delcroix heirs' academy ✔ chapter fifty two

89 5 0
                                    

vance keith mccartney.

Nagchicheer ang lahat nang imulat ko ang mga mata ko. Ang ingay naman nila. Porke't iaannounce na ang winner. Wala naman talaga akong pakialam kung sino ang manalo, eh.

Oo, tulog ako, pero I'm still hearing whatever it was na pinagsasasabi ng lahat. I'm only half asleep.

Narinig ko din nga sila Tavi sa may kalapitan habang pinag-uusapan 'yung Lexus. Tch. Si Lexus. Kapatid lang ni Ymir na isa pang siraulo 'yun, eh.

How did I know?

We're friends.

"Oh my God, ayan na! Kahit saglit lang ang Mr. And Ms. Interhigh, nakakathrill pa din!" Rinig kong sigawan ng malanding babae sa kapwa niyang malandi.

Also known as Lili kay Maree. Ewan. Sabihin na nilang harsh ako, pero papahanap ko sa kanila ang pakialam ko. Totoo naman. Kung sino sino nilalandi niyang dalawang 'yan.

"Third runners up! Are you ready?" Tanong nila Louise at Leo, at nagsigawan nanaman ang mga tao sa paligid ko.

Nakakarindi naman sila. Hinarap ko naman ang mga candidates sa harapan. Romaine and Harvee are smiling confidently, pero halata na naiinis na si Romaine sa nangyayari.

Si Harvee naman, ineenjoy niya ang nangyayari. Masyadong loyal sa school 'yung taong 'yun, eh. Basta may pagkakataon na maging representative ng school, gagawin niya.

Sila Theia naman at Ethan, nakangiti rin pero halatang may bahid ng kaba ang mga ngiti nila.

Nilipat ko ang tingin ko sa Rakuzen, at naalala ang pagkakahuli sa akin ni Ymir kanina. Wait, wala pala akong pakialam.

Nasa harapan si Krill with a confident smile across his face na nagsasabing alam niyang mananalo siya. Yung partner naman niya ay mukhang kinakabahan.

Tumingin ako kay Rakuzen. Nakangiti si Akira, pero it's pretty obvious na kinakabahan siya at nevertheless, gusto niyang manalo.

Hindi ko na tinignan 'yung partner niya. Kasi wala akong paki.

Tumingin naman ako sa Shinzen, at nakita 'yung halimaw na Kei Shinzen. Even para sa akin, he's far stronger. Bakit? Anong meron sa kanya?

Nakikita ko sa mga mata niya na peke ang mga emosyon na ipinapakita niya. Hindi siya masaya, hindi rin siya malungkot. Hindi rin siya galit at naiinip. Pero tuwing titingin siya kay Raleign, sa partner niya, nakikita kong may katiting na emosyon na bumabalot sa mga mata niya. I smirked. I'm really thankful for my eyes.

Tinignan ko naman si Raleign, at nakita siyang nakatingin kay Lexus, and I raised my brows. Love triangle? Ang arte ah? Para naman masigurado, baka mamaya ay si Kei ang gusto ng mokong na si Lexus— nagloloko lang ako— tinignan ko si Lexus.

Nakatingin siya dun sa katabi ni Axelle. Teka. May hawig sila. Wait, wala akong paki. Nakatingin naman 'yung babae kay Kei.

Cliché naman nila.

I scoffed, and then paid attention to the announcement of the title holders.

Tinignan ko muna ulit si Akira just to make sure that she won't be breaking down in nervous fits, at ibinaling ko na agad kay Leo ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin. Tsk.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon