ymir xix zin.
Tapos na yung date namin kanina, at parang di mapakali si Lili kaya naman kuya ko nalang yung kinakausap ko. Nasa loob pa din ako ng kotse ngayon at nagdadrive dahil wala talaga akong magawa sa buhay. Magnanine o'clock na ng gabi pero sadyang nakakaboring talaga.
May hawak akong malaking bag ng Lay's ngayon, because it's my favorite at wala na kayo dun. Andilim sana dito sa road kaso may mga city lights. I don't even wanna go home yet kahit na alam kong magtatransform nanaman si Lexus bilang parang bunso to tatay-tatayan.
Naisipan kong tawagan si Krill, kaso baka bulyawan lang ako nung gago. Si Bastille, kaso baka supladuhan lang ako. Si Leone, kaso baka real talkin lang ako at mabawasan pa ang dangal ko. Si Akira kaso baka mamaya patayin ako ng batang yun. Nakakatakot yun, eh.
Naisipan ko naman na si Romaine nalang dahil siya nalang ang only hope ko sa malungkot at madilim na gabing to. Ay shit, ang poetic. Tsk. Dagdag pogi nanaman yun.
Nagring yung phone niya, and after five rings, may sumagot naman.
"Bakit, flirty asshole?" Tanong niya sa akin, and I chuckled. Si Romaine nga to.
"Do you have anything to do tonight?" Sabi ko, at tumawa naman siya sa kabilang linya.
"Oo. Bakit?" Tanong niya, and I pouted. Kung hindi ko sana naubos ang Lay's ko kanina. Tsk. Pero at least nakakapagdrive naman ako ngayon.
"Tsk. Nakakainis kayo. Lahat kayo may ginagawa. Anong gagawin niyo?" Tanong ko, at ipinarada saglit ang kotse sa may tabi. May epal kasing truck na busina ng busina akala mo hari ng daan.
"Tsk. Mamatay ka pa dyan. Nagdadrive ka no? Punta kaming Gibson's." Sagot nito, at lumiwanag naman ang mukha ko.
"SAMA AKO!" Sigaw ko, at tumingin sa labas ng bintana. Napasigaw naman ako nang may mukha na nakatingin sa akin na may dumi dumi and is that... blood?! "Waaah! Multo! Shit!"
"Si kuya naman. Hindi po ako multo. Mamamalimos lang po," sabi nung mukha, at huminga ako ng malalim and sighed heavily habang nakabusangot.
"Tsk! Nakakainis naman, eh! Tinatakot mo akong bata ka. Anong oras na ng gabi, oh?" Sabi ko, at tumingin naman sa baba yung bata.
"Uy, Ymir. Sige. Mamaya nalang." Sabi ni Romaine, at pinatay yung tawag.
Tinignan ko ulit yung bata na nasa labas, at mangiyak ngiyak ito.
I sighed, and then looked at the passenger seat na kinalalagyan ng leather backpack ko. Tinignan ko naman yung bata at nagsigh ulit ako.
Ano bang ginagawa ko?
"Kuya, sige na oh. Maawa ka naman sa akin. Kahit na limampiso lang. Pambili ko lang ng tinapay po sa may bakery dun oh? Nakaka... nagugutom na po ako eh," sabi nung bata, sabay umiyak naman na siya.
Siguro nasa five or six years old palang siya. I furrowed my brows, at pinigilan ang sarili ko, pero di ko kaya. Wala na akong paki kung marumihan yung kotse ko.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Novela Juvenil[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...