delcroix heirs' academy ✔ chapter one hundred

69 2 2
                                    

alyssa shinzen.

It's the last day of the semestral break at lalabas sana kaming tatlo nila Louise and Akira, but then naalala namin na delikado na ngayon. Baka mamaya kung nanaman ang mangyari so we decided na sa bahay nalang kami.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila Shin, or wherever he is, basta ang alam ko ieenjoy naming tatlo ang last day of semestral break with a lazy day. To be honest, we all deserve it.

"Kakagaling ko lang kila Axelle kanina, and theyre hanging out kasama si Gab, Maree, Lili at Arianne. Since we know naman na she's not the real Shay dahil she explained it to Vance at umamin na din siya sa atin after everything." Pagpapaliwanag ni Louise, which caused both Akira and I to look at her.

"Minsan hindi ko alam kung sino ang mas imbestigador sa inyo ni Aly. I know we haven't been friends for that long, pero alam ko si Aly talaga yung mas imbestigador," sabi ni Akira, at nagulat naman siya.

"Wait, why?" She asked, at nagtinginan naman kami ni Akira as if we were expecting na alam na niya ang nangyayari.

"Well, for starters, no one knows na kay Vance siya umamin. Pati ako," sabi ko, at tumango naman si Akira.

"Seriously?!" Louise asked, kaya naman nagpaalam muna ako na kukuha ng makakain namin.

Most probably cookies yung kukunin ko with fresh milk dahil dun mahilig si Lou at nahahawa na kami ni Akira. Ewan ko ba.

Bigla namang pumasok sa isipan ko si Theia, at nag-alala para sa kanya. Kamusta kaya siya sa States? Babalik kaya siya agad? PAANO YUN?! Last day na ngayon?

Nang nakarating na ako sa kitchen ay binuksan ko ang ref at kukuha na sana ng food namin but my phone endlessly vibrated kaya naman sinagot ko nalang yung tawag without knowing whoever on earth it was.

"Hello," I greeted, at kinuha ang cookies with one hand tapos naman ay ang fresh milk.

Nang nailapag ko na yun ay tsaka lang sumagot yung nasa kabilang line.

"Hey, Aly. Alam mo ba kung saan nagsusuot si Severine?" Tanong ng isang pamilyar na boses, kaya naman nagulat ako. This is the first time na tatawag siya sa akin lalo na at gamit pa ang first name ko.

"Himala? Krill Vertes? Ikaw ba talaga 'to?" Pang-aasar ko, and i heard him groan from the other line.

"For goodness' sake, Alyssa Shinzen. I don't have time for that," sabi niya, at nakarinig naman ako ng nag-uusap na dalawa sa background.

"Krill? Girlfriend mo? May papatol pala sayo?" Sabi nung isa at may tawanan sa background.

"May papatol pala sa bomba?" Sabi ng isa pang boses, at nagtawanan nanaman sila.

"Hoy, wag niyong inaaway yan. Baka patayin tayo. Mahal ko pa Lays ko," sabi ng isa pang boses.

Pinapakinggan ko lang sila ng ilan pang segundo bago nagsalita ulit si Krill.

"Call me back if you've seen Severine. She ditched us." Sabi niya, and the idea of calling him brought a blush on my face.

Alyssa, Alyssa, Alyssa, calm the heck down.

"K," I answered, and I heard him chuckle before he ended the call.

Nakahinga naman ako ng malalim, at agad na tumakbo paakyat, dala dala ang mga food na kinuha ko. As I was stepping up the stairs, I heard muffled noises, kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta sa may bandang rooms namin. On the left are our room's, at nauuna ang sa akin, and then there's Shin's.

Papasok na sana ako sa kwarto ko, dahil akala ko sa kwarto ko naririnig yung usapan, but then I saw that the door is closed naman, and our rooms are sound proof. Napalingon ako sa kwarto ni Shin, at nagdalawang isip.

Pupuntahan ko ba...?

Screw it.

Dahan dahan kong inilapag ang hawak kong food at agad na naglakad ng dahan dahan papunta sa may kwarto niya.

What surprised me is that he wasn't alone, and it seems like he's arguing with someone.

✔️✔️✔️
kei kenjin shinzen

"So, Shinzen, anong plano mo?" tanong sa akin ni Romaine, dahil sinugod niya ako kanina dito sa kwarto ko.

To be honest, I don't even know why I'm still ignoring her. Or why she's affected that I am ignoring her. Nakaupo ako sa bed ko, looking down on the hardwood floor habang siya naman yung nakatayo sa harapan ko with her arms crossed in front of her chest.

"What?" I asked, hindi pa din siya tinitignan. Baka kapag tinignan ko siya, sumakit nanaman yung puso ko. I'm no way in hell used to it.

"Explain. Bakit mo ako shinushut out? Did I do anything or what, kasi naman, biglaan ka nalang hindi namamansin," sabi niya, at saka ko lang dahan dahan na iniangat ang mga mata ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim, at hinawakan ang puso ko. Ito nanaman. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng ganitong pakiramdam. Hindi ako sanay.

Tinaasan niya ako ng kilay, pero hindi ko yun pinansin. Her hair fell down in waves, at nakasuot siya ng black na shirt with white ripped jeans along with combat boots. Damn. She looked badass.

I groaned. I don't like what I'm thinking of.

"Sasagot ka o sasapakin kita?" sabi niya, and I smirked. She smirked back, at tumayo naman ako at nilapitan siya. "why are you ignoring me?"

"Gusto mo talagang malaman?" I whispered, once I was standing a few inches away from her.

Fudge. Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ako kinakabahan when I don't even feel this. Hindi kaya...? Screw it.

"Uulitin ko pa ba?" bulong din ni Romaine, and I smirked.

"Because I—"

Sasagutin ko palang sana siya, but her phone blasted the Star Wars theme kaya naman I rolled my eyes and stepped away. Bumalik ako sa kama ko at kinuha yung pocket knife sa may bedside table at pinaglaruan yun.

Hindi naman sana akong makikinig, pero naalarma ako.

"What?" she asked to the one on the other line, at halatang naiirita siya. I just kept on watching her.

"What do you mean that I should get back there? Ginugulo niyo ko," sabi niya, at nagkatinginan kami.

"Tss. Fine, I'm going. Maghanda kayo ng Choco Butternut na doughnuts and hot chocolate, or I won't go back," sabi ni Romaine, and I smirked.

Nakakatakot.

✔️✔️✔️
theia celestine greene.

After convincing my parents na pabalikin na ako, a smile was brought to my face. Kahit na may kapalit pa yun, okay lang sa akin basta makauwi ako.

Malapit na ang birthday niya, and most certainly, pasukan na din niyan. It's Sunday evening, kaya naman nandito na ako sa airport para hintayin ang flight ko.

Malapit na ako, guys. I'm sorry kung wala ako. But believe me, after this, hinding hindi ko na kayo iiwan.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon