delcroix heirs' academy ✔️ chapter one hundred three

62 3 0
                                    

romaine severine beauregard.

Sunday kaya naman nagyaya kahapon sila Theia na sabay sabay kaming magsimba lahat na mga girls. Pumayag naman kami kaya ngayon ay nasa labas na kami ng simbahan dahil tapos na. Pakiramdam ko tuloy, ang banal ko ngayon. Gusto kong magdasal na mabawasan ang kabalbalan ng mga kaibigan ko, at sana rin na maging safe naman na ang event sa festival. Lalo na at ibat ibang school ang venue. Mahirap dahil magkakalayo kami.

"Romaine!" tawag ng isang boses, kaya naman nagulat ako at nilungon kung sino yun.

"Harrison! Buti hindi ka nasunog?" pang-aasar ko at nagtawanan naman kami. Lumabas si Harley kaya naman binati ko din at nagpaalam muna kila Theia.

"Buti nga ikaw ang hindi nasunog. Beauregard ka, oh. Balbal ang lahi mo," sabi niya, at nakipagfist bump muna ako kay Harley bago ako nagbalik ng atensyon kay Harrison.

"Oh, ganon?" sarkastiko kong sabi, at tumawa naman siya.

"Oh, sige na nga. Pumunta ka na dun," sabi niya, kaya naman tumango nalang ako. "TEKA PALA!"

"Oh, bakit?" tanong ko, at ngumiti naman siya sa akin na parang may masamang plano.

"Number nga ni Arianne?" sabi niya, at tumawa ako habang pinapalo siya.

"I'll message it to you later," sabi ko, at iniwan na siya matapos na magpaalam na kay Harley.

Pinuntahan ko naman na sila theia, at nag-aabang na pala sila sa akin.

Pumunta na kami sa may van na ginamit namin, at ako ang nagdrive. Van to sa bahay, eh, pero kinuha ko nalang wala namang gumagamit.

Nung nakapasok na silang lahat at naready ko na yung van, tinignan ko sila sa mirror.

"Saan ba tayo pupunta?" I asked, at nagisip naman sila. Pakiramdam ko talaga ang boring ng araw na to.

"Jollibee?" sabi ni Theia, at umangal naman yung iba.

"Sa McDonald's nalang!" sabi ni Axelle, at nagkatinginan naman sila ni Theia.

"Nope. Wendy's!" sabi ni Maree, at mas nag ingay naman sila.

"Bakit di nalang sa restaurant nila Akira? Yung nasa mall?" Sabi ni Aly, kaya naman nginitian ko siya at nagsimula nang magprotesta ang mga kasama namin.

"Okay, dun nalang tayo!" Sabi ko, at nagsitilian sila kaya naman natawa kami ni Aly.

"Biased ka! Favourite mo lang kasi si Aly!" Sabi ni Maree, at tinawanan ko naman siya.

"Bakit? Eh, namiss ko tong batang to, eh. Umalis ba naman kasi. Syempre I'll approve of her request," sabi ko at naggiveup naman na sila. "Tsaka kakabalik lang niya. Bakit ka pala hindi pumapasok?"

Huminga ng malalim si Aly, kaya naman naghintay pa din ako. Nasa likod lang naman siya ng drivers seat kaya malapit lang siya sa akin. Nagpapaandar na ako ng sasakyan kaya nanahimik na ang iba pang nandito. Kumpleto kasi kaming mga babae, kahit si Arianne nandito. Nasa passenger seat, at nakatulog na agad. 

Hinintay ko pa din ang sagot ni Aly, kaso hindi ko na yun natanggap dahil nakatulog na pala siya at katabi niya pa si Louise. 

Nginitian naman ako ni Louise, kaya naman naisip ko na masyado sigurong personal kung aalamin ko pa.

"She's been through a lot these past few days, Romaine. Wag mo nalang isipin. O kaya pakitanong nalang si Shin kasi kay Shin daw niya unang sinabi. I'm sure Aly won't mind kasi hinahanap ka din niya nung bago siya hindi pumasok." Sabi ni Louise, kaya naman tumango nalang ako.



Pagkatapos naming lahat kumain ay naisipan na naming magsiuwian, kaso nga lang ay nakasalubong namin si Harrison nanaman kaya napasapo na ako ng noo ko.

Nagbigay pa siya ng nakakasilaw na ngiti kaya naman halos lumuwa na ang mga mata ko. Parang alam ko na ang ipinunta niya ngayon. 

"Oh, hi, girls," sabi ni Harrison, at nginitian ko siya ng sarkastiko which caused him to chuckle.

"Hi!" Bati ni Maree at Lili, at nagsimpleng hello naman silang lahat bukod kay Arianne na nag iiwas ng tingin. 

"Girls, can I go na? Ymir is looking for me. Sure ako kasama niya si Hebe ngayon! Huhulihin ko siya," sabi ni Lili, kaya naman pumayag nalang kami. 

"Paano mo nalalaman kung sino yung mga babae ni Ymir?" Tanong ni Gabrielle. Tinuro naman ni Lili si Akira with her thumb at nagngisian sila. 

Natawa naman ako kay Akira, at nilipat ang tingin sa mga kasama ko. Pansin kong tahimik si Aly, kaya naman pinuntahan ko muna siya at nakitang hiniram ni Harrison si Arianne.

Pinunta ko si Aly sa may dunkin donuts dito, at bumili ng food namin tsaka ako umupo. 

Pinagmamasdan ko lang siya kaso parang nabobored siya.

"Aly? Is something wrong?" Tanong ko, at huminga siya ng malalim bago lumingon sa ibang direksyon at tumango. "What happened?" 

"Family. Yung... Mommy ni Shin. She came back and is asking for my kuya Shin back kaya naman nababahala ako. Daddy seems to agree na sumama si Kuya pabalik sa Japan," sabi ni Aly, at tumingin siya sa kamay niya na nasa lap niya pa. Napansin ko naman ang mga tulo ng luha sa pisngi niya kaya naman lumapit ako sa kanya at pinunasan yun.

"You mean to say that Tita Alana isn't Shin's mom?" I asked, at tumango siya. Nagumpisa na siyang magsob kaya naman ay niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ang pagyakap niya rin sa akin. 

"No, Romaine. No. Never. Shin is my older brother. Dahil kay dad. We have different moms. Sometimes i just wish na hindi niya nanay yung demonyang yun. Tita Keira always called me and Kuya Shin rude names, pero kapag kaharap na si daddy ay hindi niya yun gagawin," sabi ni Aly, at napasimangot ako.

"Who the fuck does she think she is?" I asked, at nanahimik na sa kakaiyak si Aly.

"It's really complicated. Daddy is married to my mum because they are in an arranged marriage, but he loved Tita Keira first. Until he loved my mum na din. Tita Keira always visits kasi she's my mum's sister. It's so complicated that's why I just want to get ay from here. Tita Keira is too mean. Maybe she's laying her anger out on us kasi daddy chose my mum over here nung ten years old kami ni Kuya Shin. She got mad," sabi ni Aly, and I didn't know what to say. 


I'm asking myself, bakit si Aly pa ang nakaranas nito? Bigla naman akong pumikit at nagdasal nalang. Hindi ako nagdadasal pero mukhang napalambot ang puso ko dahil I found myself praying to god that he should take out the problem between Aly and her Tita Keira, kahit na ako nalang ang magkaproblema. 

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon