alyssa shinzen.
Hindi ako makapaniwala. Nandito na si Tita Keira sa bahay kaya naman nakaimoake na din si Shin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nandito siya or maiinis ng sobra sobra dahil para daw ito kay Shin. Sabi niya, mas madami daw opportunities si Shin sa Japan kasi nga advanced ang technology and he is one with technology. Kumbaga malaki ang magiging ambag niya dun at malaki din ang magiging ambag sa kanya ng Japan.
Umagang umaga ng Monday pero wala akong ganang pumasok kasi nga nandito na si Tita and we have to take Shin and her to the airport. Mag iisa nanaman akong anak dito, at magpapanggap nanaman sila dad na ayos lang sa kanila na umalis si Shin.
I once heard mom and dad na nag aaway kasi ayaw nilang ibigay kay Tita Keira si Shin pero kailangan daw at pinayagan na ni dad si Tita. Gusto kong pumasok sa kwarto nika nun at sabihin sa kanila na wag na wag nilang hahayaan na makarating si Shin kay Tita dahil alam namin dalawa na masama ang tunay na ugali nung witch na Tita Keira na yun.
"Aly? Your tita is here, won't you greet her?" tanong sa akin ni Tita Keira, pero wala akong nagawa kundi umalis sa loob ng kwarto ko at sundan siya sa baba kasi yun naman ang gusto niya. Sundan ko siya na parang bata tulad nuon para lahat at masusunod ayon sa gusto niya.
Nung nakababa na kami ay sumalubong sa mga mata ko si dad at mom na magkatabing nakaupo habang nasa harapan nila ang nga gamit ni Shin. Shin, however, is nowhere to be seen. Hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.
"Why did you not go to school, Aly? Baka maapektuhan ang pag aaral mo nyan." pekeng pag aalala ni Tita Keira kaya kahit na gusto ko na siyang sabunutan after all those things na ginawa niya sa amin nuon ni Shin. Tinignan kami ni dad and mom, kaya naman binigyan ko ng ngiti si tita.
"Oh, I'll be going to the airport with you din po, tita. To say goodbye to my brother," sabi ko, at tumango naman siya at napatingin sa taas kaya tumingin na rin kami duon.
Nasa taas si Shin habang nakasuot pa ang headphones at tila wala nanamang pakiramdam hindi tulad nung mga ipinapakita niya magmula nung nakilala at naging kaibigan niya si Romaine. Bigla naman akong nainis kay Tita Keira dahil this is all her fault.
My kuya was back, pero she's taking him away from me again. From us. At ayaw ko na mangyari naman yun.
I woke up from my thoughts when mom placed her hand on my shoulder. Nginitian niya ako ng makahulugan, at tumango siya ng kaunti. Binigyan ko din siya ng ngiti, at tinignan si dad na may matigas na ekspresyon.
"Let's go na, Aly? Shin, you guys?" tanong ni Tita Keira, at sumunod nalang si Shin at kaya naman sumunod nalang rin ako sa kanya. Sinundan namin palabas si Tita Keira, at nilead niya kami sa isang minivan at duon kami sumakay papunta sa may airport.
Duon ako umupo sa may window para naman maiwas ko ang sarili ko sa mga magulang ko, kay Shin at kay Tita Keira dahil ayoko ang mga nangyayari. Ayoko na aalis si Shin, at ayoko din na oo na lang ng oo sila dad and mom.
Nung nakasakay na ang lahat ay nagsimula nang umandar ang minivan kaya naman nagsuot nalang ako ng headphones kahit na hindi naman ako nagpapatugtog. Ayoko lang naman na may kumausap sa akin ngayon dahil baka mamaya masabi ko sa kanilang lahat na naiinis ako sa mga nagaganap. Baka lahat pa sila ang magalit sa akin at pati si Shin na rin ang magalit sa akin.
