theia celestine greene.
"Soooo, anong date ng Sports Interhigh?" Tanong ni Krill, habang nagshushuffle sa seat niya.
May pasa pa yata siya, pero tinakpan ito ng makeup. Pati si Ymir. Gusto kong magtanong bilang kaibigan, pero hindi 'yun ang ipinunta ko dito.
Si Leo na nakaupo sa tabi ko ay nakaclench pa din ang fists habang nagtitinginan sila ni Ymir. Leo was glaring, at si Ymir naman ay parang kinakabahan. Ano bang meron? Magkakilala ba sila?
Kami lang naman ni Krill ang nag-uusap, at hinayaan ko na 'yun na ganun. At least ay kahit paano ay may kasama kami ni Krill. Pwede naman silang magsuggest ng ideas kung sakaling may ayaw sila sa ideas namin, eh.
"August 27. The whole week ang Interhigh. Any objections?" Sabi ko, at umiling naman si Krill.
"27? Whole week?" Tanong ni Ymir, at tumingin kaming lahat sa kanya.
"Oo, why, do you have any problem with that?" Tanong ni Leo, at kinurot ko siya causing him to flinch.
"Wala. Pero sa'yo? Meron," sabi ni Ymir, at tumayo naman si Leo para harapin siya.
Hala?
Humarang naman si Krill ng kamay niya, at pinigilan si Ymir. Nagtitinginan na sila ng masama, kaya hinarangan ko na din si Leo.
"Leo, ano ba? Para sa council ang ipinunta natin, what the hell are you doing? We're not here para mang-away ng rival school sa sports. Sports lang, walang personalan!" Sabi ko, and held his arm.
I feel like there's a history behind these two.
"May problem ka sa akin? Well, too bad, because I can't change for you. I don't change for unworthy people. Picking on younger ones? Such a pathetic person," sabi ni Leo, at nagtaka naman ako.
Ano ba ang sinasabi neto?
"What the hell? Anong mayroon?" Tanong ko, pero walang sumasagot sa akin.
Tumingin ako kila Ymir at Krill for answers, pero hindi sila sumasagot.
"Magaling kayong Delcroix if you have company. Wala si Vance dito. Ano ka ngayon?" Sabi ni Ymir, na mukha nang nang-aasar.
"Ymir! Alam mo na ang pwedeng mangyari kapag ipinagpatuloy mo 'yan. Didn't you learn a lesson? Isa pa, nandito si Theia, oh? Mag-isip ka naman!" Sabi ni Krill at mas lalo akong nacurious.
"Ano ba kasi ang problems niyo? Bakit hindi niyo ako masagot? What the hell is this?!" Tanong ko, na naiinis na.
Kung ano ano ang pinag-uusapan nila, at hindi man lang nila ako masagot ng kahit kaunti. I'm starting to get angry.
"Wala 'to, tara na," sabi ni Leo, at hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Walang tatakas, Wesley. Theia, we're sorry," sabi ni Krill naman, na biglang nagchange.
I've never seen this angry side of Krill before. Sabi sa akin ni Ymir dati, nag-iiba daw si Krill kapag napipikon. I've never managed to mapikon siya.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...