romaine severine beauregard.
Boring. Nakakainis. Puro sila couple couple dito, samantalang mukhang tanga si Harvee na may nakaipit sa bibig na fries. Fangs daw niya. Parang tanga talaga. Tawa pa ng tawa, mukhang unggoy.
"Sev. Sev. Look at me!" Sabi ni Harvee, at dinakmal ko ang mukha niya. "Uy, 'waaag."
"Para kang tanga," sabi ko, at tumawa naman sila. Babaw ng kasiyahan. Bahala na.
Si Akira Zin... ba 'yun? Parang namumutla na natatae. Bakit, mabangis ba kilikili ni Vance? Pfft.
"Hoy, nilalait mo kami sa isipan mo 'no?" Sabi ni Leo, and I looked at him as if he was being irrational. "Hindi pala. Wrong choice of words."
"Tss," sabi ko, at nagfacepalm silang lahat. "Bakit?"
Nagsi-ilingan naman sila. Bigla namang may kumalabit sa akin, at nakita ko si Harvee na nagseryoso. I raised my brows at him, and he looked down.
"Mukha ba talaga akong tanga sa paningin mo?" He seriously asked, and I chuckled. Tumingin naman sila sa akin lahat na parang may himalang nangyari.
"Ang ingay niyo. Just saying. Gayahin niyo si Rakuzen dito." Sabi ni Vance, at namula naman si Akira. Rakuzen? Drama, ah?
"To answer—"
Nagring ang phone ni Gabrielle, and we all looked at her expectantly. Katabi niya si Tavi at nagkatinginan sila. Anong trip nila? Nag-uusap sa isipan?
"Sasagutin mo o sasagutin ko?" Tanong ko, at agad namang nag-excuse si Gabrielle to answer the call.
Pagtayo niya at paglabas, tinginan silang lahat sa akin.
"What?" I asked, and then they snickered.
✔✔✔
apollo octavian solace.
After Gabrielle left, nagkaroon na ng sari-sariling mundo 'yung mga kasama namin sa table. Kausap ni Theia si Akira at nagtatawanan sila about something related to some Rakuzen people.
Si Romaine naman, she looked bored as usual at magkausap naman si Leo at Vance na parang may kinukwentong malupit si Leo. Si Ethan naman, may kinukwento kay Axelle. Si Axelle, she looked like she was shocked sa kinukwento ni Karl.
Ako? I'm not—
Nagvibrate 'yung phone ko, at tumingin ako. May message galing kay Gabrielle.
From: Gabrielle
- I have to go home. Bye, baby. Iloveyousomuch. More than you'll ever know. And also, punta kayo lahat sa bahay. Party. Formal. Bye.
I furrowed my brows. Normally, it seems like what someone would say to their lover, but something is different.
Gabrielle never says bye.
✔✔✔
raleign.
Mukhang nagkakawatak ang grupo nila McCartney. May sarili silang mga mundo. Maybe it looks normal, pero malay ko. Basta.
BINABASA MO ANG
delcroix heirs' academy [ EDITING ]
Teen Fiction[ TAGLISH ] "Even the rich have problems, too." Rich or poor, no one can get away from a rollercoaster of a life. Whether you have all the riches in the world or just a few cents in your pocket, there's no escape from a life full of problems. But wh...
![delcroix heirs' academy [ EDITING ]](https://img.wattpad.com/cover/153685553-64-k747406.jpg)