Bigla ko naman naisip lahat ng maiiwan ni Shin dito dahil sa pag alis niya. Si Romaine, ang Nemesis, ako, sila dad, ang buong Shinzen since he was the council president. Hindi ba naman yun nakakainis? Nakakainis kasi mamimiss namin siya ng todong todo at wala kaming magagawa dun!
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya naman naramdaman ko nalang na inaabutan ako ng panyo ni Shin na katabi ko nga pala. Umiling ako, pero hinigit niya ang kamay ko at ibibigay yung panyo niya sa akin.
"You need it more than I do. Babalik naman ako, Aly. Hindi ko kayo tuluyang iiwan. Babalik ako," sabi ni Shin, at mas naiiyak ako. Pero pinigilan ko at alam ko na naririnig na din ako nila Tita Keira pero nagpapatay malisya na lang talaga sila.
"Mamimiss kasi kita Shin. Kakabalik mo lang," bulong ko, at narinig ko pa yung pagngisi niya. Nandito kasi kami sa pinakadulong row ng chairs eh, kaya malayo kami medyo kay Tita Keira.
"Babalik din naman ako. Babalik ako. I promise, at pag bumalik na ako ay di na ako aalis ulit," sabi niya.
I'll be holding on to that.
✔️✔️✔️
kei kenjin shinzen.[ before Shin went down to the living room ]
Aalis na ako, aalis nanaman ako. Nag aalala ako ngayon kay Aly dahil pansin ko na gusto niya na maibalik yung dating samahan namin, kaso nga lang ang hirap dahil sa sitwasyon ko. At ito nanaman ako ngayon, iiwan ko nanaman ang kapatid ko. Pati na rin ang mga kaibigan ko na kailan ko lang naisip na pagiging kaibigan pala ang relasyon ko sa kanila.
Nakaupo ako sa bed ko habang hawak hawak ang phone ko. Kavideo call ko ang Nemesis pati na si Romaine kaya sinabi ko na din sa kanila na aalis na kami niyan.
"Paalis na ako. Wag niyo akong masyadong mamimiss kasi hindi ko yan kayang panagutan. Wala akong mararamdaman kahit na pabalikin niyo ako na umiiyak," sabi ko. Hindi pa ako sanay, pero ngayon ngayon ay nararamdaman ko na ang mga emosyon na pagiging masaya at lungkot, kaba at galit. Pero hindi ako sanay na ganito.
"Epal ka, Shin. Madaya ka, andami naming nararamdaman na emosyon para sayo pero iiwan mo kami na walang emosyon," sabi ni Lili, kaya naman nginisian ko siya.
"Pano mo nasabi?" tanong kong seryoso, at nagtawanan naman sila.
"Si Kuya Shin, mang iiwan na. Wala na kaming mahilig magpasabog," sabi ni Xen, kaya naman umiling iling ako.
"Pang asar na bata, lumaki kang mabait. Wag mo tularan ate mong—"
"Shin! Wag nga!" sabi ni Chen, kaya naman tumawa ako ng malakas dahilan para matahimik sila.
"Tumawa ba siya?" tanong ni Ziro, kaya naman nanahimik ako at nagpanggap na walang nangyari.
"Oo. Tumawa siya. Tanda." sabi ni Romaine, at tumawa naman sila habang nakangisi nalang ako.
"Ang daya, oh. Di na siya tatawa niyan," sabi ni Xen, kaya naman ngumisi ako.
"Mamimiss ko kayo. Malungkot ako." sabi ko, sabay patay ng video call dahil hindi ko kayang harapin yung mga salita nila kapag narinig nilang sinabi ko ma malungkot ako.
Pinatay ko na ang iPad ko at binalik ang poker face ko dahil ito ang nakasanayan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga iiwan ko.
Pero alam kong nakasave lang ang tunay na emosyon ko sa mga kaibigan ko at kay Aly.
Hindi ko kayo malilimutan. At pag kinalimutan niyo ako, expect your location easily tracked down in a matter of seconds at may bomba na agad na nakatanim dyan.
Shin, signing out.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Ficção Adolescente[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...