romaine severine beauregard.
Camp. Nakakatamad. Pinayagan na magkaroon ng personal assistant yung iba. Masyadong maarte. May allergy daw parang wala naman. Tsk.
Kasama ko sa loob ng tent si Akira ngayon dahil wala talaga kaming mapuntahan. Nakikipaglandian si Ymir at Krill at lumalamon naman ng mga pambaklang pagkain si Bastille at Leone.
"Ate Romaine, wala pa ba tayong activity?" Tanong ni Akira sa akin, and I just sighed.
"Wala. Mamaya pang bonfire. Yung mga lalaki may activity mamaya. Also known as babatakin sila." Sabi ko, dahil isa ako sa mga higher ranked dito.
Ganito kasi yun. May pinili na mga high ranked scouts (daw) sa camping, yung mga mas may alam sa survival. And here I am. Nakikita kasi nila ako last year leader sa Delcroix so yeah. Here I am.
I have to fucking take rounds in the grounds. Para maging safe tong mga brats na mga to. Mga Rakuzen pa. Mas kilala ko ang mga Delcroix.
Bigla namang may kumatok sa tent namin ni Akira kaya pinagbuksan niya at tumambad sa akin ang pagmumukha ng isang babae na pamilyar pero hindi naman namin kilala.
I raised a brow at her dahilan para magtense siya at mapasmirk kami ni Akira. Since I went to Rakuzen, napagtitripan namin ang mga students by scaring them. Takot sila kay Akira, eh. Mukha namang inosente pero kapag pinuntahan mo kasi at nilalapitan ipapakita niyan yung pangil niya. Angel with a shotgun.
"What?" We both asked, at medyo parang nahiya yung babae.
"K-Kasi, you're needed, Romaine. The leaders daw. You guys have a meeting." Sabi niya, at nang tumango ako ay bumilis ang kanyang pagtakbo.
Sinundan ko naman kung saan tumakbo yung babae and it led me to a little cabin na meeting place and lugar kung saan matutulog ang ibang kasama from the school na may authority or what.
Nilibot ko naman ang mata ko sa loob ng pinasok naming cabin. It has a woody theme and ang comfortable tignan. Nagsiupuan naman kami sa sofa at tinignan ko kung sino ang mga leaders ng bawat school.
Sa Delcroix they have McCartney, and Wesley. Sa Rakuzen, ako at si Ymir. Sa Shinzen naman ay si Shin at Chen.
Simula nung nagkita kami ng myembro ng Nemesis, naging parang kaibigan ko na rin sila. Alam ko na nandyan sila para sa akin kapag kailangan ko. Because they said so. Now they have my back, and I have their backs.
"So, yeah. I called everyone for a meeting because may duties kayo. Members naman kayo ng Boy Scout. Walang problema. So here's the list of activities at mga duties ng bawat school. Delcroix, in charge kayo sa woods. Magbantay kayo dun at baka mamaya may makukulit na students na naglalakbay at nagtatapang-tapangan. Sa gates at buong camp site kayo, araw at gabi, Rakuzen. Maghati nalang kayo kung sino sa umaga at sino sa gabi. Isama niyo ang Shinzen. After the meeting, gather the guys, Delcroix at magputol ng kahoy for the bonfire tonight." sabi nung nagbabantay sa aming lahat. "Meeting dismissed."
Nagsialisan naman yung mga leaders, at aalis na sana ako kaso may pumigil sa akin.
Lumingon ako at nakita si Shin with a straight face on. As usual sa yelong to.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...