louise miller.
Midterms na! Dearest gods, hindi ko alam paano ako makakasurvive! Urgh! Problema ko lang naman kasi yung science namin, eh. Huhu. Isinumpa ni Satanas. Wala kasi akong pakialam sa mga bonds. Andaming echos.
Kung siguro kaklase ko lang si Aly, baka nakaperfect na ako nyan sa Midterms! Isang oras nalang at mag-uumpisa na yung Midterms, at naiinis ako kasi unang una pa yung science.
Mas masaya pa ang Mathematics! It's my favourite subject, kaya walang pakialamanan.
Nagulat naman ako nang biglang may tao sa harapan ko dahil nasa gates pa ako ng Delcroix. Ewan ko ba! Kahapon ang midterms ng Rakuzen, ngayon ang Delcroix at bukas naman ang sa Shinzen. Sana talaga sa Shinzen nalang ako nag-aral!
"Is Theia there, miss?" Tanong nung lalaki, at nagulat naman ako kasi pamilyar yung boses niya. May kasama siya at nakikita ko ito sa peripheral vision ko pero hindi ko talaga sila tinitignan ng diretso. Ayaw kong mautusan! Hmmp!
"Uy, nandyan ba si Theia? Whoever you are?" Tanong nung kasama niya, kaya naman nainis ako at tinignan kung sino yun. Nagulat naman ako nang makita ko kung sino yun.
"Leone?" Tanong ko, at ngumiti naman siya ng malawak sa akin na parang bata.
"Pinansin mo din ako! Ikaw kasi. Hahanapin ko lang naman si Theia, eh." Sabi niya, kaya napakamot nalang ako ng ulo. Tinatamad sana ako na hanapin kaso si Leone to at tinulungan niya kami nung camp.
"Hoy, Leone. Ipakilala mo ako!" Sigaw nung kasama niya, which caused him to roll his eyes at the guy. Pula pa talaga ang buhok, ah? Pero familiar siya.
"Ayoko nga. Pakialam ko sayong bomba ka? Mamaya magagalit ka nanaman sakin eh." Sabi niya, and I chuckled.
"I'm Louise Miller. It's a pleasure to meet you..." sabi ko, at tinignan ang name plate niya na nakakabit sa pang itaas niyang uniform. May pagkabobo din pala si kuya. May name plate din naman ako. "Krill Jairell Vertes."
"She knows me!" Sabi ni Krill, and I facepalmed.
"Tanga ba siya o sadyang tanga lang?" Tanong ko kay Leone, at nagpout naman si Krill dahilan para hilahin ni Leone ang nguso neto.
"Aray ko!" Sabi ni Krill, at tinawanan naman siya ni Leone.
"Mukha ka kasing tanga," Sabi ni Leone. "Nasaan pala yung kasama mo? Si Aly ba yun?"
Napakamot naman ako ng ulo because he reminded me of my best friend na siguro nagsasaya pa ngayon kasi bukas pa ang midterms nila. Ilang araw na matapos nung camp pero madami pa din ang di nakamove on dahil naudlot kaya madami ang hindi ready. Dapat kinakansel ang exams eh.
"Sa Shinzen yun nag-aaral. Hindi lang halata kasi lagi akong pinupuntahan dito. Anyway—" Sabi ko, kaso may biglang yumakap sa akin. Sa higpit palang, alam ko nang si Aly to. "At nandito na nga siya."
Leone chuckled, at napansin kong natahimik si Krill at tinitignan nang masama si Aly. Hala?
"Hoy, Ikaw yung babaeng nagtrespassing sa Rakuzen, di ba?" Tanong ni Krill at napatingin naman ako kay Aly.
Anong ginawa nanaman niya? Tsk. Iba talaga si Aly. Hindi na ako magugulat kung mamaya magrarant nanaman siya sa akin.
"Ikaw yung masungit na may anger issues, di ba? And you're friends with Romaine!" Sabi ni Aly, na ikinagulat ko. Friends sila ni Romaine?
Nawawala na ako sa usapan at nawawala na din yung pinunta nila dito kaya naman nilapitan ko nalang si Leone para kami naman ang mag-usap.
"Wag kang magugulat, ah? Crush ni Krill si Aly." Bulong ni Leone, kaya naman nanlaki yung mata ko.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Roman pour Adolescents[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...