delcroix heirs' academy ✔️ chapter one hundred eight

68 2 1
                                        

ymir xix zin.

Ang ganda talaga ng sikat ng araw kahit na magdedecember na. Kaya naman nga nandito kami ng mga lalaki sa isang beach, kung saan mas masarap ang init ng araw sa balat. Kung saan pa kami nagsidaan nila Krill kanina dahil kami daw ang nagyaya kami daw ang gumastos ng mga gagamitin namin.

Pumayag nalang ako, may mall naman kami, eh.

Nakauniform pa din kaming lahat, dahil nagsisilatag palang sila ng kung ano at nagtatayo nung grill. Friday ngayon. At Sabado na bukas, halata naman. Tsk. Iba talaga kapag gwapo mag isip.

Hindi nakatulong na nakauniform pa kami ang pagpunta namin dito kasi naman, pinagtitinginan kami nung mga ibang babae dito na kaage lang naman namin.

Ako yung nagtatayo ng grill at si Tavi naman yung nagaano ng mga iihaw namin mamaya na barbecue and such. Wala naman kaming pakialam kung marumihan yung mga uniform namin kasi... ewan. kasi gwapo ako. Tama! Yun yon, eh.

"Ymir, hindi ka ba naiilang dun sa mga babae?" Tavi asked, at tumawa nalang ako.

"Nah, I'm used to it, habulin kaya ako." sabi ko, at napasapo naman siya sa noo while tumatawa.

"Iba ka talaga, para kang si Leo. Maharot," sabi ni Tavi, kaya naman tumawa ako at nakipagfist bump kay Leo na nasa likuran ko kang.

"Wala kang kampi dito, Tavi, parehas kaming gwapo," sabi ni Leo at tumawa kami. "Loyal pa."

"Bakit ako? Loyal naman ako. Gwapo din ako. Tsk. Pero hindi ako haliparot," sabi ni Tavi, kaya naman tinawanan namin siya. "Kayo lang yata nagkakaintindihan dito."

Nagkakamot siya ng ulo na binigay sa akin yung mga hawak niya at ibinaba ko yun. Tumatawa pa kami ni Leo nung marinig kong nagsigawan naman na yung mga babae dito sa tabi ng pwesto namin.

Huh? Wala naman akong ginagawa, ah? Ay, ganun nga pala ako kagwapo!

"Kyahhh, ang gwapo nung blonde!"

"Oh my god, tignan mo yung isa! Taga-Shinzen niya mag-isa! Ang hot!"

"Crush ko yung college preparatory ng Rakuzen."

"Mas gwapo yung College Preparatory ng Delcroix."

"no, yung curly na matangkad ng delcroix. pati yung curly na mas maliit."

"no, mas gwapo yung fiery hair sa delcroix, yung kasama nung blonde,"

"mas gwapo yung red hair at yung dalawa niyang kasama. yung brown hair tsaka pure blackhair,"

"yung may camera talaga yung pinakaattractive,"

Nagkatinginan naman kami ni Leo, at pareho ang pumasok sa isipan. Grabe.

"Sabi ko na nga ba, ang gwapo natin," sabi ni Leo, at tumawa ako habang tumatango.

Sasagot palang sana ako kaso biglang nagpunta si Leone dito at nagbibigay na ng shorts sa amin. Wala naman kaming kaartehan sa katawan kaya naman pwede din kaming magbihis dito. Ipapatong lang naman yung shorts after tanggalin ang uniform.

"Magbihis na kayo. Let's get it on," sabi ni Leone, at ngumisi pa.

"Aba, may pa ngisi ngisi ka ngayon, Honesto, ah?" sabi ko, at lumapit naman si Leo.

"Paano naging Honesto?" tanong niya, at tumawa naman ako kaso tinakpan na ni Leone yung bibig ko kaya naman dinilaan ko yung palad niya.

