delcroix heirs' academy ✔ chapter eight

262 11 5
                                    

vance keith mccartney.

We were walking down the hallways of Delcroix after school hours, pero wala pa kaming balak na umuwi.

May pupuntahan pa kami.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Tavi, at tumingin naman kami kay Ethan.

Siya ang may pakana neto, eh. He was the one who told us na huwag na munang umuwi. I should've been home right now pero para sa bansot na 'to ay mamaya pa ako uuwi. Nakapagpaalam na rin naman na kami sa parents namin.

"'Yun ba? May susugurin tayo sa Rakuzen," sabi ni Ethan, at biglang tumawa siya.

Rakuzen? Rival school ng Delcroix? Siraulo na si Ethan Karl Carrose.

I then shook my head, at hinayaang magsalita si Tavi at Leo.

Kaninang nasa café ay nag-usap kami ni Leo. Kinuwento niya sa akin na ang dami daw na nagbigay sa kanya ng love letters kaninang umaga.

Heartthrob kasi si bampira. Anak pa ng current na may ari ng Delcroix. Alam namin na dashing kami kaya hindi na dapat pang isali 'yun. Pinapansin niya pa ang mga fan girls niya. Kaya ayun, lumalaki at lumalaki sila.

At mas naiinis ako.

"Sinong susugurin natin? Anong club? Sinong parents?" Tanong ni Leo, na ang lawak pa ng ngiti.

Si Tavi naman, basta ay nakikinig lang. Parang ako.

"'Yung apat na heartthrobs nila dun. Balita ko kasi, may gusto daw sila kila Gabrielle. Hindi natin dapat na hayaan na mabahiran ng dugong Rakuzen ang apat na role models ng mga babae sa Delcroix!" Sabi ni Ethan, at tumawa naman si Tavi.

Si Leo naman, umaapoy na ang mga mata. At ako? Anong pakialam ko? Pero bigla kong naalala si Theia kanina.

Isang hardworking at ideal na babae tulad niya. Isang dugong Rakuzen. Never.

Ang pangit. Nakakasuya.

✔✔✔
apollo octavian solace.

Nang marinig ko na susugurin daw namin 'yung mga lalaki na taga-Rakuzen, natawa nalang ako.

Ang tapang naman ni Tamad! Hahahaha.

Si Leo, mukhang determinadong manapak ng taga-Rakuzen at si Vance naman ay wala pa ring emosyon na makikita, bukod sa maliit na pagkunot ng kanyang noo na maaaring hindi niya sinasadya na ipakita.

Laging ganito si Vance kapag hindi niya trip o ayaw lang talaga niyang makipag-usap. Oo, sasakay din siya sa trip namin, pero siya talaga ang pinakaseryoso sa aming lahat.

Si Leo naman ang makulit sa amin, at marami namang nagkakagusto sa kanya dahil ineentertain niya ang mga admirers niya.

Si Ethan naman 'yung tamad. Or wala lang talagang gana na gumawa ng kung ano. Pero nakikita ko sa mga mata niya na kaya siya ganoon ay dahil mayroon siyang problema.

Sabi naman ng iba, I was this guy in our group na observant at responsible. They say that I see the beauty in everything, and I keep them by capturing the scene. Nakakaflatter naman, kaya ayaw kong iniisip.

Nahihiya kasi ako kapag may nagsasabi ng mabuti tungkol sa akin. Maybe it was a natural response for me, kahit na maraming nagcocompliment sa akin magmula pa lang nung bata ako. Ibahin mo pa na super models sila mommy and daddy and they want me to be the same.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon