of my music higher, getting lost in Brendon Urie's voice. Nakakasuya sila.

"Okay, now that everyone is silent, we will be announcing the games for today," Louise announced, and then everyone went more silent.

Who would have thought that these brats would get the chance to be silent? Tss.

Lumingon ako, at nakita ko si Krill sa kabilang side— nakaarrange kami by school sa open grounds— na katabi sila Ymir. Psh.

Katabi ko si Ethan ngayon, dahil nga naghohost din si Leo sa harap. Siya ang lagi kong kasama, kaya for now... si Ethan muna.

"Ang tagal naman. Nangangati na akong magcrush ng mga RZA at SHA," sabi ni Ethan, at binatukan ko naman siya. "Aray."

"Magsasalita na si Leo. Tumahimik ka muna. Nasan na ba si Octavian?" Sabi ko, at tumingin naman siya sa akin.

"Hospital." Sagot ni Ethan, at binatukan ko nanaman. Hindi ko naman siya tinatanong.

"Hindi kita tinatanong," sabi ko, and he pouted like a kid.

Nanahimik na muna kami, at nagkatinginan kami ni Leo mula sa harap. He smirked at me, while running his hand through his hair, causing some girls to squeal.

"Alright. Let's start the first day with... the presentation of school cheers and yells. Then the running events, meaning the 1 kilometer run, and the 500 meter run. And then the javelin throw. Tapos ay high jump and long jump. And then chess. The time will be on the screens na nasa walls. Thank you everyone, and please enjoy," sabi ni Leo, bowing with Louise.

Bigla namang nagcheer 'yung mga students, while I just rolled my eyes. Nasa harapan ko si Romaine at Harvee, and he was messing with her.

Tch. Hindi man lang pinansin 'yung mga babaeng nagfafangirl. Whatever that word is.

Nagpunta naman kami sa female football field, since dun magaganap ang cheer leading.

Ang Delcroix kasi ang nagsteal ng overall championship reign sa Rakuzen last year. Kaya naman, kami ang host ng Sports Interhigh this year. So, para sa mga games na dapat dalawahan lang ang magkalaban, makakalaban kami ng kung sino man ang nanalo sa RZA or SHA.

Nakaupo na ang lahat, at andun naman na sa harapan ang mga contestants.

Psh. Nandun pa si Maree Anderson. Brat.

Nauna ang Rakuzen, kaya nanood na kami.

"Brown Grizzlies, where are you?" Sigaw nung naglelead, at nag position naman sila.

"Right here, over here, stealing the trophy. Here, over here, stealing the crown!"

"Grizzlies, grizzlies, roooar! Grizzlies, grizzlies, roaaaaar!"

"We are Raaaaaa... we are Raaaaaa... kuuuuu... zen! G-R-I-ZZ-L-I-E-S! We are, the best!"

Nagpalakpakan naman 'yung mga tao, and then nagpunta naman sa side 'yung mga nakabrown and beige pati 'yung mascot nilang grizzly bear.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon