delcroix heirs' academy ✔️ chapter one hundred two

57 3 4
                                    

lili mierna birmingham.

It's hapon na, kaya naman club hours na. Halos wala na ngang nagcuclub activities kasi agaran na inannounce kanina ni Theia na may event na sa Monday. Eh Friday na ngayon at ang gawain lang is tumulong na ayusin ang booths namin kada room. Assigned naman ang booths kaya hindi na mahirap pa ang gagawin namin. Basta ay alam na namin ang magiging hitsura.

I really admire Theia for being responsible. I can really tell na para sa kanya ang role niya bilang H&HC President. Napakaresponsible niya kasi at alam niya ang gagawin para hindi maging boring ang paaralan namin.

Nasa room ako na nakaupo habang nagpapahinga pa ang mga classmates ko. Patapos na kasi ang room namin, kaya naman medyo nagpapahinga na kami. Ang theme namin sa Delcroix ay Europe, kaya naman madali lang. Ang Class 1-1 ay nakaassign sa pastry goods. And 1-2 naman is shop ng mga clothing, shoes and such na european style. Ang 2-2 ay assigned sa 'wonders of Europe' kung saan ipapakita ang kagandahan ng Europe at iba ibang facts. Ang 2-1, kami, naman ay assigned sa Ballroom, at sigurado akong Minuet ang tugtog. Si Vance daw ang magpapiano, eh. Then they are really serious about this, kasi hindi basta basta tutugtog si Vance kung wala naman siya sa mood or kung trip niya lang. Dapat may importanteng rason. Dito sa classroom namin ang kuhanan ng pass, at sa Events Hall ang mismong ballroom.

"Lili, kanina pa tumutunog yang phone mo. Won't you answer it ba?" tanong ni Maree sa akin, kaya naman I woke up from my thoughts at kinuha ang phone ko saka tumakbo palabas ng room. Sino nanaman kaya ito?

Nung nasa labas na ako, I looked down kasi nasa taas ang classroom namin. May mga nagkalat na students, pero hindi naman madami. Nakabag na sila and I think pauwi na.

"Hello?" sabi ko dun sa tumawag sa akin, kasi hindi ko na natignan pa kung sino yung tumawag. Nagmamadali ako, and I wasn't thinking about it. Hinintay kong magsalita siya, whoever he is. He or she better not be wasting my time.

"Hey," sabi niya, kaya naman natigil ang paghinga ko. "it's Ymir,"

"Oh. Hello to you, too, asshole," I said, and rolled my eyes. He'd been ignoring me. Siguro dahil dun kay Lynx? Yung babae sa Gibson's?

"Look, I am not an asshole. I just called to tell you that I'll throw away all my girls because handa na ako. Handa na akong magcommit. Sayo. I called to say that I fell in love with you, pero napasama yata. Bye," sabi niya, at nanlaki ang mata ko. Bago ko pa siya masagot ay pinatayan na agad niya ako ng tawag.

Hindi pa nagsisink in sa akin ang nangyayari. Si Ymir? He just told me he's ready to commit, eh he's scared of commitments!

He's famous for being in clubs every night at kahit mag-e-eighteen palang siya ay habulin na siya ng mga babae na mas matanda sa kanya. Even foreigners fall on his feet kapag ngisian lang niya. Hindi lang din naman siya gwapo. He's smart, too, and has a compassionate heart. Captain siya ng volleyball club nila, at siya din ang ace. Player din siya ng lawn tennis.

To be honest, ang babaeng makakakuha sa kanya ay napakaswerte.

Nanlaki naman bigla ang mata ko kaya agad ko siyang tinawagan.

Sinagot naman niya agad ito, kaya napangiti ako.

"Totoo?" tanong ko, and I heard him chuckle sa kabilang linya.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon