delcroix heirs' academy ✔️ chapter ninety

70 4 8
                                    

leo stephen wesley.

Matapos ang accidental reunion ni Shay at ni Vance, agad akong nagulat nang tawagan ako ni Axelle pero si Maree ang nagsasalita. Wala na ako sa kinaroroonan namin nila Vance kanina at iniwan sila nila Tavi duon dahil may maramdaman akong mali. Parang may mangyayari, at tama nga ang aking hinala.

"What is it, Maree? Is something wrong?" I asked, at narinig ko ang iyak niya dahil sa nangyari.
"I slept over at Theia's along with Axelle kagabi. We haven't been able to tell you, but Theia is on her way to the States today, and her flight is... ten minutes from now. She's in the nearest airport. We weren't able to stop her because it was her father's order," sabi ni Maree, at parang sinuntok yung puso ko.

Aalis si Theia? Nang hindi ko alam? Nang hindi kami magkaayos? Paano nalang kami? Paano kung makahanap siya ng mas deserve niya duon sa States? Can I stop her? Can I?
Tumulo ang luha ko dahil sa narinig kanina. Ang sakit. Bakit ba kailangan niyang umalis? Kung kailan andami naming mga problema?

"Catch her, please," sabi ni Maree, at pinatay ko na ang tawag.

Agad akong lumabas ng bahay at tinawag si Steven. Siya lang naman ang pinagkakatiwalaan ko talaga dito and I'm sure that he'll understand me. Nang makapasok na kami sa car ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.
Nagdasal ako sa langit na sana, maabutan ko pa siya. I can't afford to lose Theia. Not in this case.
Hindi ko maibukas ang mga mata ko dahil natatakot ako na makita na huli na ako. Hindi ko tinitignan ang oras, pero alam kong baka sakaling makahabol ako sa kanya.

"Steven, faster, please," hiling ko, at naramdaman ko ang pagbilis ng sasakyan. Hindi ko siguro kakayanin kapag nawala siya nang hindi kami nagkakaayos. Theia, can you still wait for me?
"Andito na tayo, bilisan mo na," sabi ni Steven, at agad ko namang binuksan ang car door at lumabas.

Tinakbo ko na yung airport, pero hindi ko pa siya makita.
Theia, nasan ka ba? Tulungan mo naman akong makita ka, o.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan siya at mapigilan siya, kaso walang sumasagot kaya paulit ulit ko siya pa ring tinawagan.

Kinakabahan na ako. Paano kapag nakaalis na siya at naiwan ako dito? Susundan ko siya. Hindi pwedeng makaalis siya na hindi kami nakakapagayos dahil habang buhay kong dadalhin yun. Siguro kailangan ko pang lumuhod sa langit para lang makita siya.

I know it sounds dumb that I am doing this for my love when I am just in my last year of high school. Mukhang pangit pakinggan. Pero sa pagiging isang heir or heiress in our generation, you won't know kung sino pa ba ang totoo o hindi. Ikaw ba ang habol o ang business niyo? But Theia was different. She was nothing like the others. She was my world, because she showed me a whole new world. She showed me that I am not as reckless as I seem.

"Theia, please, don't go," I whispered to no one at all, at naramdaman ang panginginig ng mga labi ko. Nakakabakla pero ayoko nang isipin pa yun. Si Theia nalang ang pumapasok sa isipan ko.

I looked down, nang marinig kong paalis ang flight niya, at lahat ay nasa loob na ng eroplano. Wala na akong magagawa pa.

Napaluhod nalang ako sa sakit, at sinabunutan ang sarili ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang sirain ang lahat nung gabing yun? Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at sinabi ko sa kanya yun? Ano bang magagawa ko para ibalik ang panahon at mabawi ang lahat ng mga salitang binitiwan ko nung mga panahong yun?

Napatingin nalang ako sa baba at dinama ang sakit. Pain demands to be felt. Masaya na siguro ang langit. Siguro naman nabayaran ko na ang mga kabalbalan na nagawa ko.

Nawala sa akin yung taong nagpapara,dam sa akin na hindi ako nagiisa at hindi ako dapat kamuhian tulad na lang ng pagkamuhi sakin ng grandma ko. Who will I go to, kung sa tuwing kailangan ko ng good listener at taong makaiintindi sa akin, wala na pala akong mapupuntahan.

"Ang daya mo!" napasigaw nalang ako, at hindi pinansin ang mga taong nagtitinginan sa akin.

Hindi ko na rin pinansin yung mga guards na hinihila ako palabas sa airport na yun. It's not like I wanted to bethere, anyway. Ipapaalala lang sa akin ang masakit na alaalang nawala siya sakin dahil I was insensitive.

Sana masaya na ang langit sa naging kaparusahan ko. This is what I deserve. I deserve nothing close to her.

Tulad nga ngayon; nasa langit siya at nasa lupa ako. Mahirap siyang abutin. I once had her, but now I lost her. Damn, I feel like I was Ouranos and she was Gaea. We can't be.

✔️✔️✔️
maree hale anderson.

Nalaman namin na nakaalis na nga si Theia, and to say na wasak ang mga puso namin is an understatement. Para bang ngayong nagkitakita kami dahil tinawagan ako ni Leo na hindi niya nahabol si Theia, masama ang mga pangyayari. I wonder if god hates us, dahil sabay sabay na sinasalakay kami ng mga problema. First off, nakidnap sila Gab and Akira. And then ngayon isinama ni Vance si Shay who was supposed to be dead at nagdadalawang isip kaming mga babae kung mapagtitiwalaan ba siya.

Nandito kami ngayon sa bahay ng mga Zin, dahil wala ang parents nila and it was wide enough to shelter us all. I'm starting to feel that my life is on the line. Hindi ko nga alam na ang isang supposed to be dream school ay mapupuno ng mga ganitong masasamang pangyayari. Pakiramdam ko, nasa isang shooting ako as an actress, but then I'd have to wake up daily at malaman na totoo ang lahat at hindi lang ako nananaginip.

Humiwalay sa amin si Leo at sinabing uuwi muna siya para mapalamig ang utak, kaya hinayaan na lang namin siya. Halos walang kumikibo dahil lahat kami ay kinakabahan na para sa kaligtasan namin. Hindi namin masabi sabi sa mga magulang namin ang nangyayari because if we did, malamang ay may masamang binabalak nanaman si Raign up her sleeve.

Ifinala ko ang mga mata ko sa kanila, at mararamdaman mo talaga ang gloomy aura sa bawat isa.

Nakaupo si Ethan sa may hand rest ng couch habang nakatulala; Si Vance naman, katabi si Shay na mukhang kinakabahan; si Tavi naman, nakatakip ang mukha at alam naming lahat dito na siya ang pinakanasasaktan dahil ilang beses nang napasakanya si Gabrielle at ilang beses na rin itong nawala sa kanya; si Lexus at Ymir, kapwang naguusap ng masinsinan at tila hindi makagalaw ng matino dahil sa kakaisip sa kapatid nila; si Chenaire naman ay hinahaplos ang balikat ni Lexus upang maibsan man lang ang kaba, pero mukhang hindi naman nakatutulong; Romaine was talking in a corner with Aly and Louise, at mukhang kinakabahan yung dalawa dahil sa mga pinagsasabi niya; Si Axelle, katabi ang ate niya at hindi kumikibo; si Shin na nandito rin, was playing with his robotic hand at parang may finoformulate na plano sa utak. I was sitting down, at hinahawakan ang kamay ni Lili dahil nanginginig siya at hindi sinasabi ang dahilan kung bakit.

Kelan kaya matatapos ang problems namin? I thought living as a rich person would make things much easier, but in our case, I don't even know what to believe anymore.

delcroix heirs' academy [ EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon