krill jairell vertes.
"Kapag ginawa ko, baka mamatay ako," bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa upuan ng drums sa music club room #3.
"Ha? Bakit naman?! Uy, Krill 'wag ka muna mamamatay!" Sabi naman ng isang boses, at napatalon ako sa inuupuan ko.
"Hoy, Ymir, sinong nagsabi sa'yong kausap kita? Ha? Get the hell away from me," sabi ko, at ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Wow. Magpapractice kaya ako ng 'Mundo', para maabot ko 'yung high notes. Bahala ka d'yan," sabi ni Ymir, at kumanta kanta naman ng malakas kaya naririndi ako.
Pinalo ko naman siya ng drumsticks, bago ako umalis sa kinauupuan ko. Tss. Makaalis nga dito at gawin ko na ang kailangan kong gawin.
Iniwan ko na siya sa music room #3, at nagpunta sa isang garden dito.
I then leaned against a tree, and pulled my phone out of my pocket.
I clicked away on the digits that were still oh so familiar with my hands, kahit na nanginginig ang mga kamay ko.
After a few rings, sinagot naman ito.
"Krill Jairell Vertes. What the hell is your business with me?" Sabi ng same harsh voice na matagal ko nang hindi naririnig.
"Severine. I just wanted to say na pwede bang pakisabi kay Theia na I'm really sorry for what I did?" Sabi ko, na nanginginig pa din ang kamay.
I'm usually not the kind of guy na nagsosorry sa iba. In fact, kahit na kasalanan ko ay ang iba ang nagsosorry sa akin. Kaya this is new to me.
Pero naguiguilty ako sa nagawa ko. Hindi ko nakokontrol ang sarili ko kapag nakikita ko ang Black Reapers.
"Hmm. Ano ba'ng ginawa mo? Umamin ka nga, KJ... kaninong buhay naman ang sinira mo ngayon?" Tanong ni Severine, at may halong parang nanghahamon ang boses niya. As usual.
Her voice always sends chills down my spine. Nakakatakot kasi siyang tao, physically and emotionally. At hindi ko akalain na maririnig ko ulit ang boses niya.
"Wala. Wala, Severine. Wala na akong buhay na sinira," sabi ko, and breathed in deeply. Sana. "Pwede bang pakisabi nalang kay Theia? Ibinababa ko na ang pride ko para kausapin ka. Please?"
"Watch out, Vertes," she said, and then ended the call.
Bigla akong kinabahan. What does she mean by that? At... ano ang kaya n'yang gawin?
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang mga alaala nang bata pa ako.
"KJ! KJ!" Tawag ng isang batang babae sa akin. Lumingon naman ako mula sa kinauupuan ko sa garden ng bahay namin, at nginitian ko ng malawak ang babae.
"Severine!" Tawag ko sa kanya, at niyakap ko siya.

BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...