"Yuck! Akala mo naman nag eenjoy ako sa dila mo. Kadiri ka," sabi ni Leone, at pinunasan pa yung palad niya.

Nagumpisa na kaming lahat na magpalit kaya naman nung natapos na kaming lahat na makapagpalit ay naririnig ko pa din yung mga babae. Grabe talaga. Ibang klase na yung kagwapuhan ko. Kung hindi lang ako loyal,baka nilapitan ko na sila. Kaso mas may class and style si Lili kesa sa mga babaeng yan.

Halata naman na sa panget na private school lang sila nagaaral, kasi yung ugali nila. Pwede namang sa sarili nalang nila or bulungan nalang sila, hindi yung ipapaalam pa nila sa buong mundo na pinagpapantasyahan nila kami.

"Tavi! Picture-an mo kaming lahat!" sabi ni Ethan, sabay takbo sa tubig at nagtampisaw.

Sumunod naman na kaming lahat sa tubig at nagsilaruan na din.

Basang basa na yung buhok ko at bumabagsak kaya naman sinusuklay ko ito paurong. Tawa pa sila ng tawa dito pero ako hindi ako matahimik. Ano kayang ginagawa ni Lili ngayon?

Nakaramdam naman ako ng kamay sa balikat ko, kaya naman lumingon agad ako, pero nakita kong si Harrison lang pala yun.

"Kalungkot mo naman, Mir?" tanong niya, at nginitian ko naman siya ng malawak.

"Wala lang!" sabi ko,sabay basa sa kanya ng tubig dahilan para lumangoy ako palayo at sundan niya ako.

Unti unti na ang pag andar ng mga oras, kaya ang ganda din ng araw. Ngayon lang siguro kami makakapag enjoy ulit dahil walang masamang nangyari.

Lahat kami nagsasaya, at pati si Shin na normal na walang pakiramdam ay tumatawa dahil sa pinaggagawa ni Lexus. Close talaga sila ng kapatid ko, eh.

Nilibot ko naman yung paningin ko sa kanilang lahat para maalala ko naman ang alaala na to hanggang sa pagtanda namin.

Si Ethan, kung saan saan na siyang naglalangoy, at nanghihila pa ng mga paa at tawa ng tawa. Si Leo, kumakain ng banana dun sa may lupa kasi nagugutom na daw siya. Si Vance, nakaupo din sa may buhangin kasama ni Leo pero pinagmamasdan lang niya yung paglubog ng araw. Si Tavi naman, kumukuha ng mga pictures at halatang nagsasaya siya dahil dun.

Si Krill naman, nagbabasaan sila nila Bastille, Leone, Shin, Lexus at Harrison. Sinukuan na ako ni Harris! Kawawa naman ako. Haaay.

Tuluyan nang dumilim kaya naman nagpunta na kami sa may grills at nag ihaw ng mga kakainin namin. Si Tavi yung nagpapaypay ng iniihaw namin samantalang si Shin naman yung nagbabaliktad ng mga iniihaw para hindi masunog.

Ang ganda sa pakiramdam. Yung dati kayong magkakaribal, ngayon magkakaibigan na kayo na nakukuha pang magsasama sama ng ganito kahit na may pasok para lang makasama ang isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam na walang problema.

Sana ganito nalang lagi.

Bigla naman akong kinaladkad ni Krill, kaya napilitan ako na tumayo. Tumawa tawa pa siya kasi tinatamad ako, at binigyan naman niya ako ng pagkain kaya okay na ako.

"Let's all take a picture together, na," sabi ni Tavi, at sinet up naman na niya yung tripod niya.

May kinatikot siya sa camera, tapos nagpose na kami ng kung ano ano. Tumakbo si Tavi papunta sa amin, tapos nagwacky shots kami.

Napuno yung dilim ng tawanan at asaran namin, at alam ko na sa sarili ko na isang araw to na hinding hindi ko malilimutan.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon