delcroix heirs' academy ✔ special chapter [ 4.65k special ]

176 4 0
                                    

leo stephen wesley.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng mga lalaki ay agad naman namin na nakita yung mga babae na magkakasama din lahat at nagtatawanan at nag-uusap usap. Kahit si Harley na high school na ngayon ay sinama namin, pati yung mga matatanda dito.

Si Lexus, si Harrison, Si Shin, si Krill, Ymir, Bastille, Leone, Vance, Tavi, Ethan, Blaze, Charles, yung mas batang Ymir at Harley. Si Blaze yung anak ng may-ari ng Gibson's, yung lagi naming kasama at nakakausap and naging kaibigan na rin tuwing magpaparty kami nila Vance. Si Charles naman yung lalaki na nakilala din namin sa Gibson's kaso nga lang ang kalokohan niyan ay magpanggap na bakla.

"Anong gagawin natin? Nandito sila lahat?" Sabi ni Lexus, at ngumisi naman ako.

"Edi lapitan natin, problema ba yun?" Sabi ko, tapos ay napakamot naman sila nang ulo.

"Hindi ako makapaniwala na mga duwag mga kaibigan ng kuya ko. Duwag din pala si Harrison?" Sabi ni Harley, and nagtawanan naman na kami dahilan para mapatingin sila sa amin.

"Ano pa bang hinihintay niyo? Ang gwapo kaya natin, tapos hindi natin ilalantad yung kagwapuhan natin sa kanila? Sayang naman," sabi ni Ymir, nakangisi, at nag-apir naman sila nung mas batang Ymir.

Nasa Middle School palang si mas batang Ymir, o kaya tawagin nalang namin siyang Aster dahil yun yung second name niya? Para hindi nakakalito. Okay, ni Aster. Kahit na mas bata pa lang yan, tinuturuan na ni Ymir ng kung ano ano. Merong mabuti, meron namang tamang kalandian. Being practically raised by Ymir dahil lagi silang magkasama, Aster grew up to be a heartbreaker tulad ni Ymir.

Lahat naman kami ay dahan dahan na naglakad papunta dun sa mga babae habang nag-uusap. Nakakakaba kaya para sa amin na baka mamaya ay pagalitan pa nila kami. Natatakot din ako kay Theia dahil lagi niyang sinasabi sa akin yung lagi akong nagpaparty kahit na gaano ko sabihin sa kanya na siya lang naman yung uuwian ko kahit na anong mangyari.

Ilang beses na din akong nabatukan nina Vance dahil sa kakaparty ko daw. Nang makaupo na kami sa may pwesto ng girls dahil nagpaextend sila ng table, we pretty much occupied almost a quarter of the huge coffee shop.

Magkakatabi kaming mga lalaki habang sila naman na mga babae ay magkakatabi din. Inoobserbahan nila kami kaya naman, dahil katabi ko si Ymir ay binulungan ko siya.

"Pre, sa tingin mo nay ginawa tayong masama kaya ang sama ng mga tingin nila  sa atin? Sa ating dalawa lang naman," sabi ko, tapos ay kumunot naman yung noo niya at nagkamot ng ulo.

Lumipat lipat pa siya ng pwesto hanggang sa nakabalik na ulit siya sa akin. Mukha siyang tanga perko hinayaan lang niya dahil gwapo naman daw talaga siya at mas mahalaga yun.

"Pre, sayo lang yung masamang tingin. Ano bang ginawa mo?" Bulong ni Ymir, at napatingin naman ako kay Theia.

I flinched, after seeing her looking at me with narrowed eyes.

"Ehem," I said, clearing my throat kaso nga lang ay agad na nagsalita sila ng tuloy tuloy sa akin kaya hindi ko alam kung anong uunahin ko.

"Sino si Loren?" Tanong ni Maree, at nanlaki ang mga mata ko dahil alam niya ang pangalan ng tagalinis ko ng banyo.

"Bakit haliparot ka pa din?" Sabi ni Axelle, at napataas ang mga kilay ko.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon