third person.
Dumating na ang kinabukasan, at alas tres palang ng madaling araw ay nagkita kita na ang lahat sa bahay nila Ymir. Kahit na wala siya sa meeting nung about sa plano para sa pagsalakay kila Raigne, sinabi sa kanya ng lahat kung ano ang gagawin niya.
Axelle, Romaine, Lili, Maree, Louise, Aly, Chenaire, Arianne, Leo, Vance, Ethan, Tavi, Krill, Ymir, Leone, Bastille, Shin, Lexus, and surprisingly Harrison na tinawagan ni Romaine ay nandoon. Nasa rooftop na silang lahat at hinihintay ang isa isang pagdating ng mga choppers at vans na gagamitin nila.
Kung paano nakasama si Harrison Hamilton, this is the story. When Romaine was about to go to the meeting place, which is the Zin residence, nakasalubong niya si Harrison at naalalang archer pala ito at handang tumulong kahit na hindi naman sila gaanong magkaclose. Pero dahil na rin sa kapatid niyang si Harvee at sa pagsasamahan nila, walang doubt at pagdadalawang isip na sumama at tumulong si Harrison. Since, family friends din naman sila ni Romaine.
"So, is everyone ready?" asked Ethan, na walang nag-expect na maglelead pala siya ng ganito someday.
Ever since bago pa mag-umpisa ang mga tragedies na nangyayari sa school year nila, walang nakaisip na mayroon palang itinatagong kakayahan ang bawat isa at wala ring nag-expect na magiging close pala sila sa bawat isa. Kumbaga, nung umpisa ay parang mga strangers lang sila at walang pakialam sa isa't isa, hanggang sa paglipas ng ilang buwan ay sila sila rin pala ang magiging magkakasama.
Ang malamig na hampas ng hangin ay ramdam ng bawat isa sa kanila, at maihahalintulad ito sa lamig ng mga pangyayari.
Bawat isa sa kanila ay nagfafire up ang mga damdamin, at tila nabubuhayan sa pangyayaring. It seemed like everyone had a burning passion to finish this battle, to get their loved ones despite being too young to face this alone.
Ethan breathed in deeply. Nasa harapan siya ng bawat isa, at sa bawat pagtangay ng hangin sa humahaba niyang buhok ay kasabay nito ang pag-iisip at pagsusuri niya sa bawat isa.
When he first went to the high school department of Delcroix Heirs' Academy, he told himself that he'll hide his true identity even from his friends, the Black Reapers, no matter what will happen. He believed that he has no worth, since he didn't have a direction in his life yet. Pero sa pagkakasunod sunod ng pangyayari ay unti unti niyang sinira ang wall na pumapagitan sa totoong siya at comfort ng pagkakaroon ng walang sikreto sa pagitan niya at ng kanyang mga kaibigan.
He looked at Axelle. He realized that he hasn't done much for her, lalo na at hanggang ngayon, they're still not on good terms. He promised himself that this time, after he reinvented himself as a stronger and more deserving guy for her, tsaka niya ulit ma susuyuin si Axelle, but this time, for real at hindi dahil sa pressure na lahat ng kaibigan niya ay mayroon nang minamahal.
It fired him up to win this, and to defeat Raigne, no matter what happens. Tatalunin niya si Raigne, even without taking the title of best martial artist, dahil hindi na ito para sa titulo kundi para sa pinagsamahan at mga nabuong pinagsamahan nila.
He searched for everyone's eyes, para suriin ang bawat isa.
Axelle looked out of it, siguro dahil siya ang may pinakamalungkot na pagkakaibigan as of now. Romaine left, at nang magbalik siya ay hindi na rin tulad ng dati. Gabrielle was kidnapped, at wala man lang siyang magawa para mabawi ito. Kahit na si Theia ay nakaalis na at hindi na nila kaya pang kausapin for some reason. Hindi naman parehas ang pagsasamahan niya kila Romaine kaysa kila Lili at Maree.
Louise and Aly were silent, and Ethan instantly knew that the two girls were blaming themselves for what happened because they were supposed to be the ones na kasama si Akira nung panahong nakidnap siya. Gusto niyang sabihin sa kanila na hindi nila ito kasalanan, pero alam niyang aabutin siya ng mahigit pa sa sampung minuto kung gagawin njya iyon at maaaring magulo ang utak ng bawat isa.
Lili and Maree were talking amongst each other, at tila ba kinakabahan at naguguluhan pa din sa mga pangyayari these past few days. Unintentionally, they found themselves tied in the web of this group of friends, both emotionally and physically.
Si Arianne naman, isang tingin ni Ethan ay nalaman na niya ang tungkol sa pag amin na ginawa nito. He appreciated the act, lalo na at nandito siya upang tumulong sa kanila kahit na hindi sa combat. He found himself smiling, lalo na at ngayon lang niya nakitang magkaisa sa isang layunin ang mga students galing sa Elite Trio.
He looked at Chenaire, Lexus, and Shin. Hindi niya inakala mula nung acquaintance na magiging kasangga pala nila ang mga myembro ng grupo na ang main goal nupn ay sirain silang magkakaibigan. Hindi niya inakala na in great enemies, he found greater friends in them. It made him believe so much better in their plan.
Yung apat na Rakuzen Boys, he couldn't believe that they actually turned out to be friends after what happened with them and the Black Reapers before. Hindi niya inakala na yun palang grupo na karibal na nila mula pa nuong magkaroon sila ng isip ay magiging kaibigan din pala nila na maaaring magtagal habang buhay because of the hardships they went through together.
He closed his eyes for a bit and felt the cold air hit his skin gracefully. He found great friends with the most unexpected people. Pero sinampal siya ng tadhana nang marealize niya ang isang bagay.
Malapit na ang graduation, paano kaya sila sa susunod na taon? Magkakahiwalay nanaman?
Isa isa nang nagdatingan ang mga choppers, at nagtinginan sila ni Romaine. They nodded at each other, and signaled for the plan to go on.
Sumakay na ang dapat na sasakay, at bumaba na para sumakay sa vans ang dapat na sasakay.
we're all in this together.
✔️✔️✔️
author's note:
2/3-6
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...
![delcroix heirs' academy [ EDITING ]](https://img.wattpad.com/cover/153685553-64-k747406.jpg)