This chapter and whole story is dedicated to solaxxlupus Hebe_08 iamvivified TheBlackFantasist and Anna pati na rin si Arianne mah lovessss as well as sa lahat ng sumuporta at sumubaybayyy. I love you, my horcruxessss charrr. Pero love ko nga kayo.
- - - - -
third person.
Ilang minuto nalang. Ilang minuto nalang at gagraduate na ang mga students. Mabuti nalang talaga at sa Elite Trio, magkakasama ang graduation ceremonies, pero magkaiba lang ang colour ng mga toga ng students.
Sa Delcroix ay midnight blue, sa Rakuzen ay brown samantalang sa Shinzen naman ay black. Their schools' main colour.
Banners and designs of Dark blue, sky blue and red, Brown and beige, and Black, white and red are all over the venue, at hindi maiaalis ang pansin sa mga mangiyakngiyak na mga studyante habang yakap yakap ang isa't isa.
Hindi na siguro sila ganun na makakapunta sa kanikanilang high school campus matapos na makagraduate, kaya naman sinusulit na nila ngayon at nililibot ang kanikanilang mga school.
Leo, Tavi, Vance, Gab, Louise, Maree, and Lili were all wearing midnight blue togas, at nostalgic ang pakiramdam dahil magkakasama sama sila na nililibot ang Delcroix. Tumakbo naman papunta sa kanila si Romaine, dahil hindi niya makakalimutan ang Delcroix. She was born and raised Delcroix, kahit na sa Rakuzen siya gagraduate.
"Romaine? Bakit ka tumigil?" tanong ni Gab, dahil nakita si Romaine na tumigil sa pagtakbo papunta sa kanila.
Nakatingin siya sa may football fields ng Delcroix, at hindi napansin ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi nila maintindihan kung bakit ganun nalang ang iyak niya eh halos hindi naman siya nagbibigay ng mga emosyon sa tuwing may mga mangyayari.
Nilapitan siya nila Gab, at nauna na ang mga lalaki dahil pinauna na sila. This was the first time na makikita nilang ang sakit ng iyak ni Romaine, dahil umupo pa siya sa field at sumisigaw. Hindi nila alam kung bakit.
"Romaine, what's the problem?" asked Maree, na kinakabahan. Pakiramdam niya ay naaalala ni Romaine yung pag aaway nila lagi dati, pero hindi yun yon. Romaine had something other than that in her mind.
"Harvee. I saw Harvee. He was wearing the Delcroix toga. He was by the bleachers, but instead of coming towards us, he was walking backwards and waving goodbye at me," sabi ni Romaine, at hindi pa napigilan ang mga luha na nagsibagsakan sa kanyang mga mata.
Nagkatinginan ang mga babae, at iisa lang ang pumasok sa utak nila. It's really hardto lose your best friend, especially because of death. Mas bearable pa na mawalan ka ng kaibigan pero buhay pa siya, kesa naman na mawalan ka ng kaibigan pero si kamatayan ang umagay sayo sa kanya. Masakit. Sobra. Hindi maipaliwanag.
Pumapasok sa isipan ni Romaine ang lahat ng ginawa nila at kung paano nag umpisa ang pagkakaibigan nila dito mismo sa field na ito. Lahat.
"Romaine, please calm down," sabi ni Gab, at niyakap ang kaibigan.
Dahan dahan na huminga ng malalim si Romaine, sabay na nagpunas ng mukha para naman mahimasmasan.
![](https://img.wattpad.com/cover/153685553-288-k747406.jpg)
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...