vance keith mccartney.
Salita ng salita yung teacher sa harapan namin, pero wala naman akong pakialam. Kung ano ano nalang yung sinasabi. I don't even freaking care about these literature things. It's not like we are going to be writers or something.
I sighed, at sinubsob ang mukha ko sa desk ko. Gusto kong magpalipat sa Rakuzen, but all my friends are here at hindi ko sila kayang iwanan. Baka kung anong kagaguhan lang ang gawin nila dito. Natulog muna ako.
"Wake up," sabi ng isang boses, kaya naman agad akong nagising para tignan kung sino yun. Nakita ko naman si Tavi at Leo na ginigising ako.
"What?" tanong ko, kaya naman ngumiwi sila at umatras ng kaunti.
"Lunch na, ungas," sabi ni Leo, kaya naman nagstretch ako saka na tumayo at inunahan sila sa pinto.
"Sandali," sabi ni Tavi, at nagjog sila para makarating sa akin.
Hindi ako tumigil sa paglalakad at dirediretso pababa sa stairs ng building namin. Pinagmasdan ko ang bawat wall na pumapalibot sa amin. White coloured walls. Nadaanan ko din ang classroom ng 2-2, classroom nila Leo, at napaisip.
Ilang buwan nalang kami dito. Hindi ko na makikita pa ang mga pader na ito, hindi ko na makikita pa ang mga classroom na to.
I sighed. It's not the time for throwback Thursday. Ni hindi nga Thursday ngayon, eh. Tsk.
Nang makababa na ako ng tuluyan ay agad kong inisip kung nasaan na yung tamad naming kaibigan. Baka mamaya susunduin pa namin yun eh ang layo ng building namin sa building nila, knowing Delcroix for years.
Nasa tabi ko na yung dalawa, kaya naman sabay sabay na kaming naglakad papunta sa kung saan man nila ako dadalhin.
"Susunduin ba natin si Ethan?" tanong ko, at umiling naman sila. "Mabuti."
"Sa cafe tayo, nandun din sila Theia," sabi ni Leo, at nagkaroon ng makesong ngiti sa mga labi niya.
"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan, nakakakilabot. Parang kelan lang nginingitian mo ng ganyan yung mga fan mo dito." sabi ko, at tumawa naman si Tavi.
"Well, maybe that's because your heart isn't settled for something yet. Si Leo, alam na natin na sila na talaga ni Theia hanggang dulo. Gabrielle and I are now engaged, kahit na hindi pa legal ang age namin. Pero malapit naman na. Isang taon nalang." sabi ni Tavi, at sabay kaming biglang lumingon ni Leo sa kanya.
"Fudge, seryoso ka?" sabi ni Leo, at kumunot naman ang noo ko.
"Andito na tayo," sabi ni Tavi, kaya naman maputol na ang usapan namin.
Nasa harapan na namin ang cafe, kaya nanahimik na ako at binuksan yung glass door.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa cafe ay agad na sumalubong sa akin ang amoy ng coffee beans at cake. Inilibot ko ang mata ko sa paligid, at nakita ko naman si Ethan na nakaupo sa long table kasama sina Gabrielle, Theia, Axelle, Louise, Maree at Lili.
Tsk. Parang kulang kami.
Gusto ko talagang sumugod sa Rakuzen. Akira. Tss.

BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...