delcroix heirs' academy ✔ chapter twenty eight

142 6 11
                                    

axelle charlotte hudson.

Gabi na, at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero kinilabutan ako nang makita ko ang patay na hamster na pinadala kay Vance.

Pakiramdam ko ay may nagbabanta hindi lamang sa kaniya, kundi sa aming lahat. At paano ding hindi nakita kung sino ang nagpadala nung box?

Nakahiga ako ngayon sa bed ko at tinatry na makatulog, pero wala pa din. Nahihirapan akong makatulog kasi hindi ako matahimik sa mga pangyayari.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, at pinilit na pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Bigla namang may kumalabog bigla sa pinto ng kwarto ko, at may nalaglag at nabasag.

Agad akong napatayo, at nakita ang frame na nabasag. Ang picture namin ni Axen na nakasabit sa tabi ng pinto ko ever since I could remember living in this house.

Basag na. Tinanggal ko naman ang picture, at pinagmasdan ito. Tinignan ko sa likod, at nagulat ako ng makita na may kadugtong pa pala ang picture, pero punit ang sa mukha.

Mas matanda siya sa amin ni Axen. Could it be mum? Hindi, eh. Mas bata siya para sa age ni mum.

Sino siya?

✔✔✔
krill jairell vertes.

Magulo ang isip ko ngayon. Alam kong paranoid ako, pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga katagang iniwan sa akin ni Romaine... or should I say Severine nang huling pag-uusap namin.

Gabi na. August 20. Pero nandito pa din ako sa isang café kasama sila Ymir, Leone, at Bastille.

"Krill, napapano ka? Ilang araw ka nang parang laging may iniisip, ah?" Tanong ni Ymir, at tumingin lang ako sa kanya bago siya nanahimik.

Napag-isipan ko. Ano kayang pakiramdam ng hindi kinatatakutan ng mga kaibigan mo kapag sumama ang tingin mo? 'Yung tatawanan at lolokohin ka pa kapag galit ka na?

Ganun kasi si Severine sa akin dati. Pero naging ganito na ako. At napansin kong ganito na rin si Severine.

"Naaalala niyo 'yung mga nakaaway natin noon sa Delcroix? Makikita nanaman natin sila sa Sports Interhigh next week," sabi ni Leone, at tumingin naman kami sa kanya. Alam namin.

"Ayoko na. Nakita mo ba kung paano 'yung leader nila? Black Reapers ba 'yun?" Sabi ni Bastille, at tumango naman ako.

"Hindi pa siya galit nun nang todo. Warm up palang 'yun," bulong ko naman.

"Warm up?! Ano siya, demonyo?! Sa bagay, bagay naman pala sa kanila ang name na Black Reapers," sabi ni Bastille, at tumango ako.

"Kilala niyo si Romaine Beauregard?" Tanong ni Leone, at bigla namang nakinig 'yung tenga ko kahit na ayaw ko.

"Napano siya? Hindi ba siya 'yung nakakatakot na babae sa Delcroix? Pamatay 'yun, eh. Goalkeeper. Captain ng team niya. Pahirapan makascore ang Rakuzen sa kanya. Kahit na pinakamagaling na player natin sa football," sabi ni Bastille, at napataas ang kilay ko.

'Yun na pala si Severine ngayon.

"Oh, bakit nga siya?" Tanong naman ni Ymir.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon