delcroix heirs' academy ✔ chapter one hundred twelve

58 4 2
                                    

maree hale anderson.

When Leo announced that there will be a Yule Ball, agad na niyaya ko ang girls na magshopping na kami with free fashion tips from... yours truly. Mga friends namin dito sa Delcroix, Rakuzen and Shinzen ang kasama ko ngayon, since it's a Saturday na. Hindi rin naman kasi kami pwedeng magshopping nung Monday na in announce yung Yule Ball, kaya ngayong Saturday na namin ginawa ang shopping.

Nasa mall kami ng mga Zin ngayon at kasama ko ang mga girls. Cocktail dresses lang naman daw kaya hindi na kami gaanong nahirapan sa pagpili ng mga dress namin.

"Arianne, mas bagay mo kung green," sabi ko, at tumango naman siya at bumalik sa dressing room.

Ako kasi ang consultant nila, and even Lili treats me as her consultant. Ito din naman ang hobby ko, kaya it doesn't matter.

Sa loob nitong shop ay naghahanap pa din ng kanya kanyang dresses yung ibang girls na either red, white or green. Nakapili na kami ni Lili ng sa amin, kaya naman sa kanila nalang ang iniisip namin.

Lumabas na sa dressing room si Ari at ipinakita ang green na dress niya, kaya naman I grinned at her before giving her a thumbs up.

"Thanks!" Sabi niya, at agad naman na nagpunta sa cashier para sa pagbabayad ng dress niya.

Sumunod si Aly, at ipinakita niya sa akin yung mga napili niyang dress. I shook my head at ipinagpili siya ng bagay na damit para sa kanya.

"Thank you, Ree," Sabi ni Aly, at nginitian ako. I smiled back at her, at nagsunod sunod na sila na pumili ng mga dresses nila and I'm here naman to approve their choices.

Siguro one hour pa ang lumipas bago nakaabot kay Akira and Romaine ang pagpili ng damit. We have a problem. These two don't want to wear dresses daw. They're tired of wearing dresses every event! How can someone be tired of wearing dresses?

"Hala! It's just for one day!" Sabi ko at nagkatinginan naman silang dalawa.

Parang may pagkakasunduan pang naganap, kaya naman paglingon nila sa akin ay akala ko papayag na sila. But they both shook their heads saying no.

"Oh God, last year na natin to, Sev," sabi namin kay Romaine, at nagkamot naman siya ng ulo.

"Can I wear a leather jacket over this, though?" She asked, and I sighed before nodding. She chose a white dress, kaya pwede na din naman.

Si Akira naman, wala na ding nagawa kaya heto kami ngayon at hinihintay siya na lumabas sa dressing room. Siya nalang ang walang dress, eh.

Lumabas naman na siya after Ilang seconds kaya nabaling na ang atensyon namin sa kanya. She went out with a red dress, at agad naman akong nagthumbs up because I think that the dress belonged to her and only her.

"It's so cute! So we can go eat na and go home!" Sabi ni Lili, at sumang-ayon naman sila.

"Gutom na din ako," sabi ni Akira, at nagtawanan naman kami.

"Eh halos lagi ka kayang Gutom," sabi ni Aly at Louise, kaya naman napapalo nalang siya sa noo niya.

"Nanlalaglag kayo." Sabi niya, at nagtawanan naman na kami at nagpunta sa Jollibee dahil wala naman kaming ibang choice kundi sundan si Theia dahil tumakbo na agad siya papunta dun.

Oh god. I never thought I'd have these many friends.

✔✔✔
vance keith mccartney.

Natapos na kaming mga lalaki na mamili ng mga suits and ties namin kaya nakaupo na kami ngayon sa bahay, inside my room. Halos kakauwi lang din namin.

Nakakumpol sila ngayon sa bed ko samantalang nakaupo lang ako dito sa piano bench ko at nagtutugtog ng Fur Elise. Wala na akong ibang maisip na tugtugin at tinugtog nalang naman ang unang unang piece na pumasok sa isipan ko.

"Anong gagawin natin niyan? Next week na ang Yule Ball. Palapit na ng Palapit ang graduation." Sabi ni Leo, at tinignan ko naman sila.

Nakahiga si Tavi at si Leo naman ay nakadapa habang nagphophone. Si Ethan naman, umupo na patayo at iginala ang mga mata.

"Oo nga. Tapos naiiwan ako nun sa DHA ng walang kaibigan. Iiwan niyo na akong mga ungas kayo." Sabi ni Ethan, kaya naman nagtawanan kami dahil ang drama drama niya.

Tumayo si Leo at sinugod ng yakap si Ethan kaya naman tumawa kami ni Tavi at lumapit na din sila. Iniwan ko yung piano ko at umupo sa may tabi nila.

Mamimiss nga namin itong batang to.

"Ang drama mo naman, Tantan." Sabi ni Leo, at nilaro si Ethan na akala mo five years old lang.

"Bobo ka ba? Ang tanda ko na. Akala mo naman ang bata ko pa para paglaruan mo akong parang bata." Sabi ni Ethan, at Tumawa naman si Tavi.

"Iiwan ka nga namin. Pero bibisita naman kami sa high school campus niyan. Grabe, ah?" Sabi ni Tavi, at ngumisi si Ethan.

"Epal kayo. Mga plastic." Sabi ko, at mas tumawa naman kami.

"Kesa naman tuod tulad mo!" Sabi ni Leo at dinaganan ko siya dahil nakakainis na siya. Hindi naman sa nakakainis. Sadyang trip ko lang siyang daganan.

"Sabi mo?" Tanong ko, at tumawa naman siya.

Ang lakas ng tawanan namin, kaso nabasag yun nung tumunog yung phone ni Leo signaling a call.

Tumayo siya at sinagot yun, kaya naman nanahimik na kami. Nanggugulo pa naman sana kami, kaso nga lang, he mouthed to us that it was his grandma.

"Hey, grandma. What's up?" He asked at halata na mahal niya yung grandma niya dahil nakangiti pa siya habang sinasabi yung mga salita na kumakawala sa bibig niya.

Bigla naman siyang nagflinch, kaya alam na namin na sumigaw nanaman yun, pero ngumiti pa din si Leo pero hindi singtamis nung kanina.

I don't like how he's treated.

"Okay. I'll be right there in a few, grandma. Don't worry." Sabi niya, at pinatay ang tawag. "Shit. I shouldn't be the one ending the call. Nagagalit na siguro si grandma."

Sinabunutan niya pa ang sarili kaya naman huminga kami nang malalim.

"What did she want?" I asked, at binigyan niya kami ng ngiti.

"I'd have to go home. May visitor daw ako. From France." Sabi ni Leo, at nagulat naman kami.

Nagpaalam na siya paalis kaya hinayaan muna namin siya. He has a problem and we know it all damn well.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon